"Gagawin ko ang lahat para tuloyan mo na 'kong hindi i-hate. FIGHTING!" masayang sigaw ko kay Dewlon sabay takbo papasok sa gate namin pagkauwi namin. Kanina ko pa 'yun gustong sabihin sa kaniya, pero napagdesisyunan kong pagkauwi nalang kasi nakakahiya pa. Dali-dali naman akong pumasok sa bahay na himala at bukas pala. Naabutan ko si Mama at Papa na nakaupo. Sa gulat ko ay napatili ako at napahawak sa dibdib ko. "Ma...Pa...bat gising pa kayo?" tanong ko. Medyo kinakabahan pa ako baka sermonan ako dahil ito na ata ang unang beses na ginabi ako sa pag-uwi ng iba ang kasama. Nakatingin lang sila ng deretsyo sakin. Hindi nila ako pinapansin. Lumapit ako sa kanila dahil di talaga nila ako kinikibo tapos di pa sumusunod 'yung mata nila sakin. Pagkalapit ko ay biglang humilik si Papa k

