bc

Bhe, I Love You: Rob

book_age16+
670
FOLLOW
1.7K
READ
friends to lovers
boss
sweet
bxg
lighthearted
bold
city
friendship
sassy
like
intro-logo
Blurb

Nagulo ang pananahimik ni Victoria nang utusan siya ng kanyang publisher na si Sir Four na magsulat ng erotic novel. Kulang na lang, magwala siya. Bakit hindi? She was VA Sinclair, a young adult fiction writer.

Kaya sumama si Victoria sa mga kaibigang sina Dream, Dawn at Belle sa bakasyon, umaasang magkamilagro at maisulat niya ang hinihingi ng publisher.

Nasagot ang dilemma ni Victoria nang makilala si Roberto sa pagbabakasyon niya sa Palawan. She decided he was going to be her inspiration. Baka maraming pointers na maibigay ang lalaki. After all, he used to be an actor and starred in some sexy films before.

Pero hindi lang siya tinulungan ni Roberto na buuin ang isang nobelang hindi niya inakalang kaya niyang maisulat.

"Make your audience feel something. Arouse their imagination."

Hindi lang yata imagination at creativity ni Victoria ang na-arouse. At hindi lang basta kuwento ang kanilang nabuo...

chap-preview
Free preview
Prologue
“NO.” Napakurap-kurap si Roberto. Nais niyang hilingin na sana ay mali siya ng dinig. Sana ay hindi kaagad naiproseso ng kanyang utak ang pagtanggi ng nobya. “No?” Namasa ang mga mata ni Tanya. “I’m sorry, Rob.” Napalunok-lunok si Roberto. Nagsimulang manikip ang kanyang dibdib at hindi siya makahinga nang maayos. Maituturing na marami na siyang napagdaanan sa buhay ngunit ngayon lang siya nasaktan nang ganoon katindi. Siguro ay dahil inasahan niya na simula na ito ng isang magandang buhay. Hindi siya maituturing na romantiko ngunit ang sandaling ito marahil ang itinuturing niyang simula ng kaniyang “happy ever after.” Ang sandaling iyon dapat ang katuparan ng kanyang mga pangarap. “I love you.” Isang malungkot na ngiti ang iginawad sa kanya ni Tanya. “I’m really so sorry, Rob.” “Bakit?” Sinalubong ni Tanya ang kanyang mga mata. “Isang araw sa hinaharap ay mahahanap mo rin ang babaeng para sa `yo.” Ibinuka ni Roberto ang bibig upang sabihin na nahanap na niya ang babaeng para sa kanya ngunit walang tinig na namutawi. Kaharap na niya ito. Kaya binili niya ang pinakamagandang singsing na nakita niya. Kaya dinala niya sa magandang lugar na iyon si Tanya. Tumingin siya sa paligid. The place was magical. Kumikinang ang buong paligid dahil sa mga alitaptap na namumugad sa mga mangroves. Namamangka sila sa tahimik na ilog na kung hahawakan ang tubig ay lumilikha rin ng mumunting ilaw dahil sa bioluminescent phytoplanktons. Wala na marahil mas roromantiko pa sa lugar. Isa pa marahil siya na unang magpo-propose roon. Hindi maintindihan ni Roberto kung bakit iyon nangyayari. Nais niyang kumbinsihin ang sarili na isang masamang panaginip lamang iyon at magigising na siya anumang sandali. Hindi maaaring sa pagtanggi mauwi ang lahat ng kanyang paghahanda. Paano na ang mga plano niya? Paano na ang buhay na pinangarap niya? Kinuha ni Tanya mula kay Roberto ang munting jewelry box na naglalaman engagement ring. Isinarada nito ang nakabukas na kahon at muling ibinalik sa kanyang kamay. Halos wala sa loob na napahigpit ang pagkakahawak niya roon. Nais sana niyang itanong kung bakit, kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa ngunit base sa ekspresyong nakikita niya sa mukha ni Tanya, alam niyang wala nang mababago sa naging  desisyon nito. Walang magbabago sa sitwasyon kahit na paano pa niya alamin kung bakit. “It’s not you, it’s me,” ang daing ni Tanya. Kumawala ang mga namuong luha sa mga mata nito. “Bullshit,” ang usal ni Robert. Nagsisimulang umahon ang galit sa kanyang dibdib. Naririnig ba nito ang sarili? Aware ba ang nobya kung gaano ka-cliche ang