Chapter 15 Tasia's POV "IKAW? Isang Labrador? 'Di nga?" Gagu rin pala kausap ang isang 'to. O, baka dahil sa naka-inom lang talaga siya. Umarko ang maganda kong kilay at saka humalukipkip sa harapan niya. Alam niyang seryoso na ako, kaya naman umayos na ito ng salita. "You're Anastasia Labrador?" Tumango ako. "And you said, parents mo ang CEO at Presidente ng Labrador Group of Company na sina Theodore at Claudette? Right?" Nagkibit balikat ako. "Iyan ang sabi sa akin ng isang babae. Si Veronica Guinto, personal lawyer o family lawyer raw siya ng Labrador. I don't know." Tiim bagang kong sabi at lumamon ulit. Pinag-krus niya ang mga braso niya, naka sandal na siya ngayon sa likuran ng silya at sinusukat ako ng tingin. Napa-hinto ako sa paglamon ng mairita ako sa kanya. "What?!" Silh

