Chapter 3

2061 Words
Chapter 3 IT WAS 2:00 in the afternoon at nasa clinic pa rin kami ni Lemuel. Dinala niya talaga ako sa kakilala ng kapatid niyang si Viktor para lang ipa-check ang ankle ko kung namaga raw ba o nabalian ng boto. Napansin ko habang nasa loob kami ng sasakyan ay alalang-alala siya sa nangyari. Bago man sa paningin ko ay natuwa ako. Mala-anghel ang awra na para bang galing pa ng langit. Iba 'to. Bagaman, hindi rin nawala sa aking isipan ang nangyaring pambubulyaw niya sakin kanina. I cried, at dahil do'n nataranta ang balbon. Panay hingi ng sorry. Kung hindi ba naman gago! Bibitawan ka ba naman ng masasakit na salita tapos nung humikbi na ako saka naman siya gagawa ng kabaitan. "Ipag-pahinga niya nalang 'yan muna— h'wag muna siyang pumasok sa trabaho." What?! Hindi puwede 'to! Kailangan ako sa hospital ngayon dahil araw-araw ay may nanganganak. Ugh! Kaya ko pa naman magtrabaho. Hindi pa naman malala ang maga sa buol ko. Parang tanga lang si Lemuel na panay tanong sa doktor na gumamot sa akin. Magsasalita pa sana ako ng maunahan ako ni Balbon. "I will. Thank you Doctora Lim. Ako na ho ang bahala sa kanya. Ima-massage ko lang 'yang paa niya ng gumaling 'agad ang asa buko-buko niya." Napa-tingin pa sa'kin si Balbon matapos siyang magsalita sa Doctora. Galit ako sa kanya. Puro ka-plastikan ang ipinapakita niya sakin. Hindi totoo at hindi bukal sa kalooban niya. Orocan! "Much better. O siya pwede na kayong umuwi. Ingatan mo si Ana, maraming baby pa ang ilalabas niyan. Hahahaha!" Napa-ngiti nalang ako sa biro ni Doctora Lim. She knows me. Napapadalas din ang dalaw ni Dok Lim sa hospital na pinag-ju-dutyhan ko dahil may sched din siya sa dental clinic. Magkakilala sila ni Dok Viktor Alcantara. Ang panganay na anak ni Señior Rolando Alcantara. "Maraming salamat, Doc." Ani ko at nakipag-kamayan pa sa kanya. "You're always welcome. Mag-iingat ka sa susunod." Tumango lang ako bilang sagot sa kanya. Napa-titig tuloy ako sa kanan paa ko. Gustuhin ko man igalaw ay masakit talaga. Mukhang nabalian nga ako ng buto nito. Kasalanan ni Balbon 'to. Kung hindi pa naman siya ulol! Napa-buntong hininga nalang ako at wala ng magawa pa. Pahinga ko talaga 'to at baka lalagnatin pa ako. Masakit talaga, e. "Are you fine? Uwi na tayo." Hindi ko siya sinagot bagkus sinimangutan ko siya. Napa-buntong hininga nalang siya at mamya ay binuhat niya ako. Hindi na ako nagpumiglas pa at baka ibagsak niya ako sa kamalditahan ko. Pagdating sa sasakyan ay binuksan niya ang pintuan ng passenger seat at dahan-dahan niya akong  pinaupo roon. Still, hindi ko pa rin ramdam ang pag-aalala niya. Napa-iwas ako ng tingin sa kanya dahil ilang pulgada lang ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. "Seat belt." Malamlam ang boses na pagkaka-sabi niya, at naramdaman ko nalang ang pag-lock ng seatbelt sa katawan ko. Inaasahan kong aalis na siya subalit, nagkamali ako bagkus, titig na titig pa rin siya sa'kin sa mga oras na 'yon. Para akong maduduling nang tumama ang mata namin. Naaamoy ko ang mabango niyang hininga at ang pabango niya na nakaka-akit. "T-tapos mo ng ikabit ang sealt belt, 'di ba?" hindi siya sumagot. Titig pa rin siya sa'kin. "L-lemuel—-umalis ka na nga riyan." Daing ko pa sa kanya. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng pag-iinit ng mukha. Dahil siguro sa lalagnatin na ako? O, baka naiitan lang talaga ako. Laking gulat ko nalang ng bigla niya ako siniilan ng halik sa labi. Gusto ko pa sana siyang itulak ng maramdaman ko ang paghawak niya sa aking leeg. Napa-liyad ako sa aking kinauupuan. Hindi ko talaga inaasahan ito. Madalas ginagawa ni Lemuel ang paghalik ng walang paalam sa akin. Isa ito sa mga ayaw ko sa kanya. "L-lemuel." Sambit ko sa pangalan niya habang naka-lapat pa rin ang mga labi niya sa labi ko. Ilang saglit lang ay humiwalay rin iyon at tumitig pa sa'kin. Pakiramdam ko tuloy nauubusan ako ng hangin sa ginawa niya. Napa-yuko ako, saglit lang ay hinawakan niya ang baba ko at saka niya iyon inangat. Bakit ba nadadala ako