Chapter 6 Tasia's POV Nasaan ang balbon na 'yon? Bakit iniwan niya akong mag-isa rito? Bangag ba siya?! Lumabas ako ng kwarto at saka ko hinanap si Lemuel sa buong sala. Wala siya. "Lemuel? Lemuel, nasaan ka?" Walang may sumasagot. Nakakainis! Naka-simangot na bumalik ako ng kwarto. Ayaw kong maghanap ng animal, este tao na ayaw din naman magpahanap. Nang akma ko nang isarado ang pinto saka naman ako nakarinig ng ingay sa labas ng bahay. Sa takot ko dali-dali kong isinara ang pintuan at saka ni-lock. Bigla akong kinabahan. Iba ang aking kutob sa ingay na iyon. Mamya ay. "Open the door, Tasia!" utos ni Lemuel. Oo. Boses niya iyon at siya nga iyon. Gago siya! Matapos niya akong takutin, ura-urada ko siyang pagbuksan ng pintuan! Nasa paanan lang ako ng kama habang naka-titig sa may p

