Nakaalis na sila Mama at Papa pabalik ng Cagayan. At si Ninang pinilit sila Mama na sa kanila ulit ako tumira, pumayag naman sila Mama at Papa dahil sinumbong ni Ninang ang nangyari noong nag-iisa ako sa bahay. May nakapasok na baliw sa bahay namin. Pinagalitan ako syempre pero di naman nila ako matiis. At ngayon papunta na akong school, magkasama ulit kami ni Dewlon sa school. Syempre pinilit siya ni Ninang, eh. Habang naghihintay ako kay Dewlon sa labas ng bahay nila ay nagulat ako sa biglang bumusina sa akin. Sasakyan ni Zander 'yun! Binaba niya ang bintana ng sasakyan niya, "Good morning, Courts! Need a ride?" nakangiting bati niya sakin. Ngumiti ako at kumaway sa kaniya, "Good morning din, Zander!" bati ko din sa kaniya sabay lapit sa bintana niya. Habang nakatingin ako kay Zande

