Chapter 16 Tasia's POV "Let me take a praternal test." Diba, lakas ng loob na ako pa mismo nagsabi niyan sa kanila. Kahit ang totoo ay sila nga talaga. Kung ibang tao pa siguro, papayag na agad na maging magulang ang dalawang 'to sa harapan ko. Mayaman at kilala sa publiko ang pangalan. Giniit ko talaga iyon sa kanila kahit pa na ayaw nila. Sa huli ako pa rin ang panalo. DNA kung DNA, mabuti na rin 'yon. Ayaw ko lang magkaroon ng problema sa pagitan naming tatalo. Baka isipin nila na nagmamadali akong maging magulang sila. Totoong nangungulila ako sa kanila pero iba kasi ang sitwasyon nagyon. Pabigla-bigla ang dating at pagpapakilala nila sa akin. Ngumiti ang babae na kamukha ko. Pruweba na 'yan na siya ang isa ko. Ba't ba? "Go ahead, hija." Sabi niya at sumimsim ng juice. "Hindi ka

