"Uy Kirt gising na! Yung bisita mo nasa baba na!" sigaw ni Mama habang niyuyug-yog ako. Minulat ko ang aking mata, "Sino naman?" tanong ko. "Edi sino pa? Edi yung masugid mong manliligaw. Dalian mo na para makasabay kana sa agahan natin." sagot ni Mama at umalis na sa kwarto ko. Napakamot ako at bumangon para maligo. Bwesit talaga! Kay aga-aga pa! Excited siya? Sabado ngayon. Epal sa tulog eh. Nang matapos ako ay nagdamit lang ako ng simple pagkatapos bumaba na. Nakakunot ang noo ko habang bumababa. Bwesit, eh. Pinayagan lang na ligawan ako nila Papa at Mama napapadalas na samin. "Nandito ka nanaman, Valerio? Nakakasura na ang mukha mo." sabi ko sabay irap sa kaniya. Ilang buwan niya na 'yang ginagawa. Pinapakain nalang siya dito ng agahan dahil nakakahiya naman sa kaniya pero nung

