Kabanata 7
Ayokong isipin na minamalas ako ngayon pa lang. Gusto kong manggigil pero hindi pwede, hindi ako pwedeng ma-stress kahit na alam ko namang ang pa-pangit ng sasalubong sa akin sa mall.
Naiinis ako dahil hindi ko nga pala nadala ang kotse ko at nasa bahay pero ang mas pinang-gi-gilan ko ay ayaw daw ipadala nila Mama ang kotse ko dito. Kasama 'yon sa mga kinuha nila sa akin simula ng ikasal ako kay Damon.
Great! First, my money and now my car. What's next?
"Lady Faith, nandito na po tayo."
Napa-dilat ako ng marinig na nagsalita ang isa sa mga driver ni Damon. Oo, mga dahil maraming driver si Damon at hindi ko alam kung bakit napaka-dami nila, e, si Damon lang naman ang madalas na umaalis dahil pumapasok sa kumpanya nya.
Pero mabuti nalang talaga at maraming naka-tambay na kotse sa garahe ni Damon dahil kung hindi, baka nag commute kami ni Bailey ngayon. Mukhang car lover itong si Damon.
Lumabas na ako ng kotse pero narinig ko pang nagsalita si Bailey.
"Mr. Lim, paki-hintay nalang po kami, ah—"
May sinasabi pa sa loob si Bailey pero hindi ko na pinakinggan at isinara ang pinto. Nagsimula na akong maglakad papasok ng mall. Nung tuluyan na akong naka-pasok sa loob ay naramdaman ko sa gilid ko na may kasabay na ako maglakad at mula sa peripheral vision ko ay kita ko ang bulto ni Bailey.
"Nasaan daw sila?" tanong ko.
Diretso lang ang tingin ko at bawat madadaanan ko ay talagang napapatigil at napapa-tingin sa akin. Hindi naman ganoon kadami ang tao dito since this is a high-end mall here in Manila.
"Nasa favorite steakhouse po ni Miss Felony, Miss Faith."
"Okay. Hintayin mo nalang ako sa kotse, hindi rin naman ako magtatagal."
Napa-tigil si Bailey dahil sa sinabi ko pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Totoo naman na wala akong balak magtagal sa lugar na 'to lalo't higit sa steakhouse na 'yon. Hindi ko naman kasi gugustuhin na makasama ng matagal ang mga plastic, that's bad for my health.
Pagpasok ko ay sumalubong sa akin ang wooden ambiance ng restaurant. Mabibilang mo ang bawat pag-nguya ng mga customers dito, pa-sosyalan ang lahat ng galaw. Ito ang isa sa dahilan kung bakit hindi ko masyadong gusto dito. Dapat kasi ay pinong-pino ang bawat galaw.
Tumigil ako sa paglalakad at inikot ko ang paningin sa paligid until my eyes landed on Felony's table, she's with her plastic friends.
Inayos ko ang sarili bago naglakad papunta sa kinaroroonan nila. Bago pa ako tuluyang maka-lapit ay napa-lingon na sa akin si Felony. Hindi ko alam kung nasenyasan sya ng mga kaibigan nya o naramdaman nya ang pagdating ko. Her brow raised right after she saw me at syempre, hindi ako papatalo dahil mas tinaasan ko ang kilay ko.
"She's here," sabi ni Felony ng makarating ako sa table nila. Agad na lumingon ang dalawa at binigyan ako ng isang plastic na ngiti.
"Have a seat," alok ni Felony. She offered a vacant seat on Marga's side.
Yung table na pinwestuhan nila ay good for four person, sakto lang sa aming apat. Naupo ako at hindi na nagpaligoy-ligoy pa.
"Missed me, Felony? Ang sabi ni Bailey you badly want to see me," pang-aasar ko sakaniya. She laughed.
"Me?" turo niya sa sarili niya. "Dream on!"
Muli siyang natawa at maarteng hinawi ang buhok niya. Sumabat naman si Georgia.
"Guys, stop. Nakaka-hiya. Isa pa, why don't we order first? It's on Faith," maarteng sabi ni Georgia sa mga kaibigan niya at pagkatapos ay tumingin siya sa akin at binigyan ako ng isang ngiti.
Damn this girl! Inuubos niya agad ang pasensya ko, ah.
"Oh, yes. I'll call the waiter na, wait." akmang itataas ni Marga ang kamay niya ng titigan ko siya ng masama, dahilan para mawala ang ngiti sa mga labi niya at dahan-dahang ibinalik sa pagkakapatong sa mesa ang kamay niya.
"At sino namang nagsabi sainyo na ililibre ko kayo?" taas kilay kong tanong.
Natawa si Felony at Georgia dahilan para lihim akong ma-bwisit. Hindi ko alam kung bakit pero may mga pagkakataon talaga sa buhay natin na may mga taong ayaw nating nakikita na masaya.
"Why, Faith? Your husband is rich, right? I actually searched his background and businesses and he's freaking rich!" eksaheradang saad ni Georgia. "Ano ba yung ipapatikim mo sa amin ang pera niya?"
Natatawang napa-irap ako sa sinabi ni Georgia.
"Wow, may pa-search? Marunong ka pala 'non? Balita ko kasi sa mga ka-group mates mo noong college, muntik ka na daw bumagsak sa reseach kasi hindi ka naman tumutulong." Napa-hawak ako sa bibig ko na para bang nagulat dahil nasabi ko ang hindi dapat sabihin.
She frowned but of course, Felony saved her.
"Baka naman kasi hindi ka binibigyan ng pera ng asawa mo? Ang dami mo pang sinasabi."
Muntik ng mawala ang ngiti sa labi ko, mabuti nalang at hindi nila 'yon na halata. Mukhang alam ata ni Felony ang desisyon na ginawa nila Mama.
Ano pa nga ba ang aasahan ko sa paboritong anak ng pamilya?
I get it. Gusto akong ipahiya ni Felony sa harap ng mga kaibigan niya. They know me well. Alam nilang lahat kaya kong bilhin. Lahat at ng limited edition ay nabibili ko hindi katulad nila. Alam nilang wala lang sa akin ang mga ginagasta ko at alam ni Felony na my bank account was freeze.
Kilala niya ako at alam niyang ayoko sa lahat ay magkaroon ng utang na loob kaya naisip na niya na hindi ako hihingi ng pera sa iba, not unless kila Mama.
"Hindi naman sinabi ni Damon na ang perang ibibigay niya ay para ipanlibre sa inyo. Wag nyong sabihin na naghihirap na kayo at umaasa nalang sa libre?" I fired back. Mabuti na lang at mabilis akong nakapag-isip.
Tumaas ang kilay ko ng nanahimik sila. Hindi sila nakapagsalita kaagad at nagtinginan muna.
After a long silence, Felony laughed.
"Oh, alam niyo ba..." tiningnan niya ang mga kaibigan niya. "Faith and Damon didn't share the same room," tsismis niya na para bang wala ako sa tabi niya.
"Really? Mag-asawa tapos magkahiwalay ng kwarto? Ano kaya 'yon?" ani Marga sa maarteng tono.
"I get it. Paano siya bibigyan ni Damon ng pera kung yung pangangailangan ni Damon hindi niya maibigay?" Natawa silang tatlo sa sinabi ni Georgia.
My jaw clenched.
Felony sighed. "Men and their needs," natatawang sabi niya.
Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko kaya naman hinampas ko ang table. I glared at them pagkatapos ay tumayo at dire-diretsong naglakad palabas ng steakhouse.
There's no use talking to those trash. Isa pa, hindi naman nila ako pinapunta doon para kausapin. Ang iniisip ko ngayon, paano nalaman ni Felony na hanggang sa mansyon ng mga Yoo ay naka-hiwalay kami ng kwarto. Baka naman sinabi ni Damon?
"Wait, Faith!" habol ni Felony at nagsitawanan sila.
I balled my fists. I took a deep breathe to calm down, mabuti at umepekto. Nagtuloy lang ako sa paglalakad at hindi ko pinansin o nilingon ang tatlo.
I was wearing a t-strap stilettos kaya naman kahit bilisan ko ang lakad ay nahahabol pa din nila ako. Kung alam ko lang na magwo-walk out pala ako, sana yung sandals ko na wedge ang isinuot ko.
Napa-tingin ako sa may gilid ko at nakita ang display ng isang store na may nakalagay na limited edition sa bag. It has a diamond and gold designs, one of the designs that I've been looking for.
"That's a limited edition. Bilhin mo na, Faith."
Akala ko ay may biglang sumulpot na demonyo sa gilid ko ng bumulong si Felony. Hindi ko napansin na napatigil pala ako sa paglalakad.
Ibinaling ko ang tingin sakaniya.
"Grow up, Felony. Napaka-childish ng ginagawa mo ngayon," I said. Imbes na mainis ay natuwa pa siya sa sinabi ko.
"I love being childish."
Hindi ko na siya sinagot at muling naglakad pero agad niya akong hinawakan sa braso.
"Ano ba, Felony!" asik ko. Tinaasan niya ako ng kilay.
"We're not yet done. Suko ka na? Isa pa, aalis ka na agad without buying that bag?" Napa-iling siya. "Hindi iyan ang Faith na kilala namin, right girls?"
Agad na sumang-ayon ang tatlo sa sinabi ni Felony.
"Why are you doing this?" sukong tanong ko, her hands is still on my arms.
