Chapter 22 Nagising ako na mabigat ang pakiramdam kahit na kayakap ko si Damon. Tulog pa rin sya kaya naman nag karoon ako ng chance para matitigan ang maamo nyang mukha kapag tulog for the last time. Wala akong ibang maramdaman ngayon kung 'di sakit at bigat. Gusto kong mag back-out sa plano ko pero kapag naaalala ko ang kapalit ng gagawin ko ay napapa-iling na lang ako. Kailangan ko maging matatag. Hindi lang para sa akin 'to, para rin 'to sa pamilya ko at kay Damon. I trace his face softly para hindi sya magising pagkatapos ay muli ko syang niyakap at isiniksik ang mukha sa dibdib nya. "Parang ayaw ko na tuloy umalis." Napa-titig ako sa kaniya, he's awake and he's smiling brightly at me. Hinigpitan niya ang yakap sa akin. Kanina pa ba sya gising? "N-No... you should go," ani ko

