Sinunod ko ang sinabi nila Mama at Papa na iwasan na si Dewlon. Yun naman talaga ang gagawin ko, eh. Hindi na nila kailangan pang sabihin sakin dahil gagawin ko talaga. Dalawang araw na simula ng iwasan ko si Dewlon. Hindi ko rin naman kasi siya nakikita na sa school. Mukhang pinagsabihan narin siya na iwasan din ako. Pero wala namang nagbago. Mas masaya pa nga siguro sya dahil tuloyan nakong aalis sa buhay nya. Ngayon ay magkasama kami ni Kyona dahil ngayon lang siya may vacant time dahil nung nakaraan ay parati akong nagtatago at di kami masyado nagkikita. Ngayon ko lang nakwento ang lahat sa kaniya. "Tama 'yan, Kirt. Alam mo para di mo masyado isipin na broken hearted ka, mag-aral kana lang. Tatalino kana, makakalimot ka pa." sabi ni Kyona habang nakatambay sa classroom namin. Kasa

