Kabanata 6

2192 Words
Kabanata 6 Hindi ko mapigilang mapa-ngiwi habang ginagamot ni Damon ang sugat ko sa palad. Kada napapa-ngiwi ako ay titigil sya, titingin sa akin at ngingiti.  Inilahad niya ang palad niya kay Trevi na nasa tabi niya ngayon at ibinigay nito sakaniya ang bandage. Si Bailey naman ay nasa gilid ko at hawak ako sa balikat. Gusto kong matawa kay Bailey dahil ramdam ko din na nasasaktan sya. Kahit kailan talaga ay kaisa namin ang isa't-isa. "Uuwi na tayo, ako na bahala mag sabi sa Mama mo," sabi ni Damon habang ang atensyon niya ay nasa pagba-balot ng palad ko. Hindi na ako umimik tutal gusto ko na din umalis dito. This is the reason why I preferred staying in my condo rather than here. Madalas kasing nandito si Felony at hindi natatapos ang araw na hindi kami nag-aaway.  Tumayo na si Damon at humarap kay Trevi. "Naayos mo na ba ang pinapaayos ko, Trevi?"  "Yes, Young Master." Hindi na sumagot si Damon at napa-tango nalang. Bumaling sya kay Bailey na kaka-upo lang sa tabi ko. "Dalhin mo na sa kotse si Faith. Hintayin niyo kami doon. Si Trevi na ang bahalang magdala ng mga gamit nyo." Tumayo si Bailey at yumuko sakaniya. "Yes, Young Master." Katulad kanina ay hindi na nagsalita si Damon at naglakad na sya palabas ng kwarto ko habang ang mga kamay nya ay nasa likod at magka-hawak, naka-sunod sa kaniya si Trevi. Nang tuluyang makalabas ang dalawa ay naupo na muli si Bailey sa tabi ko. "Okay ka na, Miss Faith?" nag-aalalang tanong niya. Tumango ako. "Hindi mo ba nararamdaman ang nararamdaman ko, Miss Faith?" muling tanong ni Bailey dahilan para mapakunot ang noo ko. "Hindi maganda ang nararamdaman ko. Parang aawayin niya ang Mama mo dahil sa ginawa sayo, sa pagtatanggol kay Miss Felony kahit wala ka namang kasalanan." Napa-ismid ako. "Tigilan mo nga iyan. Bumaba na tayo," aya ko sakaniya.  Kinuha ko ang bag ko at inilagay doon ang cellphone ko. I checked if nandoon din ba ang wallet at make-ups ko. Nung nakita kong kompleto naman ay binitbit ko na iyon. Iniwan ko na ang maleta since si Trevi naman daw ang magdadala 'non. Lumabas na kami ni Bailey at pagkababa ay si Felony kaagad ang naabutan namin, siniko pa ako ni Bailey. Naka-harap siya sa glass window at matatanaw ang garden namin. Mukhang may malalim syang iniisip.  Hindi ko siya pinansin at sa lalim ng iniisip niya ay hindi niya man lang naramdaman ang paglalakad namin ni Bailey pero akala ko lang iyon dahil bago pa man kami makalayo ay bigla syang nagsalita. "Faith," mataray na tawag niya sa pangalan ko. Tumigil ako sa paglalakad at nilingon sya. "Felony," balik na tawag ko, kita ko ang pagtaas ng kilay niya. Naglakad sya palapit sa amin ni Bailey. "Bastos ka talaga 'no? Ate mo 'ko pero tinatawag mo ako sa first name ko," sarkastikong sumbat niya. Hindi ko tuloy mapigilang mapatawa. "Really?" Tinawid ko ang distansya naming dalawa, ako na mismo ang lumapit para sa kaniya. "You want me to respect you?" taas kilay kong tanong. "Matuto ka munang gumalang sa iba bago mo hingin ang respeto ko. Hindi porket mas matanda ka, dapat ka ng galangin. Respect begets respect." Anger filled her face. I landed my eyes on her fist, halata ang galit niya dahil