Kabanata 8
Naka-linya ang mga kasambahay pagdating namin at sabay-sabay silang yumuko ng makita kami. Hindi sila pinansin ni Damon ngunit binigyan ko naman sila ng isang ngiti kahit na alam kong hindi naman nila nakita.
"Bakit di mo man lang sila pinansin?" tanong ko kay Damon na ngayon ay busy pa rin sa paghatak sa kamay ko papuntang second floor.
Katulad ng mga maid kanina ay hindi niya rin ako pinansin. Great!
Tumingala ako para makita ang mukha niya. Salubong ang kilay at diresto ang tingin niya, bigla tuloy akong kinabahan. Hanggang ngayon ba ay galit pa din siya kay Felony?
I sighed.
Bagsak ang balikat ko ng marating namin ang tapat ng kwarto niya. Kung galit siya kay Felony ay mukhang mahihirapan ako na paglapitin sila. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi mainis kay Felony. Bakit ba kasi niya ginawa yung kanina? Isa pa, ano namang ginagawa ni Damon sa mall? Paano niya nalaman na nasa mall ako?
Biglang pumasok sa utak ko si Bailey. Hindi kaya ay tinawagan niya si Damon? Nagsumbong siya?
Napa-iling ako. Mukhang may malilintikan sa akin mamaya.
Binuksan ni Damon ang pinto ng kwarto niya at muling hinawakan ang kamay ko at naglakad papasok, sa gulat ay bigla kong hinatak ang kamay ko. Parehas na kaming gulat ngayon. Kunot noo niya akong tiningnan matapos kong hatakin ang kamay ko sakaniya.
"Why?" he asked, raising his brow.
Itinuro ko ang kwarto ko. "Doon ang kwarto ko."
"I know. Mag-uusap tayo, nakalimutan mo na?" masungit na tanong nya.
Bigla akong kinabahan. "Sa kwarto mo?" tanong ko at itinuro ang kwarto niya. "Pwede naman tayo mag-usap dito, ah? Tsaka..." inilibot ko ang tingin sa paligid. "Malaki naman ang mansyon mo, napaka-daming lugar kung san pwede tayo mag-usap."
Bakit naman kasi kailangan pa na mag-usap kami sa loob ng kwarto niya? Thinking of that made me chill. Marami na akong napanood at nabasa na ganiyan, usap daw tapos dadalhin sa kwarto at hindi naging maganda ang kinalabasan. I mean, siguro sakanila maganda 'yon pero kung sa amin ay hindi.
"Mag-uusap lang tayo, Faith. Ano bang iniisip mo at namumula ka?"
Agad kong iniwas ang tingin ko sakaniya at mabilis na inagaw ang isang kamay ko na hawak niya, pagkatapos ay hinawakan ko ang magkabilang pisngi ko.
Namumula ako? s**t. Nakaka-hiya! Pinakiramdaman ko ang pisngi ko, hindi naman mainit. Paano naman niya nasabi na namumula ako?
Inis kong binalingan si Damon. I glared at him at sinalubong niya iyon ng pagtaas ng isang kilay. Hindi kaya hinu-huli niya lang ako?
"Pinagti-tripan mo ba ako?"
Hinawakan niya ang magkabilang braso ko. Sinubukan kong humakbang patalikod pero agad niya akong pinigilan. Inilapit niya ang mukha niya sa akin kaya naman umiwas ako ng tingin. Ang mga kamay ko na naka-hawak sa pisngi ko ay ginawa kong panangga sa may dibdib ko para hindi kami tuluyang magdikit.
"Pag sinabi kong mag-uusap tayo, mag-uusap lang tayo. 'Wag kang advance mag-isip. Isa pa, I won't force you. Now..." binitiwan niya ako. Hindi pa din ako nakaka-get over sa nangyari at sinabi niya ng hawakan niya ulit ang pala-pulsuhan ko at ipinasok sa loob ng kwarto niya.
Dineretso niya ako sa kama niya at doon pina-upo kahit na may sofa naman siya. Kumpara sa kwarto ko ay mas malaki ang kwarto niya. His room has only two colors-black and white.
Magmula sa ceiling na white, sa tiles na marble black, sa black and white curtains na nakatakip sa glass wall niya, sa furnitures at sa kama niya ay itim at puti ang nakikita ko. Wala ba siyang ibang alam na kulay? Actually, ngayon ko lang din narealized na sa tuwing nakikita ko siya ay kung hindi itim ay puti ang suot niya.
