Chapter 4
Isang mainit na panahon ang sumalubong sa amin dito sa Pilipinas. Gusto ko man mag-emote ay masyadong mahapdi sa balat ang init.
"Sa bahay nyo muna tayo?" Tanong ni Damon na nasa gilid ko at inaayos ang sleeve ng suot nya.
"Ano bang sabi ni Mama?" balik na tanong ko.
Parang tanga kasi. Sya ang kausap nila Mama kagabi sa Skype tapos ako ang tatanungin ngayon.
"Bakit ang init ng ulo mo?" muling tanong niya. Tumigil ako sa paglalakad at ganoon din sya kaya naman pati ang mga kasama namin ay napa-tigil din.
"Nagtanong lang mainit na agad ang ulo?" taas kilay kong tanong sakaniya.
Mukhang nagulat sya sa sinabi ko at hindi alam ang ire-react. Teka, anong nakaka-gulat doon?
Tinalikuran ko na sya at naglakad ulit.
"Sungit," bulong nya pero rinig ko naman.
Magkasama kami ni Damon sa iisang sasakyan. Nasa backseat kami, si Trevi ang magmamaneho at katabi ni Trevi si Bailey.
Isinandal ko ang ulo ko sa bintana ng kotse nung nagsimula na itong umandar at ipinikit ang mata ko.
Ngayon ay kailangan ko na ng maayos na plano. Si Bailey lang ang pinagkakatiwalaan ko sa lahat kaya naman sya ang tutulong sa akin, alam ko rin naman na hindi sya makaka-hindi sa akin.
Ngayon, paano ko uumpisahan ang lahat? Paano ba ma-iinlove ang dalawang tao sa isa't-isa? Wala akong maisip.
Paano ako makakapag-isip ng tungkol sa bagay na 'yan kung never ko naman naranasan mag-mahal? I was busy defending myself to my family every time na may ginagawang kalokohan si Felony at nadadamay ako. Stress na ako sa part na 'yon, i-stress-in ko pa ba sarili ko sa isang lalaki?
Argh! Napatampal ko sa noo ko at naupo ng maayos.
Idinilat ko ang mata ko at nakatingin na pala sa akin ang tatlo. Si Trevi ay nakasilip sa salamin, si Bailey naman ay nasa akin ang tingin pati si Damon.
"Are you okay? You want to sleep? Here." Damon gently tapped his broad shoulders.
I glared at him.
Gustong gusto kong isagot sakaniya na hindi ako okay dahil namo-mroblema ako kung paano ko sila paglalapitin ni Felony pero syempre secret ko lang 'yon. Walang thrill kapag nalaman nya, baka mamaya ay lumayo pa sya.
I decided to look outside. Malalaking gusali ang nadadaanan namin. Medyo ma-traffic pero hindi ganoon kalala, siguro after an hour ang makakarating na kami sa mansyon ng parents ko.
Naramdaman ko ang kamay ni Damon sa may batok ko hanggang sa maabot nya ang balikat ko at hinigit ako papunta sa kaniya. Dahil sa gulat ay hindi ako nakapag-react kaagad.
Si Trevi at Bailey naman ay mukhang nakita ang ginawa ni Damon kaya mahinang sinusuntok ni Bailey si Trevi. Hayop! Pag kami nabangga dahil sa pinaggagawa ni Bailey, malilintikan talaga sa akin ang isang 'to.
Sinubukan kong kumawala kay Damon pero hinigpitan nya ang pagkakayakap sa akin at ngayon ay rinig ko ang t***k ng puso nya. It's beating fast. Wait! May sakit ba sya sa puso?
For the second time ay sinubukan kong alisin ang sarili ko sa bisig ni Damon pero hindi nanaman ako nagtagumpay. Hinayaan ko nalang tuloy dahil napapagod na ako. Narinig ko pang bumulong sya pero hindi ko naman naintindihan.
Nagising ako ng may mahinang tumatapik sa mukha ko. Una kong nakita si Trevi at Bailey na nakatingin sa akin mula sa front seat. Yung tingin at postura na nakiki-tsismis, ganon sila ngayon.
"She's awake!" masayang sabi ni Trevi sabay turo sa akin.
"Miss Faith, gising na ba kayo? Sure na 'yan? Hindi nyo na—" Bailey's words cut when I closed my eyes.
Alam ko na ang sasabihin niya kaya inunahan ko na. Sanay syang pag ginigising ako ay hindi ako nadadala sa isang gisingan at pumipikit ulit ako para matulog.
"I knew it. Alam kong matutulog ka ulit. Nakakahiya kay Young Master, tulo laway ka kanina pa, Miss Faith."
Pakiramdam ko ay nagising ang buong sistema ko at nawala ang antok ko hanggang mamayang gabi ng marinig ang sinabi ni Bailey. Mabilis kong inalayo ang sarili ko kay Damon, nauntog pa ako sa chin nya. Mabuti nalang at hindi ganon kalakas.
What the hell! Naka-tulog ako sa balikat ni Damon!
Kinapa ko ang pisngi ko para makumpirma kung tumulo ba talaga ang laway ko at tiningnan ko ng masama si Bailey dahil fake news sya.
Tumingin ako sa labas, nandito na pala kami sa mansyon. Iniwan ko ang tatlo sa loob at lumabas na ng sasakyan. Rinig ko pa ang pagtawag ni Bailey sa akin pero hindi ko sya nilingon.
Naabutan namin sa sala si Mama, Papa at ang dalawa ko pang kapatid na si Ate Felicia at Felony. Kahit mas matanda si Felony ay hindi talaga ako sanay na tawagin syang 'ate.' Pakiramdam ko kasi ay kinikilabutan ako kapag tinatawag ko sya 'nun.
"Welcome home! How's your trip?" tanong ni Papa.
Lahat sila ay naka-tayo at nauna akong umupo, hindi na ako nag-abalang sagutin ang tanong ni Papa, kaya na ni Damon 'yan.
Nilingon si Damon, may gusto syang sabihin sakin using facial expression pero bigo akong ma-gets iyon, pinanlakihan niya pa ako ng mata bago tingnan ulit sila Mama't Papa atsaka yumuko, he's giving a respect. Ah, baka iyon ang ibig niyang sabihin kanina.
Hindi naman uso 'yan sa amin, eh, so no need for him to do that. Mag mano siya, mas okay.
Napa-ngiti sila Mama dahil sa ginawa ni Damon. Plastic...
"Good afternoon, Ma, Pa," Damon said, habang naka-yuko pa din.
Pinag-aaralan ko ang bawat kilos nila, maging ang ngiti nila. If I know, hindi nila gusto si Damon dahil alam nila ang tunay na rason kung bakit kami nagpa-kasal.
"Good afternoon din, hijo. Maupo ka na," sagot ni Papa.
Sinunod nila ang sinabi ni Papa at naupo at syempre nasa tabi ko si Damon. On the other side ay nandoon sila Felony na parang aligaga at hindi man lang mapakali sa upuan niya. As if namang gumawa ng katangahan si Damon dito sa mansion, hindi sila magka-level ng utak na basta-bastang gagawa ng katangahan.
Isa pa, I have a plan. Baka pasalamatan niya pa ako after.
Nag-usap lang sila sandal, pagkatapos ay iniwan na kami ni Damon. Pinapunta kami nila Mama sa kusina para kumain since tapos na sila. Sakto naman ay nagugutom na din ako kaya hindi na ako tumanggi.
Habang kumukha ng pagkain si Damon ay nag-iisip naman ako ng paraan kung paano ko mapaglalapit ang dalawa. Nakaka-stress pala 'tong plano ko. Mamaya nga ay ita-type ko 'to sa laptop para may guide na ako. Hirap pag walang plano.
"Ang lalim ata ng iniisip mo?" pukaw ni Damon sa akin.
May inilagay siyang pinggan sa harap ko kung saan may laman ng pagkain. Napa-titig ako doon. Is this for me?
Hindi pa din siya nagbabago. Noong nasa China kami ay ganito na siya, everytime na kakain ay kukuhaan niya ako ng pagkain, ngayon na nasa Pilipinas kami ay ganoon pa din ang ginagawa niya.
Ang tanong, wala ba siyang inilagay dito habang busy ako sa pag-iisip kanina?
Napatingin ako sa may gilid at nandoon ang dalawang kasambahay namin na naka-tayo. Okay, may witness naman pala so safe ang pagkain na 'to.
Kinuha ko ang tinidor at nagsimula ng kumain samantalang si Damon naman ay nagsimula ng kumuha ng kakainin niya. Ngayon ay narinig ko ang tsismisan ng dalawang nasa gilid namin.
"Ang swerte naman ni Miss Faith, alaga ng asawa."
"Deserve niya 'yan, atleast ngayon ay nararamdaman niya yung pagmamahal na dapat niyang maramdaman."
Napatigil ako sa pagkain, dahilan para matigilan din ang mga tao sa paligid ko.
Love that I deserve?
I smiled bitterly.
Kung alam lang nila na hindi naman totoo ang nakikita nila ngayon. Isa pa, hindi ko naman na ata talaga mararamdaman yung totoong pagmamahal at sanay na din naman ako. Pamilya ko nga hindi nakikita ang effort ko at hindi din ako mahal, aasa pa ba akong mahahanap ko 'yun sa iba?
Ibinaba ko ang tinidor na hawak ko, sakto namang pumasok si Felony kaya naman tinawag ko siya. Tumigil naman sya.
"Kain," alok ko. Tumaas ang kilay niya.
"Seriously, Faith? Kasama mong kumain ang asawa mo tapos aalukin mo ako?" she asked, natawa tuloy ako.
"Why? What's wrong with that? Isa pa, I never told you na kumain ka talaga. Inalok lang kita, mabuti nalang kahit papaano ay may hiya ka pa."
Halatang hindi sya makapaniwala sa narinig niya. She glared at me pagkatapos ay nagmamartsang lumabas ng dining hall. Napa-tingin ako kay Damon na ngayon ay nagpipigil ng tawa.
Wait, anong nakakatawa? O baka naman natutuwa siya kay Felony?
Muli kong kinuha ang tinidor at pina-ikot-ikot ang pasta na nasa pinggan ko. Masyado na akong nanggigigil kay Felony, dapat ay maisagawa ko na ang plano ko sa lalong madaling panahon.
Tumingin ako kay Damon. Mukhang napansin niya atang naka-tingin ako kaya naman napa-tingin din sya sa akin.
"Can I ask?" Hindi siya sumagot, he raised his eyebrow instead.
"Do you find Felony pretty?"
He laughed after hearing my question at napa-iling. Aba! Feeling ata niya ay nanloloko ako. Hindi ako nang jo-joke time dahil wala akong oras para doon.
"Bakit mo naman natanong 'yan?" he asked. Natatawa niyang kinain ang pasta niya.
Hindi ko tuloy mapigilang mapa-irap. "I'm the one who's asking, bakit nagta-tanong ka din?" inis kong tanong.
"By the way, ano bang gusto mo sa babae? Yung katulad ba ni Felony?" I asked again, straightforward.
Imbes na sumagot ay bigla siyang nabulunan sa hindi malamang kadahilanan. Bakit? 'Wag niyang sabihin na nagagandahan talaga siya kay Felony at sa sobrang ganda nito ay nabulunan pa siya?
Napa-irap tuloy ako. Tinuturo niya ang tubig kaya naman nagsalin ako para sakaniya. Napa-tingin ako sa dalawang maid. Hindi ba nila nakikitang nabulunan si Damon? Bakit naka-tanga lang sila sa gilid?
Ibinalik ko ang tingin kay Damon na kakatapos lang uminom ng tubig at hawak-hawak ang dibdib. Napa-iling ako.