naka-kuyom ito. Sinadya kong talikuran sya at magkunwaring aalis na pagkatapos ay nilingon ko siya, nagkunwari akong may nakalimutan pa akong sabihin. "Ah, one more thing. Hindi ko ginagalang ang taong basura ang ugali. Keep that in damn brain of yours." Taas noo akong naglakad palabas ng mansyon at narinig ko pang sumigaw si Felony ng 'Mama.' Kawawa naman, ang lakas ng loob mang-away, magsusumbong din pala kay Mama after. Habang naglalakad ay rinig ko pa ang pagpalakpak ni Bailey sa gilid ko, I can't help but to smirk. Dumiretso na kami sa kotse ni Damon at pagpasok ko sa back seat ay naitukod ko ang palad kong may sugat kaya naman napa-daing ako. Muntik na akong masubsob dahil biglang alis ako sa kamay ko dahilan para ma-out of balance ako. Good thing, Bailey is here. "Miss Faith, dahan dahan lang," pagpapaalala nya. Tumango ako. Sinigurado ni Bailey na maayos na ako bago sya nagpunta sa passenger seat. Ipinikit ko ang mata ko dahil ramdam ko pa din ang kirot. I sighed. Mabuti nalang at kahit papaano, nanalo ako kay Felony ngayon dahil kung hindi ay sakaniya ko isisisi ang pagtukod ko sa kamay ko. Siya lang naman ang nagpapa-malas sa buhay ko, eh. Hindi ko alam kung gaano katagal ako naka-pikit, basta naramdaman ko nalang ang pagbukas ng pinto sa kabilang gilid ko at may umupo. I know, it's Damon kahit hindi ako dumilat. Naramdaman ko naman ang paglabas ni Bailey ng kotse at ang pagbukas ng compartment sa likod. Dinilat ko ang mata ko para kunin ang earpods at cellphone ko. I opened my Spotify but my brows furrowed because of what I saw. Hindi pa bayad ang Spotify ko. Paano nangyari 'yon? Connected 'yon sa bank account ko, ah. Direktang bawas na 'yon kapag oras na ng bayaran. I closed my Spotify at ang sunod na inopen ko ay ang Netflix ko. Katulad ng Spotify ko ay hindi rin ito bayad. What the hell? Inopen ko ang bintana ng kotse at dumungaw doon, kita ko si Bailey at Trevi sa likod at nag-aayos ng gamit namin. I called Bailey. Umayos na ako ng upo. "Yes, Miss Faith?" tanong niya ng makalapit sa akin. Yumuko pa sya ng kaunti para makita ako sa loob. Hindi muna ako nagsalita at ipinakita sa kaniya ang Netflix ko. Agad siyang napakamot sa ulo niya. "Kahit ang Spotify ko ay ganito. Tell me, what happened?" taas kilay kong tanong.  Napa-sulyap sya kay Damon saglit at binalik niya ang tingin sa akin. "Hindi ko po pala nasabi sainyo. Sabi ng Mama niyo ay hindi niyo na daw magagamit ang pera niyo. Pina-freeze niya dahil may asawa ka na at si Young Master na daw dapat ang magbibigay ng pera sainyo."  "What?!" hindi maka-paniwalang tanong ko. "Why?" tanong ng lalaki sa gilid ko. Hindi ko siya pinansin. "Kailan pa 'to? Paano nangyari 'yon? Pera ko 'yon! Naka-pangalan 'yon sa akin kaya paano-" hindi pa ako tapos magsalita but Damon cut me off. "Nagka-sundo na kami ng Mama mo tungkol dyan. Don't worry." Awtomatiko akong napa-tingin sa kaniya at binigyan ko sya ng isang hindi maka-paniwalang tingin. Ibig sabihin ay alam na niya? At ano daw? Nag-kasundo na sila? Pumayag siya? "What did you say? Pumayag ka naman?" Tumango siya. "She's right. Dapat ako na ang magbibigay ng mga pangangailangan mo ngayong mag-asawa na