BLURB
"Mamili ka, Yaya... Babalik ka sa akin para magtrabaho, o ikakalat ko ang sѐx scandal natin."
Labinlimang taong gulang ako nang mamasukan bilang yaya sa pamilya ni Alexander, na sampung taong gulang pa lamang noon.
Siya ang iyaking batang pinapatulog ko gabi-gabi.
Kapalit ng pag-aalaga ko sa kaniya, pinangakuan akong pag-aaralin hanggang makapagtapos ng kolehiyo.
Siya ang alaga kong sobrang attached sa akin, kaya nang makapagtapos ako ay umalis ako nang walang paalam dahil alam kong hindi niya matatanggap ang pagkawala ko.
Akala ko hanggang doon na lang ang kuwento namin.
Nagkamali ako.
Mahigit sampung taon na ang lumipas at muli kaming pinagtagpo ng tadhana sa isang gabing puno ng alak, init, at isang pagkakamaling hindi na mababawi.
Hindi ko siya nakilala.
Paano ko makikilala ang dating batang inalagaan ko kung ang nasa harap ko ngayon ay isang makapangyarihan, malamig, at walang-awang CEO?
Alexander Vance.
Ang lalaking minsang tumawag sa akin na Yaya.
At ngayon, ang lalaking may hawak ng ebidensya ng mapusok na gabing hindi dapat nangyari.
"Wala akong pakialam kung aksidente iyon. Wala rin akong pakialam kung hindi mo ako nakilala."
Ngumisi siya na parang demonyo.
"Ang mahalaga, nasa akin ka na ulit, hinding-hindi mo na 'ko matatakasan!"
Sa isang laro ng blackmail, manipulation, at ubusan ng bait, paano makakatakas ang isang dating yaya sa alagang hindi kailanman nakalimot?
At paano kung ang "baby boy" na minsan niyang inalagaan... ay handa nang maging pinakamalupit niyang amo?
📖 THE RUTHLESS BOSS IS MY BABY BOY
By Dia Diaz
❗WARNING: This story contains mature themes, strong language, alcohol use, manipulation, and scenes intended for mature readers. Reader discretion is advised.