Chapter 10 Tasia's POV Halo-halong emosyon ang aking nararamdaman, at the same naguguluhan ang aking sarili. Paano ko ba maiiwasan si Lemuel kung, palagi niya nalang akong maisahan sa bawat kilos na nagagawa ko rito sa loob ng pamamamahay niya. Matapos ang nakaka-tensyong eksina kanina ay ito na naman kami ngayon. Nakatayong naka-krus ang mga braso habang nakatitig sakin ng deritso at walang ni isang kurap man lang. Kanina pa siyang ganyan. Naiilang at umiiwas na ako sa kanya. Sa mga titig niya, masasabi ko nalang na; parang nahubaran na ako. Ang kulay asul na mga mata ay hindi ko kayang matagalan. "Puwede ba, Lemuel, tama na 'yang kalokohan mo," utos ko saka tumayo, at iniwan siyang parang tangang hindi man lang kumilos sa kanyang kinatatayuan. Sa waka naka-laya rin sa mga titig niya

