Chapter 36 Tasia's POV "Tita, saan po tayo?" hindi ko matiis na hindi magtanong sa kanya. Nang makapasok ng sasakyan ay tahimik pa rin ako. Aalis na sana kami nang biglang dumungaw ulit si Exzen sa amin. "Uwi ng maaga, Tasia." Hindi ko siya sinagot dahil si Tita Silvia na ang kumausap sa kanya. Napansin kong binalingan niya pa ang driver at kasama nito. "Bantayan ninyo ng maayos ang mga ito!" Napa-ngiwi ako. "Yes bossing!" sagot ng driver habang ang kasama nito ay tahimik lang. Nang makaalis ang sasakyan ay tahimik pa rin ako hanggang sa magsalita si Tita Silvia. "Ligtas ka na, hija. Ligtas ka na." Kita ko sa kanyang mga mata ang panliligid ng luha. Naguguluhan ma'y kumunot pa rin ang aking mga noo. "Tita?" Hindi ko mapigilan ang aking sarili sa pagtanong. "Baby?" Umangat ang aking