"It's simple. Gusto naming iparamdam sayo yung mga naranasan namin before. Remember everytime na may ganito? Lagi mo kaming inuunahan."
Natawa ako dahil sa sinabi ni Felony. Tanginang utak 'yan. Gusto niya lang iparamdam sa akin kung ano yung feeling na laging nauunahan pagdating sa ganitong bagay? Adik ba ang isang 'to? Napaka-isip bata.
"Tingnan natin ngayon kung maka-tawa ka pa," nagbabantang sabi ni Felony.
Pinilit niya akong pinasok sa loob ng store, agad naman kaming nilapitan ng sales lady.
Hindi pa man nakakapagsalita ang sales lady ay inunahan na ito ni Felony. "Miss, I'll take that one," turo niya sa naka-dispay.
Sinundan ng tingin ng sales lady ang daliri ni Felony. "Okay, Ma'am."
Bago pa man makaalis sa tabi namin ang sales lady ay may nauna ng isa pang sales lady ang kumuha sa bag. Natigilan kami. Oo, kami, dahil kahit ako ay natigilan sa nangyari.
"W-what's happening?" Felony asked, stuttered. Mukhang hindi siya makapaniwala sa nangyari. Hindi ko tuloy mapigilang matawa.
"Ma'am, may naka-una na po." Bakas sa mukha ng sales lady na kausap niya ang paghingi ng tawad dahil sa nangyari.
"No! Nasaan yung buyer? Kakausapin ko!" hindi sumusukong sambit ni Felony, yung dalawa niyang kasama ay mukha atang na-pipi at hindi na nagsasalita.
Binitiwan niya ako. Sa wakas!
"I'm asking! Where's the buyer?!" asik niya.
Bahagya akong lumayo sa kaniya dahil sa pagka-hiya sa inaakto nya. Pinagtitinginan na kami!
Biglang nataranta ang sales lady dahil sa pagsigaw niya.
"Felony, nakakahiya ka," pang-aasar ko sakaniya, nagtagumpay naman ako dahil tinitigan niya ako ng masama.
"Faith is the owner of that bag."
Lahat kami ay napa-lingon ng may malalim na boses na nagsalita.
I was stunned when I saw Damon and behind him is Trevi.
Lumapit ang sales lady na kumuha nung bag kanina kay Damon at inabot ang paper bag.
"What?!" hindi maka-paniwalang tanong ni Felony.
Dumiretso si Damon sa tabi ko. Hinawakan niya ang braso ko na hinawakan kanina ni Felony. Tinitigan niya ito as if he's checking something.
Damon tsk-ed.
"Look, Felony." ipinakita niya ang braso ko na namumula. "Anong ginawa mo dito?" taas kilay na tanong niya. His voice was cold at kahit ako ay nanindig ang balahibo ko sa tono ng pananalita niya.
Felony looked pale. Hindi mapa-kali ang mata niya, hindi sya makatingin ng maayos kay Damon.
Marahang binitiwan ni Damon ang braso ko at lumapit kay Felony. Sa bawat paglapit niya ay syang paglayo ni Felony. She look scared.
Lumapit na ako kay Damon para pigilan sya. I hold his arm and wishing na sana ay may super powers ako para mapakalma sya dahil kahit ako ay kinakabahan sa hitsura nya.
"Damon, stop," bulong ko.
His face is so gloomy, talagang hindi sya natutuwa kaya naman hindi ko mapigilang kabahan.
Kahit naman demonyita ang kapatid ko, lalaki sya at natatakot ako na baka may magawa syang hindi maganda dito kapag hindi napigilan ang sarili.
Palipat-lipat na ang tingin si Felony, sa akin tapos kay Damon. Her lips are trembling, I bet she wants to speak but she can't.
Tumigil si Damon sa paglalakad dahilan para mapa-tigil din si Felony.
"I let you slide the time that you pushed Faith and she hurt her hand and for the second time, pag bibigyan ulit kita..." using his index finger, he pointed her out. "This would be the last. I'm warning you. Pag sinabi ko, ginagawa ko."
Damon holds my hand after saying those threatening words to Felony at lumabas na kami ng shop na 'yon.
Habang naglalakad kami palabas ay napa-pikit ako at bumuga ng hangin. s**t! Kinabahan ako doon!
Hindi niya binitiwan ang kamay ko hanggang sa maipasok niya ako sa loob ng kotse niya.
Napa-hawak ako sa dibdib ko. My mind is still processing what happened earlier. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi ni Damon.
Hindi ko tuloy maiwasang isipin at itanong sa sarili ko, is that for real or for show?
Ah! Basta, what ever it is, ang mahalaga ay nakawala na ako kila Felony.
I leaned my back and tried to close my eyes pero napadilat ako ng marinig ang malamig na boses nya. Kinain tuloy ng kaba ang sistema ko.
"Let's talk later."