Chapter 9 Tasia's POV ANONG gagawin niya sa'kin? Anong kahalayan na naman ang gagawin ng balbon na'to? Hindi kami umuwi ng QC, nandito pa rin kami sa Cavite at naka-tangang nakatitig sa kanya habang deritso lang siya sa pagmamaneho Lumalalim ang pag-iisip ko dahil sa mga sinabi niya kanina. Heto kami ngayon, bumabyahe pabalik sa rest house niya. "Lonely is the night, when i'm not with you." Pakanta-kanta pa siya sabay sipol na nagmamaneho. "Lonely is the night, when your light shine in through." Pagpapatuloy pa niya at saka siya bumaling sa'kin at ngumiti. "The song was nice, right?" Tanong niya sa'kin, subalit inirapan ko lang siya at saka naman ito humalakhak. Bwisit talaga! Kung anuman ang gagawin niya, sana e-orient niya rin ako ng makapag-handa. Hwag 'yong ura-urada. "Ano

