Kabanata 5
Ilang oras na akong hindi lumalabas ng kwarto ko dahil ayokong makita si Damon. Maghahapunan na pero pakiramdam ko ay magkadikit pa rin ang mga labi namin.
Napa-hawak ako sa labi ko. I can still feel his soft lips, his mint flavored mouthwash even though he already ate pasta and the taste of his kiss.
I felt that my cheeks are burning kaya naman napa-hawak ako sa magkabilang pisngi ko habang pinipilit ang sarili ko na kalimutan ang mga nangyari kanina.
Someone knocks at my door kaya naman napa-ayos ako ng upo sa kama ko. Hindi bumukas ang pinto, sa halip ay may narinig lang akong boses.
"Lady Faith, kakain na po," sabi ng isa sa mga kasambahay.
I sighed. Kakayanin ko bang kumain kasama soi Damon pagkatapos ng kapusukang ginawa namin kanina? Tinipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko at tumayo, I wear my usual fierce look.
"Si Damon lang, yon. Ano naman ngayon kung makikita ko sya? The kissed that I gave was a payment for what I said earlier, now it's not my fault kung naakit sya sa halik ko na segundo lang ang tinagal!" kausap ko sa sarili ko.
Muli akong naupo at napatulala saglit, pagkatapos ay pabagsak na humiga sa kama ko. No, I can't face him. Hindi na bale, magpapanggap nalang ako na may sakit.
I closed my eyes but I hear a sound like a growl. I'm hungry, that noise came from stomach.
Inabot ko ang cellphone ko na naka-patong sa may side table and I dialed Bailey's number. After third ring, he answered my call.
"What took you so long?" mataray na tanong ko.
[Sorry, Miss Faith. Bakit po kayo napa-tawag?]
"Paki-dala ng dinner ko sa kwarto. Masama ang pakiramdam ko." After saying that, I ended the call.
Muli kong ipinikit ang mata ko habang hinihintay si Bailey na dumating. Sana lang ay bilisan niya dahil nagugutom na ako.
I doze off. Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto kaya naman parang nabuhayan ako at agad na na-upo. Magsasalita na sana ako para magreklamo dahil ang tagal ni Bailey pero agad din iyong nawala ng makita ang bulto ni Damon at nasa likuran niya si Trevi na may dalang tray.
Naka-sunod lang ang mga mata ko sakanila while Damon is giving instruction to Trevi. Maingat na ibinaba ni Trevi ang mga pagkain at inalis sa tray at nung matapos sya sa ginagawa niya ay yumuko ito sa amin. Saka lamang gumalaw si Damon nung tuluyan ng nakalabas si Trevi.
Napatingin ako sa may pinto, umaasang papasok si Bailey pero wala kaya naman napa-tingin ako kay Damon na ngayon ay busy sa paglalagay ng pagkain sa pinggan.
"Where's Bailey? Why you're here?"
Tumigil sya sa pagkuha ng pagkain, tiningnan ako at nagsalita. "He's with your sister, si Felony."
"What?!" hindi ko napigilan ang sarili kong mapa-sigaw after hearing that Bailey is with Felony. I feel that my blood risen.
Kita ko ang pagtataka sa mga mata ni Damon na para bang iniisip kung ano ang nasabi niyang mali.
"Kasama ni Bailey si Felony?" muling tanong ko, I just want to make sure if I heard it right.
Dahan-dahan syang tumango kasabay ng pagsabi ng 'oo.'
Shit!
Felony is a demon b***h at dahil nasa akin ang tiwala ni Bailey, alam kong pahihirapan o pinahihirapan niya ngayon si Bailey. She did it before. May sarili naman syang utusan, pero sinadya niyang si Bailey ang gumawa.
I still remember that she told Bailey to buy a school supplies for her. Wala naman sanang problema sa pagpapabili, pero bukod sa ang pinabili niya ay pocket books, educational books, notebooks, pad papers, ballpens, sticky notes at kung ano-ano pang kaartehan, hindi niya binigyan ng pera si Bailey. The worst is, kahit pamasahe ay wala! Pinagbawalan niya pang magpahatid sa family driver namin sa mall.
I'm busy doing my assignments that time kaya hindi ko namalayan ang ginawa niyang kamalditahan. Nagalit pa siya kay Bailey dahil hindi daw binili ang lahat ng gusto niya dahil kailangan ni Bailey magtira ng pamasahe. She told our parents na binulsa daw ni Bailey ang pera at binigyan niya ito. Sa tanang buhay ko, first time kong maawa. Muntik ng matanggal sa trabaho ang Mama niya na kasambahay namin.