tayo. Right?" Hindi ako maka-sagot dahil sa sinabi niya. Nai-stress ako. Hindi ko alam kung dapat ba ay matuwa o hindi. Pero malamang, dapat ay hindi ako matuwa. Ibig sabihin 'non ay hindi na ako basta-bastang makaka-gastos. Pag nanghingi ako ng pera, magkaka-utang na loob na ako sakaniya. Baka mamaya ay sumbatan niya pa ako sa mga gastos ko. Ibig sabihin ay magsisimula na akong maghirap? Pinili ko nalang hindi umimik sa buong byahe hanggang sa makarating kami sa mansyon ni Damon. Base sa usapan nila ni Bailey kanina ay kay Damon mismo ang mansyon na 'to. Pagpasok pa lang namin sa gate ay nagsusumigaw na ang yaman niya. Sa isang exclusive subdivision naka-locate ang mansyon ni Damon at sobrang lawak ng lupa na nabili niya sa totoo lang. Pagpasok kasi ng gate ay puro puno ang nadaanan namin, parang nasa probinsya ang set up. Ilang minuto na puro ganon lang ang nakikita ko pagkatapos ay isang malawak na halamanan naman ang sumunod. May prutas, gulay, at yung sa may malapit sa mansyon ay puro mga bulaklak ang naka-tanim. I hate flowers pero hindi ko mapigilang mapa-hanga sa nakikita ko. Pag naka-pasok ka sa loob ng mansyon ni Damon ay pakiramdam mo wala ka sa Maynila, ito ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko akalain na nakapagpatayo siya ng ganito ka-engrande at ka-gandang mansyon. Ang masasabi ko lang ay hindi lang milyonaryo si Damon base sa nakikita ko, he's a billionaire, parang trillionaire pa nga, eh. Umikot ang paningin namin ni Bailey sa kabuuan ng mansyon ng makababa kami. I looked at him, he's jaw-dropped. Siniko ko siya ng ilang ulit bago pa siya nabalik sa reyalidad. "Miss Faith, ang yaman pala ni Young Master, no?" bulong niya sa akin habang ang tingin ay nasa paligid. "Jackpot ka, Miss Faith! Ayos lang naman pala na pina-freeze ng Mama mo ang bank account mo, eh. Barya lang pala 'yon kay Young Master," dagdag pa niya. Kinurot ko siya sa tagiliran para matauhan siya.  "Ano ang pinaka-ayaw ko na magkaroon sa isang tao?" I asked him, umaasa ako na sa pagkakataong ito ay ma-gets niya ang gusto kong iparating. "Magkaroon ng utang na loob," mabilis na sagot niya. "Exactly!" I exclaimed. He really know me. Ayan kasi ang palagi kong pinapaalala sakaniya. Masakit sa ulo ang may utang na loob. "Isa pa, we don't know kung may ilegal na gawain ba si Damon kaya ganito siya kayaman. Kung gagamitin natin ang pera niya, baka pati tayo madamay," bulong ko. Napa-tango siya. "Anong pinag-uusapan niyo?" tanong ni Damon na biglang sumulpot.  Napalingon kami ni Bailey sa kaniya. Nung makita ni Bailey na nagbubuhat ng gamit si Trevi ay nagpaalam ito sa akin na tutulong siya. Lumapit sa akin si Damon. He put his hand on my waist. Bigla niya akong inilapit sakaniya dahilan para magdikit ang katawan namin. I froze. Hindi ko alam ang gagawin ko. Naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa ulo ko ng tatlong beses. Naka-tayo kami habang pinagmamasdan ang mansyon niya. Damon guides me papasok sa mansyon niya and his hand is still on my waist. Pagka-bukas ng pinto ay bumungad sa amin ang mga kasambahay niya na naka-dalawang hilera. They bowed the time that they saw us to give us respect. "Young Master, Lady Faith," bati ng isang babae sa amin na may katandaan na.  