Tapos na ang madugong second quarter examination. Si Kyona at si Jeiko ang nakapasa sa amin at malilipat sila sa Section 2. Nakapaskil sa bulletin board ang mga nakapasa at lilipat sa ibang section. May mga lilipat pataas at meron namang lilipat pababa. Gaya nalamang ng ibang Section 1 na nalipat sa Section 2. At balita ko si Dreena nalipat sa Section 1. "Waaaaah! Kirt mamimiss kita!" sabi ni Kyona sabay yakap sakin. "Next quarter nalang ako mag-aaral ng mabuti para malipat din ako." mangiyak ngiyak na sabi ko sabay yakap din sa kaniya. "HUHUHU! PARANG PINAGSISIHAN KO NA NAG-ARAL AKO NG MABUTI!" naiiyak na sabi niya. Kumalas ako sa yakap at binatukan ko siya, "Ano kaba! Proud kaya ako sayo! Pagbutihan mo pa, ha!" sabi ko sabay tapik ng balikat niya. Tumango-tango siya, "Basta ma

