IGINALA NI Victoria ang paningin sa paligid ng bahay ni Roberto. Dadalhin sana niya sa opisina ng nobyo ang bagong batch ng mga pagkain na inihanda niya para rito. Labis nitong nagustuhan ang mga naunang pagkain na inihanda niya kaya muli siyang nagluto. Nang mag-text siya kay Roberto para sabihin na dadalhin niya ang mga pagkain sa opisina, ang sabi nito ay wala ito sa opisina. Maaari raw siyang magtungo sa bahay nito. Dahil pinagtatakhan ni Victoria ang hindi pagpasok ni Roberto sa workday, kinuha niya ang address at nagtungo siya sa bahay ng nobyo. Kailangan niyang aminin na curious din siya sa hitsura at lokasyon ng bahay nito. “You think I’m a condo kind of guy,” ang nakangiting sabi ni Roberto. Nilingon ni Victoria ang binata at ginawaran ng banayad na ngiti. “Kind of.” Totoong na