Sya ang nasa may pinaka-unahan. Naka-yuko siya katulad ng iba pang kasambahay. I can't see her face but based on her body, for me, hindi pa sya ganoon ka-tanda. She still have a curves. HIndi sumagot si Damon sa halip ay sumenyas ito, dahilan para magsi-ayos sila ng tayo. Hindi ko tuloy mapigilang ma-amazed. Feeling ko well-trained ang mga tauhan sa bahay na 'to. "Should I ready the food, Young Master?" sabi ulit 'nung babae.  "You want to eat na?" Damon asked, napa-tingin tuloy ako sakaniya at doon ko lang nalaman na naka-tingin pala siya sa akin. "Pwedeng magpahinga muna?" tanong ko. Damon nodded and after that ay tumingin na siya sa babae. "Sasabihan nalang kita, Shen," Damon said. So, she's Shen? If I heared it right. She bowed once again at hindi na nagsalita pa. Naglakad na kami ni Damon. I bit my lower lip para mapigilan ang sarili kong mapa nga-nga sa mansyon ni Damon. Sobrang laki at sobrang ganda. Kung sa labas ay nagsusumigaw na ang karangyaan ni Damon, dito ay nagsusumigaw din in soprano tone. From the fiber glass door, porcelain and ceramic tile floor, brick and glass wall, sasalubong sa iyo ang bifurcated stair na may malaking chandelier sa gitna ay may mamahaling paintings sa dingding. Nalulula na ako sa bahay na 'to sa totoo lang. May mansyon kami pero hindi ganito ka-bongga. Umakyat na kami ni Damon. Sa second floor matatagpuan ang kwarto namin. "Magkatabi lang tayo ng kwarto." Itinuro nya ang dalawang kwarto. "Pag may kailangan ka, sabihan mo lang ako, doon ako." Itinuro nya ngayon ang kwarto sa kaliwa. I nodded. Hindi nya pa din binibitiwan ang bewang 'ko kaya naman hinawakan ko ang kamay para tanggalin. Masasabi kong tahimik ang dalawang araw na pananatili ko dito. Walang Felony na sasalubong sa araw mo para manira. Yung nga kasambahay dito ay super hands on. Ang sasarap pa magluto ng mga nasa kusina. Sa dalawang araw ay hindi ko na nakikita si Damon at Trevi. Sabi ni Bailey, maaga daw umaalis ang dalawa pero bago daw sila umalis ay chine-check muna ako ni Damon. Hindi ko alam kung totoo o gawa-gawa lang ng kwento ang isang 'to. Nasa garden kami ngayon, naka-tambay. Busy sa pagsi-cellphone si Bailey habang ako naman ay busy sa pagkain ng meryenda. Hindi naman kasi bayad ang Netflix ko kaya hindi ako makapanood ng movies. Hindi rin bayad ang Spotify ko kaya hindi ako makapag-soundtrip. Diba, talagang tahimik ang buhay ko dito. "Miss Faith!" biglang tawag ni Bailey sa pangalan ko, napa-ayos din sya ng upo. Maka-sigaw ang isang 'to, akala mo naman napaka-layo namin sa isa't-isa. "Nag-chat si Miss Felony. Gusto ka daw nya makita ngayon kasama sila Georgia at Marga," sabi niya sabay pakita sa akin ng chat ni Felony. My brow creased. Ano nanaman kayang binabalak ni Felony at bakit kasama pa pati ang mga tuta niya? "Bailey, asked her kung saan nila gustong magpakita. Sisiputin ko sila," mataray na saad ko. Tumayo ako at nagsimulang maglakad pabalik ng mansyon para magbihis. Nararamdaman kong mayroon nanamang binabalak si Felony, kung ano man 'yon, sisiguraduhin kong ako ang mananalo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD