“BOB? SERIOUSLY?” Natawa nang malakas si Victoria sa nakikitang reaksiyon ni Roberto habang nakatingin sa kanyang tablet. Nasa balkonahe sila at nagkukuwentuhan nang gabing iyon. Kaswal niyang naikuwento na nakagawa na siya ng notes tungkol sa nobela na kailangan niyang isulat. Sinabi nito na dapat ay naka-focus muna ang isipan niya sa bakasyon ngunit kailangan niyang isulat ang ilang suggestions nito bago niya makalimutan. Sa palagay niya ay makakatulong nang malaki ang mga suhestiyon ng kanyang muse. Sinubukan ni Victoria na makabuo ng character profiles. Wala pang gaanong definite ngunit nagkakaideya naman siya kahit na paano. Hiniling ni Roberto na makita ang notes niya. Hindi niya ugaling ipabasa o ipakita sa iba ang kuwentong hindi pa niya natatapos o hindi pa niya naisusulat, ngun