sa mga halik niya? "Don't worry, you'll be fine." Sambit niya at napa-titig pa siya ulit sa aking labi. Tinapik ko ang kamay niya at do'n siya tumawa. Alam kong parte ito ng mga plano niya. Akala niya siguro ay hindi ko alam ang galawan niya? Ulol siya subalit, kapag gan'tong eksina na—ay hindi ko siya kayang pigilan. Nakaka-inis! Sinara niya agad ang pinto at saka siya lumipat sa driver seat. Binuhay ang makina ng sasakyan at saka niya ito dahan-dahan na pinatakbo. Tahimik lang ako. Ayaw ko siyang kausapin dahil nahihiya ako sa ginawa niya. Aba! Ako pa talaga ang mahina? E, siya 'yong nanghalik. Kalahating oras na kaming nagbabyahe, ay napansin ko na hindi ito ang tamang daan pauwi sa bahay. "Saan tayo pupunta? Hindi ito pauwi ng bahay, Lemuel." Hindi niya ako sinagot, at nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho. Uminit ang ulo ko sa ginagawa niya. Saan niya ba ako dadalhin? Gumagawa siya nang sariling disisyon na alam niyang labag sa kalooban ko. "Lemuel, saan mo ako dadalhin?! Iuwi mo nga ako sa bahay! Ano ba!" "Shut up! Or, else I'll kiss you!" Bigla akong tumahimik. Diyan siya magaling sa panununggab ng labi. Ganito din siguro ang ginagawa niya noon nasa amerika pa siya. Napaka-aggressive niya. Kung makapag-salita akala mo kung siya ang batas! "May pupuntahan lang tayo. Mas maigi na rin na do'n ka muna magpahinga." "Pahinga?!" biglang singit ko. "Sa ginagawa mo akala mo ba makakapag-pahinga ako?!" nakakainis lang talaga. Gusto kong umiyak nalang sa inis at galit sa kanya. Napa-halukipkip ako saka umiwas ng tingin sa kanya nang bumaling siya sa'kin. "Promise, there you can rest, I will not disturb you." Kunwari concern ang balbon. Hindi ko na siya sinagot. Nasa daan ang aking mga mata at naglalayag ang isip. After one hour.  Napadpad kami sa isang 'di kilalang lugar. Si Lemuel alam niya, pero ako malay ko ba. Bago sakin ang lugar—lake house. Nasa tabi kasi siya ng malaking lawa at napaka-ganda ng mga tanawin. Payapa at ramdam mo ang malamig na simoy ng hangin. Paano niya natuntun ang lugar na ito gayung, ilang buwan palang siya rito sa Pilipinas? Lumabas siya ng sasakyan at pumihit naman siya sa kabilang pinto. Binuksan niya iyon at binuhat na naman ako. Daig ko pa ata ang isang inutil nito. Hindi makalalad dahil sa paang namamaga. Napa-kagat labi akong naka-hawak sa kanyang leeg. Napaka-seryoso ng mukha at deritso lang ang lahat na animo'y walang buhat na tao. Namangha ako kaagad ako sa aking nakita. Sa labas palang ng wooden house ay napaka-kalmante na ng lugar. Malinis at may mga landscape na alam kong inalagaan ng husto. Mas lalo pa akong namangha nang makapasok kami sa loob. Isang estatwa ng brown bear na nakatayo sa entrada ng pintuan na animo'y totoo. Sa kisame may mga paniki na akala mo rin ay totoo. Mga sculpture na yari sa mga matitibay na kahoy at mga larawan sa oleo ay nagkalat sa bawat parte ng bahay niya. Kahanga-hanga. Parang nasa ibang bansa lang ako dahil may fireplace pa talaga at sa itaas nun ay isang napaka-laking tv. "Rest house ko." Naputol lang ang aking paglayag nang magsalita siya. Binalingan ko siya nang maibaba niya na ako sa isang black and silver sofa. Subrang lambot. Paano siya nagkaroon ng ganitong bahay sa Pilipinas? Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa kusina. Iyon ang pagkakaalam ko dahil pagbalik niya may beer in can na siyang bitbit. Inabutan niya ako ng maiinom. "Want beer?" kumunot ang noo ko. "Hindi ako umiinom," mahina kong sabi. Mamya ay bumalik siya ng kusina at ilang saglit lang ay may juice in can na siyang dala. Inabot niya sakin. "Salamat." Mahina kong sambit sa kanya at agad niya akong tinalikuran. Ngayon ko lang napansin na nakapa-tangkad niya pala. Sa suot niyang maong jacket, black maong pants at black na butas, tapos may ilang burluloy sa kaliwang wrist niya at saka relo. Hindi naman magulo ang buhok, at hindi rin maayos. Saktong binagay sa kanya ang pustura niya ngayon. Ano ba 'tong iniisip ko?! Bakit ko siya ini-lalarawan? Umiling ako para maiwaksi