Ang ending, pinagtanggol ko si Bailey, I took the blame. I told them na kinuha ko ang pera kay Bailey at sobrang nagalit sa akin si Mama 'nun. Hindi niya ako binigyan ng one week na baon. There's no use of telling the truth, nalason na nya utak ni Mama.
Kaya naman nung nalaman ko kaninang magkasama sila ni Felony ay nag-init ang ulo ko.
"Nasaan sila?" tanong ko.
"Why? Akala ko ba gutom ka? Here, kumain ka na muna. Aalis daw si Felony at Bailey."
I clenched my fist and gritted my teeth. I tried to calm myself but I think I failed.
"Naka-alis na sila?" I asked, still trying to calm myself.
"Paalis pa lang." After hearing those ay patakbo akong lumabas ng kwarto ko.
Narinig kong tinawag ako ni Damon pero hindi ko nilingon. Nagmamadali akong bumaba at lumabas ng mansyon. Dumiretso ako sa parking lot pero bago pa man ako makarating ay nakita ko ang sasakyan ni Felony na medyo naka-layo na.
Shit... shit.... s**t!
My heart beats fast. Paano nalang kung may masama nanaman syang balak?
Naramdaman kong may hawak sa braso ko pero hindi ko nilingon dahil nasa papalayong sasakyan pa din ang tingin ko.
"What's happening, Faith?" naguguluhang tanong ni Damon.
It's too obvious na kanina niya pa hindi naiintindihan ang kinikilos ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko at patuloy pa din ang pagkabog ng dibdib ko.
I looked at him and bit my lower lip.
Nawala ang atensyon ko sakaniya ng dumating si Trevi at may naka-sunod dito. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib ng makitang naka-sunod sakaniya si Bailey.
My eyebrows furrowed. I thought...
Napa-turo ako kay Bailey at napa-tingin kay Damon, nagkibit-balikat ito. Ibinalik ko ang tingin kay Bailey at napa-taas ang kilay ko.
"I thought... why—" Bailey cut my words. Naka-ngiti syang lumapit sa akin. Mukhang gets na nya ang nangyayari sa akin ngayon.
Nagpunta sya sa likod ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Nakita ako ng Papa mo, Miss Faith. Sinabihan nya si Lady Felony na 'wag na akong isama. Babalik naman daw sila bukas ng umaga," mahinang sabi niya pero sapat na para marinig namin.
That's a relief. Atleast, hindi nagtagumpay si Felony sa kung ano mang pina-plano nya.
Pagbalik ko sa kwarto ay naka-sunod pa din silang tatlo sa akin. I told Bailey na ilabas nalang ang mga pagkain at nawala ang gana at gutom ko but as usual, pinigilan siya ni Damon.
"You two." tukoy nya sa dalawa. "Labas."
Mabilis ang naging kilos ng dalawa at lumabas agad ng kwarto. Naka-tingin ako sakaniya ngayon samantalang ang atensyon nya ay nasa dalawang kalalabas lang.
Pagkalingon nya sa akin ay agad akong nagtaas ng kilay but he gave me a sweet smile. He also touched my cheeks using the back of his pointing finger.
"Yah!" I said, annoyed. "Stop it!" Sinubukan kong hulihin ang daliri nya pero masydo itong mabilis.
Ngayon naman ay ang isa nyang kamay ang ginamit nya at muling hinaplos ang pisngi ko. Mahina ko iyong hinampas at hindi naman sya naka-ilag.
"Stop with this nonsense, Damon. Makaka-alis ka na din," sabi ko habang tahimik na pinapakalma ang sarili ko dahil sa malakas na kabog ng dibdib ko.
Normal lang naman 'to diba? Natatakot ako, I guess?
Pero saan naman ako matatakot? Tanong ng utak ko. s**t!
"I won't. You should eat first," sabi niya at gamit ang chopsticks ay kumuha sya ng nuggets at inilapit sa labi ko.
Napakunot ang noo ko. At kailan pa inilabas ni Mama ang mga chopsticks? Ayaw na ayaw nyang ipagamit sa amin 'yan dati pati na din ang mga Tupperware nyang galing ng Canada. Nauuna pa ngang maka-gamit ang mga bisita nya kaysa sa amin, eh!
"Why? You don't like nuggets? Wait—" pinigilan ko si Damon sa pamamagitan ng paghawak ng kamay nya na may hawak na pagkain.
Hindi na ako nagsalita pa at kinuha ang nuggets gamit ang kamay ko. Nagsimula na akong kumain habang sya ay naka-masid sa akin, tahimik din.
"Ngayon lang ako nakakita ng babaeng puno ang bibig ng pagkain pero cute," he commented. Nabulunan tuloy ako.
Mabilis nya naman akong inabutan ng tubig.
"Hey, calm down. Tapos na akong kumain kaya hindi kita aagawan. Sayo 'yan lahat. I personally pick and prepared those food."
Kung kanina ay nabulunan ako ng dahil sa pagkain, ngayon naman ay nabulunan ako ng dahil sa tubig. Siya ang nag prepare ng pagkain ko? Siya din ang pumili.
Pakiramdam ko ay lumamig ang paligid lalo, naka-bukas kasi ang aircon pero mas lalong lumamig, eh.
Napa-tingin ako sakaniya, he's now smirking. Pakiramdam ko tuloy ay parang lalabas na ang puso ko.
Tumingin sya sa malayo at inilabas nya mula sa bulsa nya yung babasaginhg banga na nakita ko nung nasa China kami. Inilapag nya iyon sa mesa.
"Drink that after."
Nanlaki ang mata ko.
"What? Are you going to poison me?!"
Hindi sya sumagot at mas lalong lumawak ang ngisi nya
"Hey, Faith!"
Pakiramdam ko ay nabalik ako sa katinuan nung marinig ang boses ni Damon. Shocks! That was just a hallucinations, right? Kung iyon nga ang tawag don.
Napahawak ako sa dibdib ko. Those are so vivid. Day dreaming ba ang tawag don? Grabe, eh, ramdam ko pa din ang kalabog ng dibdib ko.
Napa-iling ako ng ilang ulit. That's bad, para ko na ring iniimagine ang kamatayan ko pag ganon. Halos maubos ko na ang pagkain at wala naman akong maramdaman na kakaiba so walang lason 'to. That was just my guni-guni.
Hindi ko na sinagot si Damon at inubos ko na ng pagkain ko. I told him that I really want to have a rest dahil sumama nanaman ang pakiramdam ko. Good thing at hindi na nya ako kinulit.
Siya na ang nagligpit at kumuha ng tray, hindi na sya nagtawag pa ng katulong. Naka-masid lang ako sakaniya habang papalabas sya. He stopped bago buksan ang pinto at nilingon ako.
"Good night. Sweet dreams."
Kinabukasan ay late na akong nagising. Pasado alas diyes na pero kaka-bangon ko lang.
Nagpunta na ako agad sa CR to do my morning rituals kahit na mag ta-tanghali na but nasa kalagitnaan na ako ng magdesisyon akong maligo nalang.
It took thirty minutes bago ako natapos sa pagbababad sa tub. Mabuti nalang at nasa loob lang ng bathroom ang walk in closet ko kaya naman naka-tapis lang akong naglakad papasok doon.
Pagkatapos magbihis ay pinatuyo ko na ang buhok ko at nag-ayos. Paglabas ko ng banyo ay saktong kakapasok lang din ni Bailey.
"You're up! May lakad ka?" Bungad nito. Sinimangutan ko sya.
"May lakad agad? Lagi naman akong ganito."
Ngumiti lang sya at hindi na sumagot.
Sa dining hall ang diretso ko pagkalabas ng kwarto pero ng mapadaan ako sa kitchen ay rinig ko ang tunog ng kaldero at amoy na hindi maipaliwanag. Parang sunog na maasim na ewan.
Napatigil ako sa paglalakad, ganoon din si Bailey. Nakita ko pa si Damon kasama si Trevi at naglalakad papunta sa gawi namin.
Hindi ko na sila inintindi pa at nagpunta ako sa kusina. Naabutan ko doon si Felony na nagkakalat. Nandito na pala sya?
"What are you doing?" Tanong ko habang hindi makapaniwala sa nakikita ko.
Puro kalat ang sink, yung island counter and even the table. Yung lapag din ay may mga kalat. Mukhang binagyo ang kusina dahil sa kagagahan ni Felony.
"Cooking," simpleng sagot niya.
Napa-hugot ako ng hininga habang napatampal sa noo ko. Cooking?
Hindi makapaniwalang napa-tingin ako kay Bailey na hindi na rin maipinta ang mukha.
The hell! She's cooking daw, eh hindi nga sya marunong hiwa ng bawang o sibuyas tapos cooking? Hindi pa nga ata nya na-try mag-prito ng hotdog, eh! Hindi sya marunong magluto dahil never naman syang pinush nila Mama na matuto sa kusina that's why out kitchen looks like a mess!
Nasaan na ba ang mga kasambahay namin? Bakit hinayaan ng head Cook na gumawa ng kababalaghan ang isang 'to dito?
Ibinalik ko ang tingin ko kay Felony. I composed myself first bago nagsalita.
"Felony, tigilan mo na 'yan. Magpaluto ka nalang sa Cook natin."
Isang inis na tingin ang ibinigay nya sa akin.
"What if I don't want to?" maarte nyang tanong.
"You should, Felony. Wala kang alam sa pagluluto," inis na sabi ko sakaniya. Bumaling ako kay Bailey.
"Bailey, tawagin mog lahat ng naka-assign dito sa kusina. Ipalinis mo 'to, now na." Agad na tumango si Bailey after hearing my instructions pero agad din namang umepal si Felony.
"Pwede bang 'wag kang paki-alamera, Faith? Maglu—ouch!"
Natigilan kaming lahat ng marinig ang sigaw ni Felony kasabay ng pagbagsak ng isang babasaging bagay.
Mabilis akong lumapit sa kaniya at tiningnan kung ano ang nabasag. Yung garapon na lagayan ng asin. That one cost half a million at sa Saudi pa ata 'yon nabili ni Mama. What the hell?!
Napatingin ako sakaniya at hawak nya ang kamay na napaso. Maingat akong humakbang para hindi matapakan ang mga bubog. Pinatay ko ang stove at nilapitan sya. She's glaring at me.
"Amin na kamay mo," sabi ko pero mas lalo lang tumalim ang tingin nya.
"This is your fault, Faith! Paki-alamera ka kasi!"
Hindi ko inaasahan ang sumunod na galaw nya. Tinulak nya ako. Wala akong nagawa kung hindi ang manlaki ang mata.
"Faith/Lady Faith/Miss Faith!" sabay na sabi nung tatlo.
Mula sa peripheral vision ko ay kita ko ang pagtakbo nila pero huli na ang lahat, bumagsak na ako sa sahig. Itinukod ko ang kamay ko bilang suporta at naramdaman kong kumirot ito.
"Bailey! Humingi ka ng tulong!" utos ni Damon na nasa likuran ko. "Trevi, walisin mo yung mga bubog."
Napatingin ako kay Felony na mukhang nagulat din sa ginawa nya. Maya-maya pa'y nagsidatingan na sila kasama sila Mama.
"Anong nangyari?" gulat na tanong ni Mama. Agad syang lumapit kay Felony na hawak hawak ang kamay na may paso. Nilagpasan nya lang ako.
Tinulungan ako ni Damon na tumayo. Bago pa man ako makapagsalita ay nagsalita na si Felony.
"Ma, gusto ko lang naman magluto, eh. Tapos si Faith naman pinipigilan ako. Sinabihan pa akong hindi daw ako marunong," pagsusumbong nya.
Nag-init na ng husto ng ulo ko.
"Bakit, totoo naman diba? Kailan ka ba natutong magluto? Tingnan mo nga ginawa mo sa kusina," pagsabat ko.
"Ah, kaya pala pinaso mo ako?" taas kilay nyang tanong.
"What?!" hindi maka-paniwalang tanong ko. Magsasalita pa sana ako ulit pero biglang nagsalita si Mama.
"That's enough!" Tiningnan ako ni Mama. "Faith, sana tinulungan mo nalang ang Ate mo tutal ikaw naman ang marunong at hindi ka na nakipag-away."
Hindi ako makapagsalita o maka-react man lang dahil sa sinabi ni Mama. Sinubukang magsalita ni Damon pero pinigilan ko sya.
Really? Well, wala ng nakakapagtaka doon.
I glared at Felony pagkatapos ay umalis na ng kusina. Alam kong nakita 'yon ni Mama pero wala akong pakialam.
That b***h! Ang kapal ng mukha! Malapit na araw mo sakin, oy! Chill ka lang.