"Dewlon sa Zoo tayo hindi sa Mall." sabi ko sa kaniya ng pumasok kami sa parking lot ng Mall. "There is no way Im going to a shitty childish place like that place called Zoo." iritadong sagot niya sakin habang bumaba kami sa motorbike niya. Kumunot ang aking noo, "Ano? Diba napag-usapan na natin 'to?" tanong ko. Tinignan niya lang ako ng seryoso, "I changed my mind." sabi niya at dumiretsyo sa loob ng Mall. Napakagat labi ako, "Dewlon!" iritadong tawag ko sa kaniya. Hindi niya ako nilingon, "Dewlon!" tawag ko ulit at ngayon ay nakaharap na ako sa kaniya kaya tumigil siya sa paglakad pero hindi siya makatingin sakin. Hinawakan ko ang laylayan ng damit niya, "Ayoko dito. Gusto ko sa Zoo." nakanguso kung sabi sa kaniya. Bumuntong hininga muna siya bago tumingin sakin, pero medyo n