ang pag-iisip ko sa kanya. Masyado na siyang magulo sa utak ko. Nakaka-tuyo ng brain cells ang balbon na ito. Maya-maya lang ay tumayo siya sa'king harapan. Wala na naman siyang suot pang-itaas. Tuloy, kitang-kita ko na naman ang mabalahibo niyang katawan at lalong-lalo na 'yong nasa bandang ibaba ng puson niya. Nakaka-distract. Ang seksi niya—'yan lang ang masasabi ko. Swear! "Late lunch?" anyaya niya matapos tumingin sa kanyang wrist watch. Oo nga pala hindi pa kami kumakain. Nakaramdam tuloy ako ng gutom. Bakit ngayon lang siya nagtanong? Sanay sa lipas gutom ang isang 'to. "May makakain ba?" kailangan ko munang makisama sa kanya kahit pa na galit ako dahil sa ginawa niya sakin at mga masasakit na salita kanina. Gutom ang pilay. "I cooked. Mabilis lang ito—half hour." Sige hintayin ko ang half hour na iyan. Pero ang tanong; marunong ba talaga siya? "Marunong ka?" ngumiti siya at saka nilapit ang mukha niya sa mukha ko dahilan para napa-sandal ako sa sofa. "Kahit ikaw pa ang lutuin ko." Sambit sabay kindat sa akin. Agad naman siyang lumayo at naglakad patungong kusina. Medyo kinabahan ako do'n. Pati mga bolbol ko nanindig. Nakakainis ka Lemuel. Namumuro ka na talaga. Half hour had passed. Mukhang luto na ang late lunch namin. Alas-kwatro na ng hapon. Ayos rin pala ang balbon na'to. Lumabas siya ng kusina na may suot na apron. Bakit ang seksi niya kapag naka-ganyan siya? s**t! Ano ba 'tong iniisip ko?! Napaka-harot! "Lunch is ready, let's eat." Hindi ko siya sinagot. Pipilitin kong makatayo para makakain ako. "Tsk! Mas lalong mamaga 'yang paa mo kapag pinilit mong maglakad." Napa-kapit nalang ako sa leeg niya ng binuhat niya na naman ako. Pagdating sa kusina namangha ako sa aking mga nakita. Tumunog ang tiyan ko senyales na gutom na ako. Pinaupo niya ako sa harapan ng lamesa at nilagyan ng pinggan at kubyertos. "You made this all?" mangha kong tanong ko. Nakakatakam na. Nakakagutom na talaga. Ang dami niyang niluto sa loob ng kalahating oras. Oh ang sarap tingnan. "I told you kahit ikaw pa ang lutuin ko. Hahahaha!" Nagiging pilyo na naman siya. Akala niya madadala niya ako. Bolbol niya blue! Pagsisilbihan niya pa sana ako ng pinigilan ko siya. "Paa ang namamaga sa'kin, hindi ang kamay ko. Kaya ko ng kumuha ng sarili kong pakain." "Okay you say so." Tiim bagang sagot niya naupo na rin sa kabilang upuan sa harapan ng mesa. Bali magkaharap kami ngayon, kagaya do'n sa bahay. "Kumain ka ng marami para may lakas ka mamaya." Ano raw? Para may lakas mamaya? Bakit? Anong meron mamaya? Hindi ko siya pinansin. Kumain ako ng kumain, wala akong pakialam sa kanya. E, sa gutom ang pilay! Ramdam ko na naka-titig siya sa'kin pero hindi ko talaga siya pinansin. Bahala ka nga diyan! "Easy woman mabubulunan ka niyan." "Gutom ako. H'wag kang ano." "Hahahaha! At kapag kumain ka ng marami, baka bukas biyayaan ka na ng katangkaran." Sinamaan ko siya ng tingin. Nag-wink lang siya sa'kin at nagpatuloy na rin sa pagkain. Meanwhile. "Ang sarap talagang kumain. Maraming salamat, Lemuel." Hindi niya ako sinagot dahil naka-titig lang siya sa'kin. Iyong titig na para kang tutunawin. Nilapag niya ang basong ginamit niya at saka siya lumapit sa'kin. Nagulat nalang ako ng pinaharap niya ako sa kanya at ikinulong sa mga braso niya. "Lemuel, anong ginagawa mo?!" imbea na sagutin ay mas lalong sumeryoso ang mukha niya. Gusto ko magalit subalit, kaba ang namamayagpag sa akin. Gusto ko siya itulak papalayo, pero paano? Isa-dalawang pulgada nalang ang layo niya sakin. Isang maling kilos ko lang, mahahalikan niya na ako nito sa labi. At alam kong pabor na pabor iyon sa kanya dahil, madalas niya nang ginagawa iyon sa akin. "L-lemuel, ano ba?!" mahina sabi. "You know I really don't like you?" alam ko naman 'yon. Sagot ko sa isipan—diretso ang tingin sa kanya. Ang kulay asul na mga mata ay nakikitaan mo talaga ng galit. "But I have to take care of you." Sambit niya sabay pantig ng kanyang panga. Alam ko. Dahil utos na naman ng ama mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD