KAGAYA NG IPINANGAKO sa kanila, isang tahimik at magandang lugar ang Kuyba Almoneca. Perpekto talaga ang lugar para sa meditation. Taimtim na nakinig si Victoria sa mga sinasabi sa kanila ng guide. Nilingon-lingon niya si Roberto habang sinasaliksik nila ang kuweba. Sa tuwing tumitingin siya sa binata ay natatagpuan niyang nakatingin na ito sa kanya. Hindi maipaliwanag na kasiyahan ang hatid niyon sa kanya. Natatawa siya sa tuwing nauuntog ang binata. Masyadong mababa kasi ang kuweba at masyado naman itong matangkad. Maigi na lang at may suot silang hard hats. Masyadong makipot ang daanan pababa patungo sa kuweba na mayroong pool. Natakot si Victoria na baka madulas siya sa bakal na hagdanan at magtuloy-tuloy pababa. Nabawasan ang pangamba na iyon sa pag-alalay ni Roberto na alam niyang n

