Chapter 4

2697 Words
As uusual, nandito nanaman ako sa may gate at inaantay ang mahal kong bestfriend. Yes sya lang at wala ng iba, as if man na makita ko si marko, promise diko sya lilingunin. Itaga nyo yan sa bato, at mukha namang umaayon sakin ang tadhana dahil kakasabi ko palang pero eto na nga, tanaw na tanaw ko na ang bestfriend ko, at syempre! Kasama nya ang kapatid. pero gaya nga ng sabi ko diba? Hindi ko sya KAKAUSAPIN! 'As if naman papansinin ka nya girl' parang demonyong sabat naman ng kabilang bahagi ng utak ko kaya napailing nalang ako. Handa na sana akong mang snob pero hindi pa man sila nakakalapit sa kinaroroonan ko eh lumiko na si marko papunta sa ibang direksyon. Napataas naman ako ng kilay. At san naman kaya siya pupunta?  'Sa tingin mo saan? Malamang kay moana nya! Dun sya masaya eh Hindi sayo kaya tama na ang pag aambisyon' napabuntung hininga na lang ako. This is so damn stressful  "Hoy bruha. Bakit naman ganyan yang itsura mo?" bungad ko kay mady nung nakalapit na sya sakin. Paano ba naman kasi eh mas mukha pa syang sawing palad sakin ngayon "nothing, hindi lang kasi ako nakatulog kagabi" "at bakit naman?" i raised an eyebrow, She look hesitant so she let out a deep sigh bago nag simulang mag kwento. Laglag na laglag ang panga ko habang kinukwento nya na nakipagdeal daw sya sa isa sa nga kilalang playboy dito sa campus. I can't believe this is happening. And guess what is the reason? Gusto lang nyang patunayan na hindi totoo ung nababasa nyang nagka'developan because of a stupid deal. Napailing nalang ako sa kabaliwan ng kaibigan ko, ag hindi ko din naman napigilang mangisi ng maisip ko na baka eto na ang katapat nya. "stop smiling like that crish, mas lalo lang akong kinikilabutan" "mas lalo tuloy akong na'curious sa lalaking yan sis. Thats kinda interesting" i smirk, at kitang kita ko naman sa mga mata nyang gusto nya na akong sakmalin. "interesting? What the heck! Thats a mess! Hindi pa nga nagsisimula nagsisisi na ako eh! That man si crazy! A jerk!" tinakpan ko nalang ang tenga ko tsaka lumingon sa paligid  "my god! Kailangan sumigaw? Magkatabi lang kaya tayo, pinagtitinginan na nila tayo dahil sa lakas ng boses mo" sabi ko, sabay turo sa ilang mga istudyanteng nakatingin pa sa amin, tinamaan naman tuloy ng hiya ang bruha at napayuko nalang at nagmamadaling lumakad palayo. "crish, mady nagawa nyo na ba yung project na pinapagawa ni prof. Ancheta?" bungad samin ni serene, and she really look worried "hindi pa, may 2 weeks pa naman tayo diba? Matagal tagal ba ang deadline" "no, mamayang hapon na yung deadline, nagalit kasi sya kanina, kasi ba naman, pag pasok nya dito pero sa kanina, hindi man lang napansin at tuloy parin sa pag iingay yung mga akala mo grade 1, nabastos yata si sir. alam mo naman yun medyo sensitive din, kaya ayun kapag daw hindi tayo nakapagpasa mamaya tumataginting na 'singco' ang grade natin sakanya, nakakainis lang kasi bakit kailangang madamay pa tayo sa kaguluhan ng mga classmate natin" "what!" sabay na sabi namin, "kakayanin ba natin yon? Thats impossible!" Hirit pa na mady, akalain nyo nga naman kasi, pinapagawa kami ng structure na related sa math, at ang gusto nya building pa! Or something na talagang kakaiba like towes, etc! Heck, sa tingin nyo kakayanin namin yun ng madalian mamayang lunch? Ang gusto pa naman nun pulido ang pagkakagawa! Ano kami? Engineering?! Kung bakit ba kasi may ganito ba kaming subject! Kami na talaga ang tinamaan ng malas. Maya maya lang ay dumating na ang Accounting  prof namin, at diko alam kung may naintindihan din tong mga classmate ko i mean pati ako, lahat kasi kami problemado eh. Kawawa naman yung mga classmate lang namin sa trigo, pati kasi sila damay sa kalokohan ng nga ka block section namin eh.  Kung sa ibang pagkakataon lang siguro, Pagtatawanan ko na tong mga classmate ko. Kung titingnan mo kasi sila ngayon muka lang naman kaming nalugi. Ni wala ngang makangiti sa amin eh. Tindi ng virus ni madyl no? Kanina sya lang ang pang byernes santo ang mukha ngayon buong klase na. ------ Nandito ako ngayon sa canteen at hinihintay si moana, ayaw naman kasing pasundo. Habang nakaupo ako, nakita kong papasok si crishna, pero nung nakita nya ako ay hindi sya tumuloy, imagination ko lang ba ito o totoo ang pakiramdam ko na iniiwasan nya ako? Kaninang umaga, Hindi sya lumapit para salubungin ako at batiin, samantalang dati kapag nauuna akong pumasok, lalapit agad sya para hanapin sakin si madyl o kaya kapag mag kasama kami lalapit sya para batiin ako pero iba sya kanina. She's acting strange. Kaya out of curiosity, sinundan ko sya at nakita kong papunta sya sa isang canteen "crishna! Sandali!" sabi ko tapos hinawakan ko sya sa braso "o ikaw pala, nasa room pa si mady may ginagawa pa kasi sya" sabi nya pero parang napipilitan lang syang kausapin ako "ah "ah ganun ba? Di ba papasok ka na kanina sa canteen? Bakit ka pa lilipat? Mas mapapalayo ka pa tuloy" "puno na kasi tsaka-"ganun ba? Di ba papasok ka na kanina sa canteen? Bakit ka pa lilipat? Mas mapapalayo ka pa tuloy" "puno na kasi tsaka-" "pauline!" sigaw ng isang lalaki pagkatapos ay umakbay sakanya, napakunot noo nalang ako dahil sa pagka bigla, narinig nyo naman diba? Pauline ang sinabi nya, malay ko bang si crishna pala ang tinatawag nya. "kanina pa kita hinahanap babe, andito ka lang pala" sabi nung lalaki tapos tiningnan ako ng masama, Anong kasalanan ko? Wala naman akong ginagawa ah. Mga bata nga naman, napaka impulsive. "Please tell mads na baka hindi ako makasabay pauwi sakanya. Mauna na ako at baka hinihintay na ako ni moana" i said but i don't even know why did i mention moana, its not as if in trying to make someone jealous, its just that- okay? Am i being defensive? I shrugged my head to clear my thoughts. "san ka galing?" she asked sweetly pagkaupo ko sa mesa. "dyan lang, may nakita kasi ako" pagdadahilan ko habang titig na titig ako sakanya. I just can't take my eyes off of her. "dito ka muna, ako na pipila para sa pagkain natin" tumango lang sya pagkatapos ay nginitian ako. Tapos na kaming kumain at lahat ni moana pero nacucurious padin ako dun sa lalaking kasama ni crish. Parang ngayon ko lang kasi yun nakita. baka mamaya niloloko lang sya non. She's my sisters bestfriend at kahit lagi ko syang sinusungitan, parang kapatid na din ang turing ko sakanya. "Marko, ok ka lang ba? Kanina ka pa kasi tahimik at mukang malalim yang iniisip mo, may problema ka ba?" "ah wala, iniisip ko lang kung ano ang gagawin ko sa thesis namin" "Nakakadugo nga naman kasi talaga ng utak kapag thesis ang usapan" she said then gave me a heart melting smile. Nakakaguilty tuloy na nag iisip ako ng kung ano ano samantalang kasama ko na ang babaeng mahal ko  "marko i have something to tell you" nawala ang ngiti sa kanyang mga labi at nabalot ng pag aalinlangan ang kanyang mga mata, bigla tuloy akong kinabahan, "apat una palang sinabi ko na ito pero hindi ko kaya" nakita kong biglang may mga mumunting luha angnangilid sa mga mata nya kaya hindi ko maiwasang masaktan. "im already engaged" plbiglang tila tumigil ang oras at muna ko ng marinig ko iyon. hindi ako makagalaw, Nanikip bigla ang dibdib ko. masakit, masakit pala, mas masakit pa to kaysa nung una "im sorry marko" sabi nya tapos tumayo na sya at iniwan ako, Palipat lipat ang tingin samin ng mga nasa canteen, marahil ay nagtataka kung anong nagyayare sa aming dalawa. Lumabas nadin ako at sinundan ko sya, nakita kong patakbo syang pumupunta sa rooftop. Wala nga naman kasing tumatambay doon ng ganong oras, pero eto parin at pinagtitinginan kami ng lahat ng nadadaanan namin. binilisan ko na din ang pagtakbo hanggang sa makarating na kami sa rooftop kung saan walang ibang tao. niyakap ko sya mula sa likuran nya at tuluyan na syang napaiyak "kapag hindi ako nagpakasal papatayin na nila ang papa ko, mamumulubi na kami, nalubog sa utang ang daddy ko at ang tanging paraan nalang para makaahon kami ay ang mapangasawa si ralph, kapag nag merge na ang companya namin, makaka pagbayad na si daddy dahil siguradong lalakas na ang kita ng kompanya. mahal kita marko. Mahal na mahal, pero hindi na pwede" she said while crying.  "sshh. Tama na, naiintindihan ko, pero magkaibigan parin naman tayo di ba? Hindi mo naman ako tuluyang lalayuan nalang di ba? Pasensya na kung di ako mayaman, dahil kung mayaman lang ako, sana matutulungan kita" i said with bitterness, at malapit na din talagang tumulo ang luha ko. For the first time in my life, kwinestyon ko ang katayuan ko sa buhay. Lalo kong hinigpitan ang pagkakayak ko sakanya because honestly, i dont want to let her go, but i need to. "ayokong kaawaan mo ako marko" "awa? Mahal kita moana at hindi lang basta awa ang nararamdaman ko para sayo" "hindi mo na ako pwedeng mahalin, hanggang pagkakaibigan nalang ang kaya kong ibigay sayo" "ok lang, just let me love you, stop crying. Papangit ka nyan" sabi ko, humarap na sya sakin at yumakap din, damn! What have i done to be punished like this! "ang totoo nyan. Kaya ako bumalik dito para lang magpa alam sayo, pero nung nakita na kita at nakasama, ang hirap na eh, kasi nga mahal kita" sabi nya then hug me tightly "sorry, sorry talaga. Sana wag mung isipin na pinaasa kita" she said in between her sob "sShh, tama na, hinding hindi ko iisipin yun kahit kailan moana, masyado kitang mahal para pag isipan ng masama" "thank you marko, and i really love You" ---- Naaawa ako sa bestfriend ko dahil ang hagard na ng itsura nya dahil dito sa project namin, by two kasi. At dalawa kami dun as usual, pero wala kasi akong alam sa pag aayos at pagdedesign kaya sya halos ang gumagawa, nakaka guilty naman tuloy "bespren, maglunch ka na muna" "baka di matapos to sis. Later nalang" sabi nya, ni hindi man lang nya ko nilingon. At ayun nga, dahil sa mabait ako at syempre, makabawi man lang dahil wala na akong ambag, pumunta ako sa canteen, tsaka mahal ko sya eh at ayoko syang magutuman, mamaya mahimatay na yun sa gutom, pagod at stress. Unfortunately, mukhang nakaayon parin sakin ang TADHANA! Close kasi kami! While on my way, nakita ko agad si marko dun sa upuan sa labas ng canteen, pero mag isa lang sya, ngunit halata namang may hinihintay kaya hindi na ako tumuloy, lilipat nalang ako sa kabilang canteen, kahit malayo, okay lang. Titiisin ko just to save my heart from another heartache  "crishna sandali!" nagulat nalang ako ng biglang may humigit sa braso ko, kaya napaharap ako sa nanghila sakin "o ikaw pala, nasa room pa si mady may ginagawa pa kasi sya" i tried to smile kahit na ang totoo ay halos mapangiwi ako, hindi lang manhid! sadista din tong isang to eh, di ba sya marunong makiramdam? "Di ba papasok ka na kanina sa canteen? Bakit ka pa lilipat? Mas mapapalayo ka pa tuloy" kunot noong tanong nya, napansin na pala nya bakit kailangan pang itanong? Sapukin ko na kaya to?  "puno na kasi tsaka-"" "pauline!" naputol ang pagpapalusot ko ng marinig ko ang boses ni gieno tapos maya maya lang ay inakbayan nya ako"kanina pa kita hinahanap babe, andito ka lang pala" sabi nya, nagulat naman ako. babe daw? Baliw talaga. Pero ok na din. At least nasave nya ko. And yung reaction ni marko? Ayun wala lang blangko padin. Un sya eh walang paki alam sakin. "Please tell mads na baka hindi ako makasabay pauwi sakanya. Mauna na ako at baka hinihintay na ako ni moana" biglang sabi naman ni marko. Moana nanaman. Tumango nalang ako pagkatapos ay tinanaw nalang sya habang naglalakad palayo "hoy Pauline! Marupok ka talaga eh no?" isa din to. Tinatanung ang obvious duh? Bobo ba talaga tong mga lalaki? Dalawa na nga ulo dipa gamitin ng maayos. "ewan ko sayo pa! At bakit may pa babe'babe ka pa kanina ha? Nakakadiri!" "trip ko nga eh, bakit ba? Tsaka ayaw mo yon?, hindi nya na masyadong iisiping baliw na baliw ka sakanya kahit totoo naman, kaysa inaaway mo ako, Why not thank me instead? Im doing you a favor" he said then smiled sheepishly "i'll thank you later gieno josh, samahan mo muna akong pumunta sa kabilang canteen para bilhan ng makakain si mady" "sure! Walang problema" pagbalik ko sa room ay umalis na din agad ang sira ulong pinsan ko "mady, kain ka na muna, ako nalang magdidikit nyan" "thank you crish, pero ako na, sandali na lang naman ito eh, baka kasi pumalpak ka pa" "ouch naman, parang sinabi mo ng wala akong kwenta pagdating sa ganyan" napaka sarcastic talaga ng malditang to, Pagdiinan ba namang artless ako. "yeah, buti alam mo" "b***h!" She just rolled her eyes. Kung may iba sigurong makakakita saamin, baka isipin pa nilang nag aaway kami. Hahaha "kung gusto mo talagang makatulong, can i ask u a favor? pwede mo bang puntahan si kuya? Pakisabi namang buksan nya ang phone nya. May itatanong daw si mama, nakauwi na kasi sila eh" "what?! No way" i hissed! Here you are again TADHANA. Sinusubukan mo talaga ko no! "sige ako nalang, pagkatapos ko nito" she said na para bang nangongonsensya, kaya no choice! Pumayag nalang ako, di ko sya matiis eh. Nagpunta ako sa Engineering building para dun magsimulang maghanap, at Habang naglalakad nga ako eh classmate nya naman ang nakita ko "excuss me po, napansin nyo ba kung nasan si k-kuya marko?" nag stutter pa ako kasi di naman ako sanay na tawagin syang kuya eh "ah, napansin ko sya kaninang tumatakbo papuntang rooftop" "salamat!" nagsmile pako sakanya tapos nagmamadaling umalis pagkadating ko naman dun, nakita kong yakap yakap ni marko si moana mula sa likuran nya kaya diko maiwasang mahiling na sana tiniis ko na lang si madyl, na sana hindi ito ang eksenang naabutan ko at sana hindi nalang ako tumuloy, at na sana ako nalang ang nasa katayuan ni moana. Sa totoo lang, gustong gusto mo nang umalis pero di ako makagalaw, para bang hindi mautusan ng utak ko ang katawan ko. para bang pinako na ako sa kinatatayuan ko. gustong gusto ko ng tumakbo palayo pero hindi ako makagalaw, "Mahal kita moana, at hindi lang basta awa ang nararamdaman ko para sayo" narinig kong sabi ni marko at dun ako mas lalong nanghina "hindi mo na ako pwedeng mahalin, hanggang pagkakaibigan nalang ang kaya kong ibigay sayo" sagot naman ni moana, grabe ang kapal naman ng mukha nya para tanggihan ang pag ibig ng taong mahal ko! Gustong gusto ko na ding sampalin yung babaeng yun "ok lang, just let me love you, stop crying. Papangit ka nyan" niyakap sya ni marko pagkatapos nyang sabihin yon. Wtf? Naririnig ba nibmarko ang sarili nya? Bakit sobra sobrang nalang kung ibaba nya yung sarili nya para lang sa babaeng yan?! He deserve to be love! marami pa silang pinagusapan pero hindi ko na gaanong maintindihan. Masyado akong preoccupied sa ideang mahal na mahal ni marko si moana to the point na handa itong masaktan ng sobra sobra para lang sakanya. at akalain nyo yun tsaka lang ako nakagalaw nung tapos na yung eksena nila, parang wala ako sa sarili habang naglalakad pabalik, nanghihina nanaman tong tuhod ko tsaka parang nahihirapan akong huminga, i felt like dying sa totoo lang. "Look beshyyy! Its done na!, Natagalan ka ah? Nahanap mo ba si kuya?" narinig kong tanung ni madyl. Blurred na yung nakikita ko and i dont know why, medyo dizzy din ang pakiramdam ko. Para akong nalasing o na overdose na ewan. Damn!  "h-hindi ko sya nakita" sagot ko, and the last thing i know is nagdilim na ang paningin ko, hindi ko na talaga kinaya, hindi ko naramdamang bumagsak ako sa sahig or what so ever at wala na rin akong idea kung may sumalo man sakin o walla, for now, all i want is to sleep, and forget this damn feeling. "crishna!" narinig ko pang sabi nila pero hindi ko na maimulat ang mata ko, im really tired and i promise, pag gising ko ang mga alaala ni marko ay ililibing ko na sa panaginip ko. No more Heartache! I gave up. 'Good bye Marko Sabuclalao, i wish your happiness' i uttered to myself before falling asleep.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD