"Dewlon, ayoko." seryosong sabi ko sa kaniya. Hindi niya ako pinansin dahil nag-uusap na sila ng lalake. "Wala akong dalang sasakyan." sabi niya sa lalake. "That's okay, use his car." sabi nung speed boy sabay turo sa sasakyan ni Mark. Si Mark naman na parang batang natakot na agad binigay kay Dewlon ang susi. Kinakabahan na ako! Kinuyom ko ang aking palad. Ano bang pumasok sa isip ni Dewlon at pumayag siya!? Kahit papaano ay may pinagsamahan ang pamilya namin! Kahit doon nalang siya bumase para kaawaan ako! Kinalabit ako ng isa sa mga babae, "Kaano-ano mo si Flash?" malanding tanong nito at tinaasan pa ako ng kilay. Humalukipkip ako, "Wala." iritadong sagot ko sa kaniya. Bwesit! "Friend kayo?" tanong nung isa pang sexy. Umiling din ako. Kung kaibigan niya ako hindi niya ako tratr

