Buong byahe ay hindi ako komportable. Dahil pagbalik namin ni Khrisa ay magkatabi na si Jeiko at si Kyona pagkatapos ako ang sunod na umupo sa tabi ni Jeiko at pagkatapos dahil bakante ang katabi ko ay si Dewlon na ang katabi ko. Mabilis lang daw 'yung byahe pero pakiramdam ko ang tagal tagal talaga. Hindi ko talaga dapat ipakita kay Dewlon na apektado parin ako sa kaniya. Hindi rin maalis-alis sa isip ko 'yung anklet na binigay niya. Ah napulot niya lang pala. Sinuot ko ito sa kanang paa ko. Gustong gusto ko talaga ang anklet na to. Saan kaya niya napulot? Mukhang bago pa kasi eh. Kawawa naman 'yung nawalan nito. 1,500 pesos pa naman to. Hanggang sa nakatulog ako at pagkagising ko nakahilig na pala ang ulo ko sa balikat ni Jeiko. Ang ulo niya ay nakahilig din sa ulo ko. Kinusot ko ang

