Dra. Maria Ivonne Lopez - Frances (MILF)
Introduction
18 years old ako ng isilang ko si Robie. At ngayong 47 na ako, akala ko ay kumpleto at payapa na ang aking mundo.
Hinarap ko ang matitinding panghuhusga... Tinawag ding disgrasyada, iniwan ng aking unang kasintahan, at halos itakwil ng sarili kong pamilya. Pero sa halip na sumuko, ginamit ko ang bawat sakripisyo bilang motibasyon.
I pursued my studies with unwavering focus, mula sa pre-med hanggang Medicine Proper na literal na nagsunog talaga ako ng kilay.
Dahil isa lang naman ang mahalaga... Ang mabigyan ng magandang kinabukasan ang anak kong si Robie.
Ngayon ay isa na akong Pediatrician, a Medical Doctor na may nakakabit na ngang MD sa hulihan ng aking pangalang... Isang fulfillment na marahil. Isang bagay na labis na ikina proud ang aking mga magulang.
Nakapagpatayo na ako ng sariling kong Clinic at sariling bahay sa isang medyo class na din na subdivision, at pinalaki ko si Robie nang marangal, may respeto.
I built a stable, comfortable life for both of us on my own, at proud ako doon.
Dahil sa trauma ng nakaraan, at sa kasunduan ko rin sa aking mga magulang, itinakda ko ang isang prinsipyong hindi ko kailanman nilabag sa loob ng 24 taon. No romantic relationships. No distractions.
At higit sa lahat ay huwag na huwag lalapit sa mga lalaking walang seryosong intensyon. Wala ni isa sa mga nanligaw sa akin ang in-entertain ko, dahil akala ko ay sapat na ang pagmamahal ng anak ko para mabuo ako.
Akala ko ay hindi na magbabago ang lahat. Hanggang sa dumating siya-ang best friend mismo ng anak ko. Ang lalaking kilalang babaero, halos kalahati lang ng edad ko, at direktang sumasalungat sa lahat ng pamantayan ko.
Ang akala kong hindi matitinag na paninindigan... bigla na lang nanganganib na gumuho.
Siya si Rome.
Ang gusto kong simulan ang kwento sa kanya..
POV OF ROME
"Rome maari ba tayong mag-usap Anak?"
Bahagya naman akong ngumisi at bahagya pang sumandal sa sofa bago naman tuluyang inihagis ang bag ko.
"Nag-uusap na tayo Mama.. "
Napapailing ko pang sambit, bago naman kinuha ang phone ko at nagsimulang mag scroll dito.
Huminga naman si Mama ng malalim at bago napapailing na tumabi sa akin.
"Sigurado kana ba sa desisyon mo Anak na titigil ka muna sa pag-aaral mo sa susunod na sem? " Halos mapaiyak na tanong pa niya sa akin.
Sandali ko namang binatawan ang phone ko at bahagyang tumingin sa kanya.
"Yes Ma, gusto kong mag work muna, alam kong masyado ka ng nahihirapan. Lalo pa nga at tuluyan ng hindi nagpakita sa atin ang kupal kong Tatay! "
May hinanakit pang tugon ko bago naman ako akmang tumayo at,
"Pero sayang naman diba? Isang taon nalang at ga-graduate kana. Baka naman kasi maka shoot ako ng isang deal sa real estate. At doon ay wala na tayong po problemahin pa. " Pangungumbisi pa niya sa akin.
"Hindi Mommy! I'm sorry. Isa pa ay mahirap pang hawakan yang sinasabi mo. Paano pala kung hindi diba? Nasa crisis ang ating bansa. Kaya naman kay hirap ding makabenta ng mga real properties sa ngayon. "
Mabilis akong humakbang palayo sa kanya.
Aaminin kong nalulungkot talaga ako sa gagawin ko. At aaminin ko ding tama naman talaga siya. Dahil isang taon nalang ay makaka graduate na ako sa Engineering course ko. Subalit hindi ko na kayang makitang nai-stress siya ng sobra dahil lang sa lecheng pangarap niyang makatapos ako agad-agad.
Dahil para akin ay kaya ko pa din namang matupad ang pangarap ko ng hindi siya pinaparusahan ng gaya nito.
***
Pagdating ko sa kwarto ko ay halos pabagsak akong nahiga sa akin kama. Mariin ding ipinikit ang aking mga mata at pilit na pinakalma ang sarili.
At amining naawa ako kay Mama. Na nalulungkot ako para sa tingin niyang pagtapos ko sa mga pangarap niya para sa akin.
Subalit ganito nga ba ang gusto ko?
(Ring Ring)
Nasa ganito akong pag-iisip ng biglang tumunog nga phone ko. At mapangiti ng makita ang naka register na caller sa phone ko.
Si Robie. Ang bestfriend ko.
"Par, uyy napatawag ka." Halos wala sa sariling bungad ko sa kanya sa phone.
"Langya Par, nasan kaba? Don't tell me, tinotoo mo yung sinabi mo na uuwi kana? Teka lalaro pa tayo diba?"
"Pwede ba pass muna ko diyan Pre? Madami lang kasi ako iniisip sa ngayon?" Tugon ko pa sa kanya.
"Babae na naman ba yan huh? Hay nako napakabilis mo naman kasing magsawa Pre. Teka break na ba kayo ni Nicole? Balitang balita kasi dito sa campus Pre. Sira ulo ka talaga." Muli namang sita sa akin ni Robie.
Tama naman siya, at tama din naman na babaero talaga ako.
Hindi ko naman ito sinadya at lalong hindi ko din naman ginustong saktan sila. Sadya lang masasawain ako at masisisi ba nila ako kung talaga namang ayoko na?
"Oo Pre, kesa naman paasahin ko pa siya. Eh sa ayaw ko na talaga. At siguro nga ay hindi na muna ako makikipag girlfriend Pre, nakaka guilty din kasi eh, " Sabi ko pa.
Natawa naman si Robie sa sinabi ko mula sa kabilang linya.
"Gago, huwag nga ako Pre. Ilang daang beses mo na yang sinabi eh. Pero kapag nakakita ka na naman ng magandang chikas e kinakain mo naman ang lahat ng mga sinasabi mo."
Natawa naman ako sa sinabi niya.
Partly ay totoo naman kasi talaga.
Bakit nga ba kay bilis kong magkagusto lalo na kung sexy at maganda.
O baka naman tama talaga si Robie na sadyang mahilig lang ako talaga. Kaya naman kay bilis ko ding magsawa kapag naman natikman ko na ang isang babaeng kinahuhumalingan ko.
Dahil isa lang naman talaga ang pakay ko sa pakikipag relasyon.
Ang ma b*****g ang babaeng gusto ko. At pagkatapos ay ibang usapan na. Siguro ay dahil wala naman talaga love na involve kundi lust lang talaga.