"I see. Felony is pretty, right?" Napatango ako. Kinuha ko ang table napkin at pinunasan ang labi ko pagkatapos ay tumayo. "That's great." After saying those ay umalis na ako.
Pero hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ng dining hall ay may humila sa braso ko at syempre, hindi na ako magtataka kung si Damon iyon.
"That's not what I mean. Actually-" I cut his word by putting my index finger on his lips.
"Diba sabi ko, that's great? Okay lang."
I smiled at him at tinanggal kamay niyang naka-hawak sa braso ko. Magsasalita pa sana siya ng biglang sumulpot si Bailey na sinisigaw ang pangalan ko, kasunod niya si Trevi.
"Miss Faith! Miss Faith!"
Napa-tigil siya sa pagtakbo ng makarating sa harap ko pero bago magsalita ay binati niya muna si Damon, hindi ko tuloy mapigilang matawa ng sarkastiko.
"Miss Faith, may sasabihin ako."
Iritado ko syang tiningnan bago magsalita. "Alam ko, kaya mo nga ako tinatawag, right?"
Natawa siya. "Paano kung tinawag lang kita tapos si Young Master naman pala talaga kailangan ko since magkasama naman kayo?" pang-iinis niya.
Dahil kanina pa ako naiinis ay nainis na talaga ako pero hindi ako dapat mainis dahil nakaka-pangit 'yon pero di ko talaga mapigilang mainis.
"Kung ganon, bakit pangalan ko pa ang kailangan mong tawagin? Kailan pa naging demonyo ang pangalan ko?" inis na tanong ko sakaniya pero agad din akong natigilan nung marealize ko ang sinabi ko. Ganon din si Bailey.
Shit! Did I called him demonyo? My gosh! My life is in danger!
"I mean... I'm... Faith ang pangalan ko, diba? Bakit kailangan-"
Naramdaman ko ang paghawak ni Damon sa braso ko at dahan-dahan akong napa-lingon sakaniya. My heart is pounding like crazy at parang any moment from now ay lalabas na ito sa dibdib ko.
He's expression is blank at nung nagtama ang mga mata namin ay tumaas ang isang kilay niya. Mariin akong napa-pikit. Pagdilat ko ay ganon pa din ang ekspresyon niya.
I smiled, in a cute way, trying to erase all of his anger by what he heared earlier.
"Galit ka ba?" bulong ko pagkatapos ay pilit na ngumiti. Kabado pa din ako habang hinihintay ang sagot niya.
I tried my best not to avoid his eyes and as much as possible ay nagpapa-cute ako. My body stiffen when he started to move, dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin.
We're only inch apart! Any wrong move ay mahahalikan ko siya o mahahalikan niya ako.
Pakiramdam ko ay may bumbilyang biglang umilaw sa utak ko from that thought. What if kaya niya nilapit ang mukha niya kasi he want a kiss from me as a compensation on what I said earlier?
Ayon lang naman pala, eh! That was so easy since nakuha na rin naman niya ang first kiss ko nung nasa China kami.
I slowly closed my eyes at idinampi ko ang labi ko sakaniya. Now, I felt that his body stiffen because of what I did.
Dahan-dahan ko ring inilayo ang labi ko pagkatapos ng ilang segundo. His lips is soft, ngayon ko lang napagtanto dahil sa sobrang gulat ko last time ay hindi ko na pinansin pa iyon. Our eyes met. Ngayon ay nawala na ang blangkong ekspresyon at napalitan iyon ng gulat.
Hindi ko naman akalain na kiss lang pala ang magpapawala sa galit ni Damon, pero syempre hindi naman pwedeng kada magagalit sya ay hahalikan ko siya. Paano mag wo-work ang plano ko kung ganoon?
Lilingunin ko na sana ulit si Bailey para magtanong ng pigilan ako ni Damon and this time and for the second time today, our lips met.
He's kissing me again and my mind went blank. Wala akong nagawa kung hindi magpaubaya sa mga halik niya without even thinking that we're here at dining hall and some people are watching us.