Tinitigan ni Millie si Joaquin ng deretyo sa mga mata na tila binabasa ang sinseridad nito. Nakaluhod pa rin ito while waiting for her answer patiently. "Sigurado ka na ba talaga? Kahit dumating ang time na mahirap akong intindihin?" paninigurado niya. Napangiti si Joaquin bago sumagot. "Kahit araw-arawin mo pa, hindi ako magsasawang intindihin ka." "Kahit na araw-araw kitang awayin?" muling tanong niya. "Kahit oras-oras pa, hindi ako magsasawang suyuin ka." nakangiti pa ring tugon ng kanyang nobyo. Millie smiled in her heart dahil sa mga nakakakilig na sagot ni Joaquin sa kanyang mga tanong. Gayunpaman ay hindi pa rin maalis sa kanya ang mag-alala dahil hindi pa naman siya nito gaanong kilala lalo na ang kanyang pangit na nakaraan. Hindi niya alam kung matatanggap ba nito kapag nalam
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


