Chapter 23 Katulad ng inaasahan, hindi ako tinigilan ni Bailey tungkol sa rason kung bakit namin kina-kailangan na umalis sa bahay ni Damon. Wala naman akong magawa at may karapatan din naman siya na malaman ang katotohanan lalo na't damay na sya sa gulo na 'to. "Really? Grabe na talaga ang kapatid mo. Nagawa niya talaga 'yon?" hindi makapaniwalang tanong ni Bailey matapos kong mag kwento. Tumango ako. Kakatapos lang namin ayusin ang gamit namin na hindi na namin nagawang ayusin kahapon dahil gabi na. Nandito kami sa isa sa mga resthouse ng Tito ni Jasper. Ang sabi ni Jasper sa amin ay hindi kami agad mahahanap dito. May tiwala ako sa salita nya kaya alam ko na kung sakali man na magsimula na maghanap ang pamilya ko at maging si Damon ay hindi nila ako basta-bastang makikita. Kaya n

