Kabanata 2
Nanghihina akong naupo sa kama habang hawak hawak ang tyan ko. Inaantok pa ako dahil two in the morning na ako nakatulog kanina.
After kong mawalan ng malay dahil sa sakit ng tyan ko ay nagising ako ng past 1 am at wala akong ibang ginawa kung hindi ang magpabalik-balik sa comfort room.
I have a f*****g LBM!
Naiirita ako kay Damon. Kung ibinigay nya sana kaagad yung gamot sa akin kanina, e ‘di sana nagawa ko pang maka-tulog ng maaga at makapag-pahinga.
Mas pina-iral nya pa yung pride nya. Kesyo kasalanan ko daw na kumain ako ng madaming nilagang saging at inubos ang pagkaing inilagay nya sa plato ko. Isa pa, ang judgmental ko daw. Wala naman daw syang balak lasunin ako pero kung ano-ano daw ang iniisip ko kaya naman halos maka-limang balik na ako sa banyo bago nya ibinigay ang gamot.
Hayop sya!
Kung hindi pa sya pinilit ng pinilit ni Trevi at Bailey ay hindi nya ibibigay ang gamot. Napaghahalataang gusto na talaga akong tsugiin, eh.
Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto at lumitaw si Bailey. Nung nakita nyang gising na ako ay patakbo syang lumapit sa akin.
"Miss Faith, okay ka na? Do you want to eat something? Magpapahanda na ba ako?" Sunod sunod nyang tanong pagkatapos ay naupo sa may gilid ko.
"I think I'm okay at gutom na ako so go," malamyang sagot ko.
Magsasalita na sana si Bailey ng biglang bumukas ang pinto kaya naman sabay kaming napatingin doon.
Mula sa labas ay pumasok si Damon at Trevi. Nung nakita ko ang mukha ni Damon ay hindi ko mapigilan ang sarili kong mapa-irap.
Binaling ko ang paningin ko kay Bailey.
"Bailey what are they doing here?" Taas kilay kong tanong kay Bailey.
Napatingin si Bailey sa dalawa at halata namang hindi rin sila inaasahan ni Bailey.
"Bailey, told her that we're here to pay a visit," sagot ni Damon na nagpataas ng kilay ko.
Pay a visit? Ano ako patay o kaya naman may sakit? Pero sabagay, may sakit naman talaga ako dahil ang sakit nya sa ulo.
"Bailey, please send them out of my room. I want to rest," utos ko.
Kita ko ang pag-aalinlangan sa mukha ni Bailey. Tumingin sya kila Damon at ganon din ang ginawa ko.
"Bailey..." tawag ni Damon at sinenyasan nya ito na lumabas ng kwarto ko.
My eyes widened when I felt that Bailey is going to stand. Agad kong hinawakan ang kamay nya.
"Don't! Stay here," utos ko. Nilingon ko sila Damon. "Kayo ang umalis," matapang na sabi ko sa kanila.
Imbes na makinig ay mapang-asar na ngumiti si Damon, hindi pa sya nakuntento at naglakad pa sya papalapit sa kama ko.
"H-hoy! Dyan ka lang!" Pagpipigil ko sakaniya pero syempre, hindi ko sya napigilan.
Naupo sya sa may gilid ko at tumingin kay Bailey at sinenyasan nya itong lumabas na.
I looked at him at halata sa mukha nyang gusto nyang mag-sorry sa akin at wala syang magawa kung hindi iwan ako sa kwarto at lumabas.
I opened my mouth to speak habang ang kamay ko ay nasa ere para habulin sya pero he just waved at me with the same facial expression earlier.
Really? Iniwan nya ako? Ako ang amo nya, ah! Ako ang dapat sundin nya! Bakit sinunod nya ang sinabi ng demonyo na 'to?
Bigla akong natawa sa isip ko. I realized that bagay pala kay Damon ang pangala nya. Damon Yoo or in other words, demonyo.
Tiningnan ko si Damon at naka-tingin din pala sya sa akin na mayroong pilyong ngiti sa mga labi as if he's saying that he won.
Bwisit!
"Trevi..." tawag nya sa kanang kamay nya habang ang mga mata ay nasa akin pa din.
Napalingon ako kay Trevi, yumuko ito ng kaunti pagkatapos ay lumabas. Oh, what the hell is happening?
Muli kong tiningnan si Damon at ang loko ay hindi pa din pala inaalis ang tingin sa akin. Gusto ko syang sapakin ngayon pero pinipigilan ko ang sarili ko. Takot ko lang na sakalin nya ako.
I saw in my peripheral vision na pumasok ulit si Trevi at naka-sunod sa kaniya ang mga kasambahay ng pamilya Yoo. Tatlong kasambahay na may dalang tray kung saan naroroon ang mga pagkain.
Inilapag ng mga kasambahay ang mga pagkain sa coffee table ng kwarto ko, pagkatapos ay yumuko sila sa amin at lumabas na. Sumunod sa paglabas si Trevi.
Mapang-asar na ngiti ang ibinigay sa akin ni Damon pagkatapos ay naglakad na papunta sa coffee table. Naupo sya at kumuha ng tig-iisang putahe at inilagay sa isang plato katulad ng ginawa nya kagabi. Nung masiguro nyang nandoon na ang lahat ay tumayo na sya at naglakad papunta sa gawi ko.
He sat beside me, having a playful smile on his lips, nagsimula na syang kumuha ng meat gamit ang chopsticks, hinipan ito saglit pagkatapos ay itinapat sa labi ko.
"Open your mouth," he commanded.
I stay still instead of obeying his command. I gave him a judgmental look.
"Don't give me that kind of look, Faith. Mukhang hindi mo pa talaga ako kilala?" may halong pagbabanta ang boses nya dahilan para matakot ako.
Itinaas nya ang isang kilay nya at muling inilapit sa labi ko ang karne, ni hindi ko nga alam kung anong tawag sa pagkain na 'to, pero para wala ng gulo ay kinain ko iyon.
Masarap ang karne. I actually hate meat dahil madalas ay makunat ang nakakain ko. Kumakain lang ako ng karne pag alam kong bagong katay pero kapag galing sa mall o sa palengke na halatang frozen na ay hindi ko kinakain. Nakaka-iritang ngumuya ng ngumuya. Nakaka-pagod sa panga.
"Young Master!" Napatingin kaming dalawa ni Damon ng biglang bumukas ang pinto at mula roon ay lumitaw si Trevi. "This is your order." Itinaas nya ang isang maliit na babasagin na hugis banga.
"Sure daw na walang sablay 'to. This poison is really unbelievable. Ang sabi ay kapag ginamit 'to, ang labas ay inatake lang sa puso," dagdag na sabi ni Trevi.
Pakiramdam ko ay biglang umikot ang sikmura ko, ang pagkaing lulunukin ko nalang sana ay parang nagkaroon ng ibang lasa sa dila ko kaya hindi ko mapigilang maduwal.
Agad kong itinakip ang palad ko sa bibig ko at lumingon si Damon sa akin kaya naman sa takot ay nalunok ko ang kinakain ko. Kung minamalas nga naman ay nabulunan pa ako.
Aligagang ibinaba ni Trevi ang dala nya at nagsalin ng tubig pagkatapos ay inabot kay Damon, at si Damon naman ang nag-abot sa akin at agad ko naman itong ininom.
Kita ko ang pagtingin ni Damon ng masama kay Trevi dahilan mapatingin ito sa malayo.
My gosh! Tuloy pa din ba ang plano nilang lasunin ako? At talagang harap harapan nilang sasabihin at ipapakita sa akin? Para saan pa? Para prepared ako sa kung ano mang mangyayari?
"Wala na akong ganang kumain," sabi ko sakanila.
Tumayo na ako at nagdiretso palabas ng kwarto, mabuti at walang pumigil sa akin. Hinanap ko agad si Bailey pero hindi ko sya makita.
Saan ba nagsusuot ang isang 'yon?
Ang laki ng mansyon ng mga Yoo kaya naman nahihirapan ako sa paghahanap. Madaming kwarto dito, hindi ko nga alam kung para saan ang mga kwartong 'to, eh. Wala na din naman akong balak alamin.
Napadaan ako sa isang kwarto na naka-awang ang pinto. May naririnig akong parang nag-uusap kaya naman dahan-dahan akong lumapit doon para makinig pero bago pa man ako tuluyang makalapit ay may nagtakip sa mata ko, dahilan para mapatili ako.
Marahas kong tinanggal ang kamay na naka-takip at nilingon kung sino ang may gawa 'nun, at syempre walang iba kung hindi si Damon.
I glared at him at ang isang kilay nya naman ay naka-taas na para bang tinatanong ako kung anong ginagawa ko kanina.
Bumukas ang pinto sa kwarto at lumabas mula doon ang parents nya kasama ang nakakatandang Yoo. Damon bowed his head kaya naman nakigaya ako. Baka akalain nila ay bastos ako.
"We're just playing. Sorry," sabi ni Damon kahit wala namang nagtatanong.
Napatingin ako sa parents at Lola niya. I saw how Lola's eyebrow arched and her lips formed into a smile. Napa-ngiti din ang Mama ni Damon.
"Well, we're happy to hear that you guys are getting along with each other," sabi ng Lola niya.
"Nga pala, okay ka na ba, hija?" His mom asked, referring to me.
Tumango ako at ngumiti.
"That's good to hear, hija. Sige na, laro well."
Hinatak na ako ni Damon palayo sa lugar na 'yon. Napa-hawak ako sa dibdib ko dahil parang ngayon ko lang ata naramdaman lahat ng kaba.
Ang bobo naman. Gagawa na nga lang ng kalokohan, mahuhuli pa! Sa gusto ko lang naman talaga malaman kung anong pinag-uusapan nila. Malay ko ba kung nagpa-plano din pala sa'kin, right?
Binilisan ko ang lakad ko, ni hindi ko na inintindi kung nasa likod ko pa ba si Damon o wala na. Hindi na ako lumingon basta nagdiretso ako palabas ng mansyon.
Mula dito ay tanaw kong nasa garden si Bailey at nagsi-cellphone. Tingnan mo nga naman! Nandito lang pala ang isang 'to. Kung nagpakita sya agad kanina edi sana hindi na ako muntik mapahamak.
Nagmadali akong naglakad papunta sa kinalulugaran nya.
Hindi ko napansin na hindi pala pantay ang simento dito kaya naman natapilok ako at na out of balance.
I was expecting na bumagsak sa lupa kaya naman napa-pikit ako. Suddenly, I felt someone grab my waist to avoid me from falling.
"What the hell, babae?"
Napadilat ako ng marinig ko ang boses ni Damon.
Mabilis ang naging kilos ko, itinulak ko sya at tumayo ng tuwid pero mukha atang na-injured ang kaliwang paa ko, yung natapilok kanina.
"Oh shit." mahinang daing ko ng maramdaman ang sakit.
Nilapitan ako ni Damon at hinawakan ag magkabilang braso ko para suportahan ang pagtayo ko.
"Miss Faith!"
Napalingon kaming dalawa ng marinig ang boses ni Bailey mula sa malayo, tumatakbo sya papalapit sa pwesto namin.
Mariin akong napa-pikit. Bailey!!!
"Miss Faith, anong nangyari?" Agad na tanong ni Bailey ng makarating sa amin.
Pinilit kong gumalaw para harapin sya pero napa-ngiwi ako dahil sa sakit. Mukhang dapat ay dahan-dahan ang kilos ko.
Letse, ang malas naman ng araw na 'to!
Napa-tingin si Bailey sa paa ko at mukhang na-gets na nya kung anong nangyari.
"Hala! Sandali, Miss Faith. Bubuhatin kita pabalik sa kwarto mo," he offered na agad namang kinontra ni Damon.
"No need. Ako na ang bubuhat..." hindi makapaniwalang napatingin ako kay Damon. "...sa asawa ko."
Wala kaming nagawa ni Bailey nang buhatin ako ni Damon kanina at ngayon ay nilalagyan na ng benda ni Damon ang paa ko. Akala mo naman talaga may sugat at kailangan pa bendahan.
Pinunasan ko ang luha ko nung tumayo na sya at nung nagtama ang tingin namin ay binigyan nya ako ng isang malamig na tingin.
Bwisit! Alam na niyang masakit ang paa ko kanina tapos ginalaw galaw pa nya. Mas malala daw kasi ang mangyayari kung hindi nya mamasahiin. Ilang beses ko syang namura dahil doon at alam kong mahabang pasensya ang ibinigay nya sa akin habang minumura ko sya.
At dapat lang 'yon dahil mas masakit ang ginawa nya.
Lumabas na si Damon, Trevi at ang dalawang katulong na may dala ng first aid kit. Pagkasara ni Bailey ng pinto ay patakbo itong lumapit sa akin at naupo sa tabi ko.
"Grabe ka, Miss Faith. Alam mo bang kabadong kabado na si Trevi kanina habang minumura mo si Young Master?"
Nagsalubong ang kilay ko at tumango-tango naman sya na para bang sinasabi niya na totoo ang lahat ng sinasabi niya. Tumayo siya at nagsalita.
"No one dares to cuss at Young Master. Mas natatakot ang lahat sakaniya kaysa kay Young Master Richard." panggagaya nya at kahit hindi nya sabihin ay alam kong si Trevi iyon. Napa-awang ang labi ko.
After hearing those, I scream because of frustration at pabagsak na hiniga ang sarili ko sa kama.
Isa lang ang ibig sabihin nito, I'm dead!
Biglang pumasok sa isip ko si Felony. Isa pang bwisit iyon, bagay sila ni Damon magsama dahil mga bwisit sila!
Natigilan ako dahil sa na-realized ko at napa-upo ako.
This started because of Felony. Sya dapat ang naghihirap, nakakaramdam at nakakaranas ng lahat ng nangyayari sa akin ngayon. This is her mess so dapat sya ang maglinis.
Tama! Kung ganoon, I should make a way para magustuhan ni Felony si Damon. Kilala ko si Felony, once na ginusto nya ang isang bagay o tao ay gagawin nya ang lahat para makuha nya ito at pag nangyari iyon ay makakawala na ako sa miserable kong buhay dito.
I looked at Bailey and smirked.
Pagbalik namin ng Pilipinas, magsisimula na ang lahat. Get yourself ready, Felony. I won't let you win this time.