Chapter 35 Tasia's POV ISANG bangungot para sa akin ang nangyari sa buhay kong 'to. Paano nila nagawa na lukuhin ako ng aking mga magulang? Malinis ang pagkaka-plano nila na ilayo nila ako sa lalaking mahal ko. What I am suppose to do now? I am totally incomplete. Malayo na ako kay Lemuel. Malayo na kami ng anak nito sa kanya. Anong gagawin ko? Ang ikinagagalit ko pa sa aking mga magulang ay pilit akong ikinasal kay Exzen. Si Exzen na kasama ko sa bahay ampunan na inampon rin ng mayayamang pamilya. Kaya hito siya at hindi makontento sa mga gusto nito. Isinabotahe niya pa ang aking mga magulang, kaya ngayon ay na brain wash ng husto ni Exzen ang utak ng mga magulang ko at napapayag na ilayo pa ako kay Lemuel. Kalahating taon ko nang hindi nakikita si Lemuel. Kalahating taon na rin ako

