"Mads galing ako sa room nyo, at sabi ng mga classmate mo nasa clinic ka daw, kaya nagmamadali akong pumunta dito, ano bang nangyari sayo?" Kunot noong tanung ko kay madyl nung nakasalubong ko sya sa may corridor, hingal na hingal pa ako dahil sa napatakbo ako bigla, akala ko kasi kung ano ng nangyare dito sa pasaway kong kapatid.
"sakin wala, kay crish meron, nawalan sya ng malay kanina, kuya naguguilty ako! kasi inutusan ko syang hanapin ka kanina kaya siguro napagod sya at nag collapse" she said crying then hug me. She does seem strong and bitchy but the truth is, she's a cry baby. Mababaw lang ang luha nya pero hindi nya lang pinapakita sa iba
"Wag ka na ngang umiyak dyan, wala namang mangyayari kung ngangawa ka eh, tapos na yon! Nangyare na. Ikaw naman kasi bakit ba utos ka ng utos"
"busy naman po kasi ako kanina, ginagawa ko yung project naming dalawa, di ko na naisip na pwedeng mangyare ito. tsaka kasalanan mo din naman eh! Kung sana hindi naka off. Yang phone mo, sana diko na sya inutusan pa" At talagang nanisi pa. Idadamay pa ako neto sa pagiging guilty nya eh.
"oh sya sige na! pati ako sisisihin mo pa eh, wag ka ng mang damay dyan. bumalik ka na sa room nyo at nagsisimula na ang klase, pati tuloy ako di na nakapasok agad, akala ko kasi kung ano ng nangyari sayo"k
"Teka, nakausap mo na ba si mama kuya?"
"Oo at nasermonan na din ako, sige na, umalis kana!" Pinagtulakan ko na na sya paalis. At tutal naman din nandito na ako, Sisilipin ko na si Crish, kawawa naman kasi sya.
"Miss nandyan pa ba si miss valencia sa loob? Pwede ba syang dalawin saglit?" tanong ko dun sa nurse na on duty dito sa clinic, tumango lang naman sya "sige salamat" dahan dahan kong binuksan yung pinto ng kwarto para di ko sya ma storbo, at pagkabukas ko sa pinto, ay may isang lalaking bumungad saakin
"anong ginagawa mo dito?" he said coldly, napakunot noo naman ako, if i am not mistaken, ito yung lalaking tumawag ng pauline kay crishna
"Chill man. I am not here for a fight. Kakamustahin ko lang sana sya"
"Hindi ka nya kailangan dito kaya makaka alis kana!" pabalang na sagot nya. Bumuntong hininga pa ko just to calm myself. Ayokong patulan tong batang to, sinulyapan ko muna si crishna bago tuluyang umalis
"mr. Sabuclalao your late!"
"sorry ma'am, pinuntahan ko po kasi yung kapatid ko. Emergency lang po talaga"
"ok sit down, siguraduhin mo lang na di na mauulit ito"
umupo na ako pero tang'ina wala talaga akong gana! Ang sakit sakit naman kasi eh! Akala ko bumalik si moana sakin para magkaroon kami ng pagkakataon, ayon pala, para mag pa'alam lang! Ano bang kasalanan ko sayo kupido at pinahihirapan mo ako ng ganito?! Hindi naman ako babaero!
"pare ayos ka lang? Ang layo na ata ng nalakbay mo ah" james teased pero diko na lang pinansin. Baka kasi sya mapag initan.
Sinabi ko nalang kay moana kanina na ayos lang kasi alam ko na naguguilty din sya. Pero Mahal ko talaga kaya hinding hindi ko kayang tiisin na makita syang nahihirapan. Pero deep inside umaasa ako na sana magbago pa ang mga nangyayari at sana sya parin at ako ang para sa isa't isa sa huli.
natapos ang klase na ganto lang ako. Tahimik ulit gaya ng dati. Pinnuntahan ko na agad si moana sa building nila para sunduin after ng klase ko. Sa ngayon, malabo pang makakasama ko sya ng panghabambuhay kaya hindi ko na palalampansin yung mga araw na kasama ko sya. Lulubusin ko na, Kahit sandali lang ang
"You- what are you doing here? I mean-"
"i know, its awkward, but please, let me have your time. kahit ngayon lang. Lets enjoy your last few days here with me and forget everything that has happen earlier. I am begging you moana, don't turn me down please"
"No need to beg marko" she said tsaka marahang hinaplos ang pisngi ko
---
"your awake, what happen?" Nag aalalang tanong ng pinsan ko
Sinubukan kong bumangon pero napahawak ako sa ulo ko kasi masakit biglang sumakit. Umatake yata bigla ang kigrane ko dahil na din sa init ng panahon, Napatingin ako sa paligid At base na din sa nakikita ko, nasa clinic ako ng school namin "kinakausap kita Crishna, anong nangyare?!" mahina pero madiin yung pagkakasabi nya. Ang scary ng pinsan ko langya. Masama na nga pakiramdam ko eh mapapagalitan pa yata ako.
"i saw him" walang ganang sagot ko
"so?"
"with her"
"Damn it crishna pauline! I kwento mo nga ng maayos! Bakit ba putol putol anv kwento mo!" nagulat ako kasi nasigaw na sya tapos closed fist pa, parang everytime ba handa na syang manuntok.
"anong nangyayare dito? Bakit kayo nagsisigawan?" Biglang sabi ng nurse
"mind your own buiseness miss!"
"gieno josh!" Saway ko sakanya. Sira na yata ang ulo neto.
"look mr. Wag mo akong daanin sa init ng ulo mo, kung gusto mo iuwi mo nalang si miss. valencia at ng makapag pahinga sya bg maayos. Atwag mo din syang gaanong sinisigawan dahil baka mas mastress sya lalo! She pass out because she's tired and stressed out i guess, so kung concern ka talaga sakanya, kumalma ka lang dyan mr." Dirediretsong sabi ng nurse tsaka kami iniwan
"fine! Dina kita pipiliting mag kwento! Pero please lang naman! Try to move on! You deserve to be happy and to be love sis. Wag mo sayangin ang panahon at pagmamahal mo sa taong alam mong kahit kailan hinding hindi magiging iyo. You can't love like that. Dapat alam mo pading magtira ng pagmamahal para sa sarili mo."
-END OF FLASHBACK-
Hanggang ngayon parang paulit ulit padin sa utak ko yung sinabi ni Gieno kahapon, at in all fairness, natakot talaga ako sakanya, imagine that? Kaya pala nyang maging monster pag nagalit sya, pati nurse na walang kamalay malay nasigawan nya pa.
Naputol ang pagmumuni muni ko ng may kumatok sa kwarto ko "yeah?!" sigaw ko. Tinatamad pa ako bumangon eh
"nak, pinapagising ka na ng mama at papa mo baka daw malate ka"
"ok po ate linda. Ligo lang muna po ko! Thanks!"
"sige nak, bilisan mo lang ha, para makakain ka pa"
"Yes po!"
"wuuuu! Kaya mo yan crishna! Tiwala lang!" i cheer up myself habang nakaharap sa salamin, i know i can do it! Aja!
*SCHOOL*
andito ako sa may main gate ng campus, at hinihintay ko si bestfriend, Yes. sya lang talaga at wala ng iba. O teka, hindi ako defensive ah! Sinasabi ko lang ang totoo.
"good morning beshyyy!" bungad ko kay madyl nung nakita ko na sya. Haha pagoodvibes talaga ko kaya wide smile dapat salubong ko sakanya.
"ok, ka na ba sis? Wala bang masakit sayo? Uminom ka ba nga gamot? Nag breakfast ka ba?" Nag aalalang tanong nya.
"Alalang alala girl?" Natatawang pang aasar ko
"Oo naman syempre! Akala ko talaga hindi ka na gigising kahapon eh" ganting pang aasar nya naman
"Kumalma ka dyan, wag kang OA. Hindi kita jowa kaya wag masyadong concern. At Hindi ko ikamamatay yon no!" kininditan ko pa sya, pero sa totoo lang, gusto kong idagdag sabihin na -pero bestfriend puso ko patay na, na'murder na ng kuya mo- kaso ayun, diko nalang sinabi dahil nag momove on nga ako diba. Strong dapat!
"Oo ng pala! Masamangng d**o ka nga pala, nakalimutan ko" she said then kiss.me on the cheeks. Sweet nya no? Ganyan yan pag guilty, bigla ko syang hinampas sa braso dahil wala, trip ko lang "ouch, bakit ka nanghahampas!" Tinaasan ko sya ng kilay habang nag iisip pa ako ng magandang idadahilan
"sinabi mo kasing masamang d**o ako eh!"
"bakit hindi mo tanggap?" She raised an eyebrow too
"hm? Sabagay my point ka nga naman, san pa ba ako magmamana kundi sayo diba?" I smirk. Syempre no, bawal patalo
"ewan ko sayo! Tara na nga!" naglakad na sya papunta sa building namin, Sumunod nalang naman ako, mahilig kasi talaga mag walk out yan eh. Hahaha
Nagulat ako nung huminto sya bigla at hinarap ako "hey, hindi mo ba hahanapin si kuya?" Nagkibit balikat lang naman ako kaya mas napakunot noo sya Nakakapanibago yata?"
"Siraulo ka din eh no? Pag hinahanap ko sya binabara mo ako, tapos pag hindi naman magtatanong ka. Hay nako, Tara na nga!" this time, ako naman ang naunang maglakad sakanya. Sarap batukan! Di man lang naisip na baka iniiwasan ko na kaya diko hinanap. 'ay crishna tanga lang? Di nga nya alam nangyari diba? Hindi ka kaya nag kwento' biglang sabat ng kabilang bahagi ng utak ko, napailing nalang tuloy ako to clear my thoughts. Nababaliw nanaman kasi ako
So ayun, habang nasa kalagitnaan ng discussion, biglang kumatok ang mga CSC (College Student Council) to announce the search for the candidates on Battle of the band. Malapit na kasi ang Business week, parang intrams lang yan, pero puro mga business Ad. Students lang ang kasama, iba pa yung para sa buong college na which is iba ibang course na mag kakalaban. Sabi nila may screening daw mamaya, halos antukin ako sa pakikinig sakanila. Ganda lang kase meron ako eh, talent? Nevermind. Sa socialization lang ako interesado. Dun nalang ako aattend para mag boy hunt. Hahaha sama kayo?
-
"Beshyy! Parang gutom padin ako" nagpapacute na sabi ko kay mads habang nakatingin sa sandwiche nya. Andito na kami ngayon sa canteen dahil lunch break
"odi bumili ka pa"
"wala na akong pera, pahingi nalang sa food mo para pumayat ka" sabi ko tapos kinuha ko na agad yung sandwich kahit di pa sya pumapayag.
"Hey! Salaula ka talaga! Bakit ba napaka payat mo? kaya di halatang matakaw ka eh! Ang unfair!" She pouted
"arte mo! dika naman mataba! Chubby lang"
"oo nalang nga! inuuto mo lang ako eh!"
"buti alam mo!" i teased.
"Aha-ha-ha-ha-ha ang dami kong tawa don crish. Mga bente" she said sarcasticly
"di ko naman tinatanong. Tsk" mas sarcastic na sabi ko. Haha mana nga ko sakanya eh diba? "ay alam mo ba sis, pansin ko lang, blooming ka ngayon dahil ba kay kenneth?"
"ha? Anung pinagsasasabi mo dyan" she said then looked away. Nako! Parang iba na ah. Bakit parang may iniiwasan syang pagusapan
"Kamusta ba? Ano ng level ng relationship nyo? Balita ko, Sinundo ka nya kahapon ah"
"wag mo na ngang gawing issue yun!"
"Eh san naman kayo nakarating kahapon my dear bestfriend? Sa madilim ba?" I tease, then raised an eyebrow
"gaga! Sa bahay nila! Pinakilala nya ako sa family nya. And as expected, nagulat si jm"
"kahit sino magugulat, nag paka easy to get ka ba naman eh" bigla nya naman akong hinampas ng malakas sa braso
"aray naman! Nagsabi lang naman ako ng totoo ah!"
"Wag mo nga kasing isigaw! Sabi nga nila diba? dont state the obvious!"
"so, pano pala kung sya na ang karma mo at mainlove ka sakanya" pinamaywangan ko pa sya
"thats imposible sis. im so immune to the likes of him na, kaya malabo yang sinasabi mo, tsaka alam ko tong ginagawa ko no, hindi pa ako nasisiraan ng bait. Everything is under control" confident na sagot nya naman
"Watever! by the way, nakasalubong ko pala si j.m kanina, nakalimutan ko lang sabihin agad, because na curious ako sa ganap nyo ng brother nyang so called boyfie mo sa ngayon, And take note, may kasamang babae si Jm" kita kong natahimik bigla si mady. "hey mady, natahimik ka? Don't tell me-"
"may kasama syang girl? Its charlene, his girlfriend, na meet ko na rin yun kahapon at sabi nya, dito na din daw mag aaral yung babae" she said bitterly? Teka? Di pa ba naka move on to?
"oh bakit parang dika masaya?"
"honestly crish, nasaktan kasi ako na wala man lang syang nabanggit sakin nun na tungkol kay charlene, nagbreak na sila at nagkabalikan pero di man lang nya ako na'update, to think na bestfriend nya ako" yah. You read it right. Sya ang boy bestfriend ni mady. And kahit hindi aminin nitong babaeng to. I know she likes JM
"sus! At dahil lang dun tampo kana agad sakanya? Malay mo naman may dahilan sya. Or baka naman kaya nakalimutan lang nya. Tsaka bakit ikaw? naa'update mo rin ba sya sa mga nangyayari sa buhay mo?"
"i think, you have a point sis. O sya, i have to go, kausapin ko muna sya. we still have an hour pa naman, 2:30 pa ang next class natin right? Pasensya na kung iiwan muna kita ha? Babye!" humalik muna sya sa pisngi ko bago tuluyang umalis. Nako, nagdadahilan pa, miss nya lang, kaya nya pupuntahan eh, tinuloy ko nalang ang pagkain para iwas stress
Nabilaukan pa ako nung nakita kong papasok si marko dito sa canteen, "himala di nya kasama yung moana nya" bulong ko sa sarili ko pero hindi ako bitter ah! Wag kayong judgemental,
Halos isubsob ko yung mukha ko yung mukha ko sa plato nung nakita kong palapit sya sa table na kinaroroonan ko "Hey crish, asan si mads?" napalunok ako nung marinig ko yung boses ni marko, Naku tadhana nga naman kung mag biro, kung kelan ko naman iniiwasan eh.
"a-ah umalis, may pag uusapan daw sila ni jm"
"Iniwan ka nya?" Tumango nalang ako, duh? Hindi ba obvious? Ako nalang nandito, so malamang! Iniwan nya ako, "can i sit there?"Nagulat ako sa sinabi nya
"s-sure k-kuya, tapos naman na ako, sige a-alis na ako" sabi ko tapos tumayo na pero ayan nanaman at pinigilan nya ako. Hawak na nya ngayon ang kamay ko at dahil nga taksil ang damdamin ko, eto ngayon at nagwawala na ang puso ko,
"iniiwasan mo ba ako? And did i really hear you calling me kuya? What's wrong with you? Parang may mali"
nagpakawala muna ako ng buntong hininga bago ko sya hinarap ulit "wala naman pong masama dun diba? Mas matanda ka naman sakin, tsaka wala akong dahilan para iwasan ka KUYA" sabi ko at talagang pinagdiinan ko pa yung tawag ko sakanya, hindi naman ako habang buhay magpapakaewan at magpapatalo dito sa nararamdaman ko no!
"Well sabagay, you do have the point. You're like a sister to me. O sige na, maupo ka at samahan mo muna ako dito, ayokong mag isa eh"
"eh kung ayaw ko?" sabi ko at tinaasan sya ng kilay, pero ngumiti lang sya. Aba! Kung sana noon ka pa naging ganyan saakim! Baka sana natuwa pa ako! Nanggigil talaga ako sakanya sa kamnhidan nya eh, gaano kadaming anesthesia kaya nalaklak netong lalaking ito?
"Sige umalis ka, pero iisipin kong may gusto ka sakin at iniiwasan mo ako" pang aasar nya pa lalo
"isipin mo ang gusto mong isipin!" sabi ko tapos tumakbo na ako palayo. My god! Muntik na akong inatake! Walang hiyang marko yan! Sa sobrang pagmamadali ko nabangga ko pa tuloy yung trash can.
Tumambay nalang muna ako sa may student center habang naghihintay ng oras. Napahawak ako sa dibdib ko, ang lakas padin kasi ng kabog, hindi ko din kasi maintindihan ang trip ni marko eh, kung kailan iniiwasan, tsaka naman lalong nang aasar. Dumiretso na ako sa room namin, 5 minutes before our class, Tinawagan ko ma din si mady dahil hanggang ngayon wala pa sya. Di na ako mapakali nung dumating na yung prof namin. Major pa naman to. At napaka sungit. Sana lang good mood sya. Nagsimula na ang klase at wala padin akong nakuhang reply kay mady. Nag aalala na tuloy ako, ano na kayang nangyare sakanya?
"sir, Excuse me po, sorry im late" Nayukong sabi ni mady
"miss. Sabuclalao! Your 30 minutes late! Bakit ka pa pumasok?" Mataray na sabi ni Mam Belle
"sorry po talaga"
"ok take your sit. Make sure na hindi na ito mauulit because i won't let it slide next time"
"Are you okay?" tanong ko pagkaupo ni madyl sa tabi ko, mukha kasi syang matamlay.
"mamaya nalang tayo mag usap, baka mamaya mahuli pa tayo ni mam, Mapagalitan nanaman ako"
Nung natapos ang klase, nauna na akong umalis, diko na inantay si madyl, kunwari tampo naman ako ah. Haha kasalanan nya kaya kung bakit ako nilapitan ni marko,
Pagtingin ko sa likuran ko, wala na sya.aba ang bruha! Talagang no reaction at all ah, nagkasalubong naman kami ni gieno, hm? Nakangiti sya at mukhang di na galit. Malayo sa reaction ng mukha nya nung nasa clinic kami.
"hey!"
"oh gieno! Uuwi kana ba? Sabay na tayo!"
"Sure! Tara na"
Malapit na kami sa gate nung natanaw ko sila marko at sino pa nga bang kasama nya? Edi si moana. Sa dinami dami ng lugar, bakit ba naman kasi kailangang dun pa sila tumambay
"Mukhang may masamang hangin na nakaharang sa gate pauline" siniko ko naman sya ng mahina sa may tagiliran "
"Anong masamamg hangin ang pinagsasasabi mo dyan! Sira ulo ka talaga"
"wag ka na ngang mag maang maangan crishna pauline valencia! Your not a good lier sis and not also a good pretender, sige! Sabihin mong hindi ka affected sakanila"
"What are you talking about?!" i said sarcasticly "Wala talaga akong alam dyan sa sinasabi mong yan"
"ows? Parang kahapon lang eh. Wala kang maloloko dito!"
"bakit ba kasi mas magaling ka pa sakin! Di naman talaga ako affected ah!" medyo pasigaw na yung pagkaka sabi ko, naiinis na kasi talaga ako eh,
"hep! As far as i remember sabi mo, di mo alam kung anong sinasabi ko, bakit defensive ka ngayon?" he teased then smirked
"Manahimik ka nalang kung wala kang sasabihing matino!"
"Masyado ka kasing pahalata! Nakabusangot ka na agad nung nakita mo sila! Kulang nalang tunawin mo si miss. Beautiful dun sa tabi nya at palitan mo"
"miss beautiful?! Excuse me lang ah, mas maganda at mas sexy ako sa moana na yan!"
"insecure ka lang!"
"hindi kaya!"
"Talaga ba?"
"Nagsasabi ako ng totoo no! Natutulog ako nung nangyari ang krimen"
"baliw ka talaga!"
"Nagmana ako sayo eh"
"Bakit parang Nilalayo mo lang yung usapan? Oh ano? tutuloy pa ba tayo o hintayin nalang natin silang umalis dyan?"
"yes! Dadaan tayo no! Sino ba sila para pigilan ako sa pag uwi?!" Taas noo kong sinabi at nauna na akong naglakad.
"alright! That's my girl! wala nga naman sa lahi natin ang mahina, tsaka gaya nga ng sabi ko kahapon! Move on." sabi ni gieno tapos inakbayan ako. Dumaan kami sa harap nila marko na para bang hindi namin sila nakita, Hindi ko siguro magagawa yun kung diko kasama si Gieno. Sa totoo lang? Sa akin lang mabait ito, sa iba masungit sya. Pero mejo malandi din. Hahaha