Masyado ba siyang fan ng black and white?
"Puro itim at puti ang kulay ng kwarto mo, ayaw mo ba ng ibang kulay?" tanong ko sakaniya. Gusto mo bigyan ko ng kulay ang buhay mo? Tara kay Felony! Gusto ko sanang idugtong kaya lang 'wag na. Not now.
Matapos kong ilibot ang tingin ko sa kwarto niya ay ibinalik ko ang tingin ko sakaniya kaya naman ganoon nalang ang gulat ko ng isa-isa na niyang tinatanggal ang butones sa suot niyang white long sleeve.
"Sandali!" agad kong tinakpan ang mata ko gamit ang isang kamay ko. Inilihis ko din ang ulo ko para hindi ko siya makita.
"Bakit ba dyan ka nagbibihis?" pasimple kong pinaghiwalay ang dalawang daliri ko para silipin siya at pero agad ko iyong pinagdikit ulit ng makitang naka-tingin siya sa akin.
I hear him laughed. Naramdaman kong may kung anong bumagsak sa may gilid ko kaya naman tiningnan ko ito. I froze when I saw his white long sleeve beside me.
Hindi ko magawang tumingin sakaniya. Bakit ba ang lakas ng loob ng lalaking 'to na maghubad?
Damon never fails to surprise me. Sobrang bilis ng pangyayari, basta natagpuan ko nalang ang sarili ko na naka-higa na sa kama nya at naka-patong sya sa akin.
Our position is super weird. Rinig ko na ang malakas na t***k ng puso ko and I can't breath easily. Pigil na pigil ako sa pag-hinga.
I avoided him when our eyes met. Gusto ko syang itulak pero natatakot ako na baka hindi sapat yung lakas ko o kaya naman mainis sya sa akin, ang ending ay lalabas ako ng kwarto niya na talunan.
"Aray!" Isang hampas sa braso ang ibinigay ko kay Damon ng pinitik nya ng malakas ang noo ko. Hayop!
Hindi ko man lang nakita na nasaktan sya sa halip ay sumilay ang isang pilyong ngiti sa labi niya atsaka umalis sa pagkaka-ibabaw sa akin.
Naupo ako sa kama. I tapped my chest, trying to make myself calm.
"Alam mo babae, ang dami dami mong iniisip. I already told you for the fuc—"
Napa-tigil ako sa pagpapakalma sa sarili ko ng mapa-tigil sa pagsasalita si Damon at tiningnan sya.
Kita kong mariin syang napa-pikit. What's wrong?
"Never mind!" Padabog syang naglakad papasok sa isang room na hindi ko alam kung ano ang laman. Hindi ko na din naman gustong alamin.
Lumabas din sya ilang minuto ang lumipas at nakapagpalit na sya ng damit.
"Why you didn't tell me na aalis ka?" tanong niya. He's focused on tapping and scrolling his cellphone.
Hindi ko tuloy alam kung ano bang ire-react ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung dapat ba mainis o magalit ako.
"Kailangan ba magpaalam muna ako bago umalis? Wala ba akong karapatang umalis kung kailan ko gusto?" balik na tanong ko. Napa-tigil sya sa ginagawa niya at napalingon sa akin.
Ibinaba nya ang cellphone sa side table at naglakad papunta sa akin. He sat beside me.
"That's not my point. I mean... Ayos lang na umalis ka pero sana man lang alam ko, right? Hindi naman kita pipigilan. It's just like..."
Napa-hinto sya sa sinasabi niya at halata sa mukha nyang naghahanap pa din sya ng tama at angkop na salita na gagamitin.
"Faith, asawa mo 'ko. Parang sa parents mo lang, kung aalis ka nagsasabi ka sa kanila. Parang ganon lang din."
"Hindi ako nagpapaalam kila Mama pag aalis," pag sabi ko ng totoo.
Mama and Papa are always busy. Kay Felony lang sila may pakialam. Malalaman lang nila na wala ako kapag gumawa ng kababalaghan si Felony at isasabit ako. Minsan nga napapa-isip ako, ako yung bunso pero bakit parang ako yung mas matanda kay Felony? Kahit naman sabihin na ilang taon lang ang tanda ni Felony, they can't change the fact na mas matanda si Felony kaya bakit ako yung palaging nag a-adjust?
"If that's the case then masanay ka na. You should at least inform me kung hindi ko pa tinawagan si Christian ay hindi ko pa malalaman na umalis ka. Isa pa, bakit ka umalis ng walang pera?"
"Who's Christian?" I asked, hindi ko inintindi ang iba nyang sinabi.
"Yung driver na kasama niyo ni Bailey."
Oh, so ibig sabihin ay walang alam si Bailey? Hindi sya nagsumbong kay Damon dahil si Christian, yung Mr. Lim ang nagsabi kung nasaan kami.
"Nga pala, bakit naman hinayaan mo si Felony na gawin 'yon sayo? It doesn't mean na mas nakakatanda sya sayo, hahayaan mo nalang na bastusin ka niya."
Hindi ako umimik. I need to be more careful kung si Felony ang pag-uusapan. I have plans and I don't want to ruin it. Gusto ko ng makalaya, I want to go back to my old life. I want everything back at hindi 'yon mangyayari kung patuloy akong nakatali kay Damon.
"She's still my sister. Isa pa, she has her reason why she did that. Kasalanan ko din," I replied.
"Reason? What kind of reason? Is that enough para saktan ka niya physically?" Kinuha ni Damon ang kamay ko at ipinakita ang sugat na gawa ni Felony. "Noong nasa mansyon tayo, sapat ba yung rason nya para gawin 'to?" he asked with his brows furrowed.
Hinawakan ko ang kamay nya na hawak ang kamay ko.
"Damon, hayaan na natin sya. Isa pa... yeah, I think she had enough reason para gawin yung ginawa niya kanina sa mall. Lagi ko yung ginagawa sa kanila before. Lagi ko silang inuunahan kapag may mga limited edition items. Alam kasi ni Felony na wala akong pera kanina kaya gusto nya akong ipahiya sa mga kaibigan nya."
"That's bullshit, Faith! Napaka-immature nya mag-isip kung ganon."
Napalunok ako. I was lost for words. Dapat ay hindi sya magalit kay Felony pero bakit parang lumalala ang galit niya kada sasagot ako?
"Damon, parehas kaming may mali. 'Wag kang magalit sakaniya." Ginawa kong nangongonsensya ang tono ng pananalita ko. "If she's immature then... immature din ako, right? Ako yung pasimuno," dagdag ko pa.
He sighed. Parang ayaw nya pang magpatalo pero mukhang wala din syang magawa.
"Fine. Basta sa susunod magsasabi ka sa akin lalo na kung makakasama mo si Felony, okay?" sukong sabi nya. I smiled.
"Noted," I responded.
Tumingin sya sa wrist watch nya pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa akin.
"I think your Ate Felicia is already here." Tumayo sya at naglakad papunta sa may cellphone niya.
I was stunned after hearing those from him. Si Ate Felicia? She's here?
"I'm right. Nasa sala na sya."
"Really? She's here?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango sya.
Pinasok nya ang cellphone nya sa bulsa ng shorts na suot niya. He offered his hand to me at tinanggap ko naman iyon. Magka-hawak kamay kaming lumabas ng kwarto niya.
Smile was plastered in my lips not until we saw Trevi and Bailey pagbukas ng pinto. Mukhang nahuli ata namin silang nakikinig dahil naka-dikit ng tenga nila kanina sa pinto. Gulat na gulat pa ang dalawa nung biglang bumukas at sa gulat ay hindi na naka-galaw.
"What are you two doing?" Damon asked, coldly. He's now raising his eyebrow.
"Ah..." Trevi tried to speak pero pag lingon nya kay Bailey ay pinanlakihan sya nito ng mata. Ngayon ay nagsisimula na silang magturuan.
"Si Bailey—"
"Bakit ako? Ikaw kaya naka-isip, nun!"
"Ako? Nag suggest lang ako pero ikaw yung nauna."
"What? Sabay tayo, Trevi."
"No! Nau—"
"Stop it!" Sigaw ni Damon and it echo in the whole floor.
Mahigpit akong napa-hawak sa kamay ni Damon dahil sa pagsigaw nya. Nakaka-gulat na nakakatakot. Napa-tingin tuloy sya sa akin.
"Sorry," he whispered to me at nung ibinalik nya ang tingin kila Bailey at Trevi ay naging madilim ang mukha nito.
Agad syang nilapitan ni Trevi.
"Young Master, ayos ka lang ba? Gusto mo ng tubig? Or anything that can energized you?" Trevi asked.
"Miss Faith, are you okay? Wala bang masakit sayo? Can you walk by yourself o gusto mong tulungan kita?" this time ay si Bailey naman.
They look so weird in my eyes but after processing Bailey's words, agad ko siyang hinampas.
"Aray!" daing nya ng pingutin ko ang tenga nya.
Inilayo ko sya agad kila Damon at Trevi.
"Pinagsasabi mo?" tanong ko ng makababa na kami.
Isang pilyong ngiti ang pinakawalan ni Bailey pagkatapos ay sinundot-sundot ang tagiliran ko.
"Ibang klase ka din, Miss Faith! Ang hyper mo pa rin," pang-aasar niya.
"Alam mo kung ano-ano pinag-iisip mo. Magtigil ka nga! Nag-usap lang kami ni Damon."
Hindi ko mapigilan ang sarili kong tarayan sya.
"Nag-usap? Sa kwarto? Kayong dalawa lang? Ano namang pag-uusapan nyo na kayong dalawa lang sa kwarto? Miss Faith naman, ayos lang naman 'yon. Mag-asawa naman kayo ni Young Master, eh. 'Wag mo ng ika-hiya, masasaktan si Young Master nyan, sige ka. Baka magtampo 'yon."
Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh. Kahit naman sino ay ganoon ang iisipin pero wala tayong magagawa. Nangyari na.
"Ang funny mo," I said at naglakad na paalis pero mukhang hindi ako tatantanan ni Bailey.
"Miss Fa—"
"Ate Felicia!" I scream as I saw Ate's back.
Napa-lingon sa akin si Ate. I run towards her and gave her a big warm hug.
"Oh my gosh, buti dinalaw mo ako?" I asked after our hug.
Naupo na kami.
"Damon asked me to visit you if I have some time," she answered.
Napa-ngiti ako.
Kahit naman pala papaano ay may mabait na side si Damon.
"Wait, where's your sugat? Damon told me also na may sugat ka daw. Where is it?" She asked, concern.
I pout at ipinakita ko sakaniya ang sugat ko sa kamay na medyo tuyo na. Hindi ko na nilalagyan ng benda dahil feeling ko mas lalong hindi gagaling kasi parang basa. Wala naman akong masyadong ginagawa so ayos lang kung hindi ko na takpan.
"Nililinis mo ba 'to? Dapat lagi mong nilalagyan ng betadine," sabi niya habang chine-check ang kamay ko.
Napatingin sya sa akin. "Sorry kung ngayon ko lang 'to na-check. Sobrang busy ng sched, eh," malungkot na sabi niya.
"It's okay, Ate. Hindi naman na masakit tsaka hindi naman ganon ka-lalim. Isa pa, ginamot naman 'yan ni Damon. Lagi din nya pinapaalala sakin na 'wag ko daw kakalimutang linisin tsaka lagyan ng betadine."
Ate Felicia nodded. "Mabuti kung ganon. Mabuti nalang at ngayon nandyan na si Damon para alagaan ka. Kahit kasi gustong gusto ko na nasa tabi kita, alam mo naman..."
"Ate, ayos lang. I understand. Being a doctor is not just your job. That's your passion, to help other people. That's your dream and I'm really happy for you and at the same time naiinggit din kasi... you know... ikaw, you're sure about the things that you wanted to do, unlike me."
Ate Felicia tap my back. "Ayos lang 'yan. Hindi pa naman huli ang lahat. Mahahanap mo din yung bagay na gusto mo," she said, trying to comfort me.
"Yeah, I hope so..."
We smiled at each other at muli niyang ibinalik ang tingin sa sugat ko and her smile fades away. Bigla tuloy akong kinabahan and at the same time, curiosity filled me.
"Faith, sana hindi ka magsawang intindihin si Felony," she said in a serious tone.
Napakunot ang noo ko. What's with the sudden change of mood?
"Felony needs us. Also, please understand our parents, especially Mama if she always side with Felony."
"Why, Ate? May problema ba?" marahan kong tanong.
Hindi agad sumagot si Ate.
I was bothered on her words. Parang may something, parang may problema.
"Alam ko na hindi dapat ako ang magsabi nito but I think dapat malaman mo na yung totoo. Faith..." Ate Felicia holds my hands and she look straight into my eyes. "Ampon lang si Felony."