Chapter 27 "Jasper!" Napa-awang ang labi ko nang makita si Jasper na nasa semento, bakas na umiinda sya ng sakit ngunit walang pakialam ang mga narito. Parang masaya pa nga sila sa nakikita nila. Sumigaw ako muli ng sipain sya ni Damon dahilan para bumagsak sya pababa ng hagdan, hindi naman ganoon ka-taas pero sigurado akong nasaktan pa rin si Jasper sa pagka-laglag nya. Nagmamadali akong nagpunta kay Jasper para tulungan siyang tumayo. "Jas..." naiiyak na sambit ko habang inaalalayan ko sya. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Nanghihina niya akong tiningnan at doon ko nakita ang iilang pasa sa mukha niya. Nanginginig ang kamay ko na hinawakan ang pisngi nya. "Oh my gosh... hindi ka na dapat nagpunta dito. Bakit nag-iisa ka lang? Look-" natigil ang pagsasalita ko ng sumingit si

