Chapter 26 Napa-salubong ang kilay ko nang makita si Felony na pumasok sa kwarto kung saan ako ikinulong ni Damon. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko dito pero naisip ko na pwede kong kuhanin ang pagkakataon na 'to para malaman kung ano ang ginagawa ko rito. The last time I checked, ayaw sa kaniya ni Damon. Alam din ni Damon ang mga ginawa nyang hindi maganda kaya hindi ko maintindihan kung bakit labas-pasok sya dito at mukhang close pa silang dalawa. "Ano na naman ba ang ginagawa mo dito, Felony? Isa pa, bakit ka pabalik-balik dito?" Isang irap ang natanggap ko mula sa kaniya at pinag-krus ang kamay sa dibdib. "Just checking kung ano ang ginawa sa 'yo ni Damon," may pagka-maarte ang tono ng salita nya sa sagot niya. "Now you see me. Ano na? What are you expecting ba?" nang-aasar n

