Chapter 8 Tasia's POV Nang matapos ang magbihis at pag-ayos sa sarili kaagad akong labas ng kwarto. Puntahan ko na muna si Lemuel sa kanyang art room kung saan roon lang raw siya. Bakit kasi kailangan niya pang magpaalam sakin. Pakialam ko ba sa kanya. Dinulog ko ang silod na sinabi niya. Sa b****a palang ng pinto ay may napansin akong isang piraso ng litrato. Kumunot ang noo ko nang makilala kung sino ang nasa litrato. Nilapitan ko iyon at kinuha. "Ako 'to ah," hinablot ko ang litrato at pinag-masdan. Stolen shot. Bakit niya ako kinunan ng litrato at nakaw pa talaga? Pwede naman siyang magpaalam sakin e. Hindi rin naman ako papayag. Pero infairness, ang ganda ko— "What are you doing?" napabaling kaagad ako nang marinig ko ang boses niya. Itatago ko pa sana ang litrato na iyon subalit,

