Hinang-hina akong sumakay ng elevator. Hindi ko alam pero gusto kong umiyak pero hindi man lang tumutulo. Ang sakit sakit! Pakiramdam ko tagos na tagos sa buong buto ko. Dinala ako ni Jeiko sa hindi ko alam na lugar pero makikita mo ang buong lungsod dito. Kahit papano ang ganda ng view at parang ang sarap isigaw lahat hinanakit ko. "F*ck, Kirt! Ano ba ang nangyari? Tell me and don't just cry there please?" iritadong sabi ni Jeiko. Kanina pa kasi kami dito pero iyak lang ako ng iyak. Sinabi ko ang lahat sa kaniya. Simula sa may mahal na palang iba si Dewlon at hanggang sa magkasama sila sa iisang apartment. Tumalikod siya kaagad sakin, "Damn it! I thought that guy was a genius! He doesn't even know how to take care of you!" singhal niya. Umiling ako, "Bakit mo sinasabi 'yan? Hindi

