Chapter 26 "Where's Damon? Bakit ikaw na palagi ang nagdadala ng pagkain ko?" tanong ko kay Trevi. Maingat niyang inilapag ang pagkain ko sa table. "May importante syang inaasikaso," sagot niya. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Busy? To the point na hindi na sya dito natutulog?" Kita ko na napatigil si Trevi dahil sa tanong ko. Simula kasi nung nangyari 'yon ay hindi ko na nakita pa ulit si Damon dito sa gabi. Naririnig ko pa rin naman ang sigaw nya pero two days ago ay hindi ko na narinig pa ang boses nya.. Araw-araw akong naghihintay sakaniya at madaling araw na ako nakakatulog pero ni anino ni Damon ay walang dumating. "He's busy. Intindihin mo na lang, Lady Faith. Lalabas na ako." Yumuko sya at umalis. Napa-irap ako sa hangin. Parehas lang sila ni Damon, parehas ni