sinabi nito? Nagyuko ng ulo si Tanya. “I know.” Napabuntong-hininga ang dalaga bago nagpatuloy. “Pero totoo. Siguro ay iniisip mong nakuha mo na ang lahat ng gusto mo, nakamit na ang mga pangarap. Pero nagsisimula ka pa lang, Rob.” “Alam ko. At gusto kong magsimula ng bagong buhay na kasama ka. Gusto kong simulan ang lahat ng magagandang maaaring mangyari na kasama ka.” Umiling-iling si Tanya. “Bilang asawa mo? May mga pangarap ako. Yes, I wanna be with you. Pero sa ngayon ay mas gusto kong tuparin muna ang mga pangarap ko. There’s just so many things I have to do before I settle down and build a family.” Masasabing lubos nang kilala ni Roberto si Tanya. Alam niya ang paraan ng pagsasalita nito. Naririnig niya pati ang mga salitang hindi nito binibigkas. “Before you settle down and build a family. Not necessarily with me.” Dahil kung nais siya nitong makasama talaga, hihilingin nitong maghintay siya hanggang sa maging handa ito. Mas lumago ang lungkot sa mga mata ng nobya. “Patungo akong Boston. Doon ko ipagpapatuloy ang pag-aaral ko.” “Lilinawin ko lang para masabing naiintindihan ko talaga ang nangyayari.” Sinalubong ni Roberto ang mga mata ni Tanya. “Sumama ka sa bakasyon na ito para makipagkalas sa akin?” Hindi makasagot si Tanya ngunit nakuha na ni Roberto ang hinahanap niyang tugon. “You’re cruel.” “I know. Siguro gusto ko lang ng huling magandang alaala na maaaring baunin sa pag-alis ko.” “Break up. Iyon lang ang naiisip mong paraan? Wala man lang ibang option? Hindi mo man lang ako tatanungin kung ano ang gusto ko? Hindi mo ako tatanungin kung may magagawa ako para masalba ang relasyon na ito? Bumili ako ng mamahaling singsing, Tanya. I arranged this marriage proposal for you. Hindi mo man lang ba tatanungin kung gugustuhin kong samahan ka sa Boston?” Umiling si Tanya. “Hindi ko magagawa ang bagay na iyon sa `yo, Rob. Nagsisimula pa lang ang magandang career mo rito. Hindi mo gugustuhing iwan ang lahat ng nasimulan mo rito para masamahan ako sa Boston. You have your own life to live. Intindihin mo naman ako.” “Ang naiintindihan ko lang ay pinangunahan mo ako sa desisyon ko.” “Desisyon na hindi na magbabago.” Ilang sandali na mataman na pinagmasdan ni Roberto ang babaeng nais sana niyang makasama habang-buhay. “I get it. Hindi na natin kailangang magpaligoy-ligoy pa, Tanya. You don’t wanna be with me. Siguro ay masyadong mahalaga sa `yo ang mga pangarap mo. Mas maiintindihan ko siguro kung ganoon lang. Pero alam ko na hindi mo gustong makasama ako habang-buhay. Kahit na ano ang gawin ko, kahit na saan ako makarating ay hindi mo kayang kalimutan ang pinagsimulan ko. Hindi mo kayang tanggapin ang buong ako.” Hindi na naitago ni Roberto ang pait at labis na lungkot sa kanyang tinig. “I am what I am. I’m here because of the decisions I made. Hindi ko pagsisihan ang mga desisyon na iyon. Hindi kailanman.” Sa wakas ay nakarating na sa daungan ang kanilang bangka. Nakangiti ang mga sumalubong sa kanila, umaasa na naging maganda ang sagot ni Tanya sa kanyang proposal. Umalis na siya sa bangka hindi pa man iyon gaanong nakakadaong. Unti-unting nabura ang ngiti ng mga taong nakapaligid nang makita ang ekspresyon ng kanyang mukha. “Rob...” Ibinato ni Roberto ang jewelry box sa tubig. Napasinghap ang lahat. “I’m done. We’re done. Gawin mo ang lahat ng gusto mong gawin sa buhay. Huwag ka nang babalik. I’m never doing this again.” Mas pangako sa kanyang sarili ang huling tinuran kaysa para kay Tanya. He meant every word. He was done with love. Hindi na niya kailanman hahayaan ang sarili na masaktan at matanggihan nang ganoon. Hindi na niya hahayaan na may makapasok na babae sa kanyang puso.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook