Kabanata 1

3632 Words
Kabanata 1   "Bakit hindi mo tabihan si Young Master?" pa-bulong na tanong ni Bailey dahilan para lakihan ko sya ng mata.   "Will you please stop calling him Young Master in front of me?" inis kong saad.   Kinuha ko ang tubig na naka-patong sa mesa at ininom iyon habang ang mga mata ko ay na kay Damon na nakikipag-usap ngayon sa lalaking sa tingin ko ay kanang kamay nya na si Trevi.   Mariin akong napa-pikit. Bakit nga ba ako nandito at pumayag na pumirma ng marriage contract?   "Miss Faith, hayaan nyo na. Dito kayo sa China kinasal, may divorce naman dito kaya walang problema," sabi ni Bailey na halata namang pinapagaan ang loob ko.   Bumuga ako ng hangin.   "Where's Mama and Papa?" pag-iiba ko. Hindi ko kasi sila makita kanina pa.   "They're talking to Young Master's parents," sagot nya dahilan para mapa-taas ang kilay ko.   Young Master… again. Agad nyang tinakpan ang bibig nya. Na-realize na ata niya ang mali na nasabi nya.   "Sorry, Mr. Damon," pagtatama nya sa sarili nya. Umiling ako. Bakit ba napaka-galang niya kay Damon?   "Call him on his first name," I said. Kokontra pa sana sya pero tinaasan ko na naman sya ng isang kilay kaya naman itinikom nya nalang ang bibig nya.   Nag vibrate ang cellphone ko and from there ay nakita kong tumatawag si Ate Felicia. I took a deep breath before answering her call.   "Yes, ate?" bungad ko.   [Faith, kamusta? Okay ka lang ba? Kamusta ang kasal? Sorry talaga, ha, may duty kasi ako ngayon.] Pagpapaliwanag nya.   "No! It's okay. Alam mo naman na walang naganap na wedding, right? Hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa naming lumipad papunta dito sa China, samantalang kayang-kaya naman nilang gawan ng paraan 'to. Pero di bale na, atleast bukas ay uuwi na kami,” agad na sagot ko. Totoo ang sinabi ko at takang taka ako kung bakit may pagpunta pa rito samantalang pumirma lang naman kami.   [Bukas na agad? Hindi man lang ba muna kayo magpapahinga? I know kahit ganyan lang ay nakaka-pagod pa din, 'yan. Kararating nyo lang dyan kahapon, right?]   Bakas sa boses ni Ate ang pagkabigla dahil sa sinabi ko.   Kahapon lang kami dumating dito at talagang pinamadali ko ang lahat dahil gusto kong maka-uwi din agad ng Pilipinas. Pumayag naman silang sa Pilipinas kami mag stay, mabuti nga din at hindi na sila kumontra sa mga gusto kong mangyari, eh.   "Yeah, gusto ko ng bumalik ng Pilipinas, eh. Wala naman akong gagawin ditto. Bahala si Damon sa kung anong gusto niya basta uuwi na ako," sagot ko.   [Oh? e ‘di hindi nyo pa pala pinag-uusapan ni Damon ang pag-uwi nyo bukas?]   "Hindi. Kailangan pa ba naming pag-usapan, 'yon? Kung ayaw nya pang umuwi edi mauuna na kami ni Bailey. Sila Mama ang alam ko ay uuwi na din bukas dahil may out of town business trip sila."   Pinaglalaruan ko ngayon ang tissue na naka-patong sa mesa ng mga Yoo.   [Faith, paalala ko lang, ha? May asawa ka na, ibig sabihin ay dapat hihingiin mo din ang approval ng asawa mo. Hindi lang ikaw mag-isa ang magdi-desisyon ngayon.]   Napa-tigil ako ng marinig ko iyon kay Ate. Ganon ba talaga 'yon? Kailangan ko pang hingiin ang pagpayag nya? Wow, naman. Mas matindi pa pala 'to kaysa kila Mama.   But the other side of my brain says Ate is right which is true at sinang-ayunan naman ng konsensya ko.   "Ah, bahala sya! Basta uuwi ako," I said with finality.   [Sige, ikaw ang bahala. Basta mag-iingat ka dyan, ha? Si Felony mukhang ayos naman na.]   Mabuti nalang at hindi ko kaharap ngayon si Ate dahil hindi ko mapigilan ang sarili kong mapa-irap dahil sa pagbanggit sa pangalan ng kapatid namin.   Malamang ay ayos na sya! Papaanong hindi samantalang ako ang aayos na ang gulong sinimulan nya? Wala akong kinalaman dito at talagang nadamay pa ako.   Napakunot ang noo konoong makita ko ang pagtayo ni Damon at ni Trevi kaya naman tinapik ko si Bailey na ngayon ay nagtutulog-tulugan.   "Sige, Ate. Bye na. Ingat ka din dyan, ha?"   Ako na ang pumatay ng tawag habang ang mga mata ko ay na kay Damon pa din na papasok sa loob ng mansyon nila.   "Tumayo ka dyan, sundan natin sila Damon," mahinang sabi ko kay Bailey.   Gusto ko syang hampasin ng makita ko ang pagsibol ng isang pilyong ngiti sa mga labi niya.   "Ikaw, ha? Aayaw-ayaw ka pa kanina na tabihan si Yo— Damon. Si Damon, tapos di mo rin pala matiis—" Napa-tigil sya sa pagsasalita ng pingutin ko sya. "—aray!" daing nya.   Binitiwan ko ang tenga nya at tiningnan ng masama. Napaka-daldal ng isang 'to! Mali naman ang iniisip. Hindi naman iyon ang dahilan   "Ano? Sasamahan mo ba ako o maiiwan ka dito sa labas?" mataray na tanong ko.   Naglakad na ako papasok sa mansyon at kasunod ko si Bailey. Nagmumukha kaming ninja dito na nagtatago sa mga poste ng bahay para hindi mapansin ng dalawa na nag-uusap. Pumasok sila sa isang kwarto, mabuti nalang at hindi nila sinarado ang pinto.   Sa totoo lang ay simula noong makarating kami ditto ay masama na ang kutob ko. Pakiramdam ko ay mangyayari na hindi maganda. Hindi ko alam kung kila Mama, kay Bailey, o sa akin, basta kinakabahan ako kaya naman uunahan ko sila sa mga pina-plano nila. Kailangan malaman ko kaagad para makapaghanda ako.   Dahan-dahan kong tinulak ang pinto para marinig namin ang pinag-uusapan nila.   "Trevi, alam mo naman ang mangyayari 'di ba? Buhay ang sinira, kaya buhay din ang kapalit."   Nanlaki ang mata ko at napa-takip ako sa labi ko. Tumingala ako kay Bailey dahil naka-yuko ako habang sya ay nasa likuran ko.   Agad kong tinulak papalayo si Bailey sa lugar na 'yon at nag diretso sa paglabas ng mansyon nila. Pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng hangin dahil sa narinig ko.   "Narinig mo 'yun? Papatayin nila ako, Bailey!" tarantang sabi ko nung makarating kami sa may garden. Mabuti nalang at walang tao dito.   Aligaga ako at patuloy pa rin ang malakas na pagtibok ng puso ko. Sobra ang kaba ko na para bang sasabog na ang puso ko.   I knew it! Sino ba naming pamilya ang uupo na lang sa nangyari ‘di ba?   "Miss Faith, kung sabihin kaya natin 'to kila Don?"   Hindi ako makapaniwalang napatingin kay Bailey. Bakas na rin ang kaba sa mukha niya pero hindi ko akalain na mag sa-suggest siya sa akin ng hindi naman mapapakinabangan.   Sabihin kila Papa? Asa naman na maniwala sila. Baka ang ending ay pagalitan pa nila ako lalo na si Mama.   "Hindi ako si Felony para paniwalaan nila lalo na si Mama," ani ko.   Napa-simangot si Bailey dahil sa sinabi ko. Totoo naman kasi! Para kay Mama ay si Felony lang ang nagsasabi ng totoo. Kahit nga si Felony ang nauunang manakit ay si Felony pa din ang kakampihan niya.   "Kay Miss Felicia?"   Napa-iling ako.   "Wag na muna nating istorbohin si Ate. Madaming ginagawa 'yon sa ospital nya."   Ate Felicia is busy right now at wala rin akong balak na istresin pa siya lalo.   "Paano na yan?" he asked, hopelessly.   Napa-tingin ako sa malayo. Paano na nga ba? Ayoko pang mamatay! Ang dami ko pang gustong gawin sa buhay.   Pero ano bang dapat kong gawin?   Napa-hilamos nalang ako sa palad ko at inis na ginulo ang buhok ko. Ilang sandali akong nag-isip bago ako nag come-up sa desisyon ko.   "Let's just go with the flow. Hindi nila dapat mahalata na alam natin. We need to be careful dahil one wrong move, we're dead."   Nasa garden pa din kami ni Bailey at kumakain kami ngayon ng nilagang saba na pina-serve sa amin ng Mama ni Damon kanina. Ang galing nga, eh, mayroon sila nito dahil paborito daw 'to ng Mama ni Damon kaya marami silang stock.   Pagkatapos namin marinig ni Bailey ang usapan ni Damon at Trevi ay hindi na namin sila nakita pa. Hindi ko alam kung lumabas na ba sila nung kwarto o nag-uusap pa din. Kahit ilang oras na ang nakakalipas ay kinakabahan pa din ako kapag naaalala ko ang sinabi ni Damon.   Speaking of the devil...   Nakikita ko si Damon na kalalabas lang ng mansyon. Inalis ko ang tingin ko sakaniya nang lumingon sya sa gawi namin, nagkunwari akong hindi ko sya nakita. Naramdaman ko ang mahinang pag-sipa ni Bailey sa akin at ako naman ay nagkunwaring walang pake.   "They're going here." mahinang sabi ni Bailey at nung nag-angat akong ng tingin ay nagsalubong ang tingin namin ni Damon.   Shit! That cold chinky eyes of him. Yung seryoso niyang mukha, yung kilay niyang akala mo ay pambabae dahil naka-porma, yung matangos niyang ilong na bumagay sa hitsura niya at pinkish na labi na mukhang malambot at masarap halikan. Yung lakad niya na napaka-angas, yung tipong mapapatabi ka talaga kapag naka-harang ka. He looks so perfect sa totoo lang pero hindi ko dapat sya pinupuri ngayon dahil habang kasama ko siya ay nasa bingit ako ng kamatayan.   Kaya pala kapag mamamatay ang isang tao ay biglaan 'no? Ang hirap kasi pag prepared ka, parang ako lang. Yung tipong hindi ko alam kung hanggang kailan lang ba ang ilalagi ko sa mundong 'to at kung paano ko matatakasan ang isang 'to.   "Are you listening?" he asked. Para akong natauhan sa tanong niya, that question gives shivers down my spine.   Wait, may nagawa ba akong mali? Ano bang sinasabi niya?   Nakataas ang isang kilay niya dahilan para mas naging mukha syang nakakatakot para sa akin. Hindi ko alam pero ang tapang ko sa part na nakatitig pa din ako sa mga mata nya pero dapat lang na isipin niya na hindi ako natatakot sakaniya, hindi niya pwedeng mahalata.   "H-ha? May sinasabi ka?" maingat kong tanong ko.   Ang kilay niyang nakataas kanina, ngayon ay nagsalubong na. s**t! s**t! s**t! Dapat ay hindi na ako nagsalita! Dapat hindi na ako nagtanong at dapat ay hindi ko na ipinaalam sakaniya na hindi ko narinig ang sinabi niya kanina!   Bakit ba kasi naging busy ako sa pag di-describe sakaniya kanina?   Alanganin akong napa-ngiti sakaniya at pagkatapos ay tiningnan ko si Bailey. I raised my brow to him and his brows furrowed pero maya-maya din ay nagliwanag ang mukha nya. Lumapit sya sa akin at bumulong.   "Sabi ni Young Master ay pauwi na daw sila Don sa Pilipinas."   Gusto ko pa sanang magreklamo dahil narinig ko nanaman ang salitang 'Young Master' pero mas nangibabaw sa utak ako sinabi nyang uuwi na sila Mama sa Pilipinas.   "Ngayon na? As in? Hindi bukas?" Tanong ko kay Bailey pero imbes na sagutin ako ay tumingin sya kay Damon kaya naman nailipat ko din ang tingin ko sakaniya.   His hands are on his pocket now and he's giving me a bored look. My gosh!   "Where are they?" I asked Damon.   Imbes na sagutin ako ay naglakad palayo si Damon kasunod si Trevi. Itinaas ko ang kamay ko, akmang babatukan ko sya kahit alam kong hindi ko naman sya abot. Bigla syang lumingon sa akin kaya naman nagkukunwari akong kinakamot ko ang ulo ko at tumingin sa kung saan.   "Akala ko ba gusto mo silang makita? Bakit naka-tanga ka dyan?!" sigaw nya.   Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Sinong tanga?!   Nanggigigil kong nilingon si Bailey na ngayon ay nagpapalit-palit ng tingin, sakin tapos kay Damon tapos sa akin ulit.   Nilapitan ko si Bailey.   "Ipaalala mo sa akin na balak akong patayin ng isang 'to," inis na bulong ko kay Bailey.   "Kumalma ka, Miss Faith. Puntahan na natin sila Don."   Masamang tingin ang ipinukol ko kay Bailey pero ngumiti lang sya sa akin bago naglakad papalapit sa kinaroroonan nila Damon na hinihintay kami.   Pagdating namin sa loob ng mansyon ay diretso kami sa kwarto kung saan tumutuloy sila Mama. Naka-awang ang pinto kaya naman dumiretso na ako ng pasok at ang tatlo naman ay naiwan sa labas.   "Sana lang ay maging maayos na ang lahat," rinig kong sabi ni Papa kaya naman napatigil ako sa paglalakad at nagtago sa may gilid.   "Hindi 'ko ilalagay sa ganitong sitwasyon si Faith kung alam kong hindi niya kaya. Kilala mo ang anak mo, Fausto, alam mo kung anong ugali ang mayroon sya. Kumpara kay Felony, mas kaya nyang harapin ang problemang 'to. Tayo nga kaya nyang suwayin."   I balled my fist. Ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko sa narinig ko. Alam ko na mali ang making sa usapan ng iba pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.   I laughed bitterly inside my side. Kaya kong harapin ang problemang 'to? Hindi ko na nga alam kung paano ako gigising bukas o kung makaka-gising pa ba ako bukas, knowing Damon’s planning something behind my back. He’s a demon indeed.   Hindi ba talaga kayang isipin ni Mama ang kalagayan ko?   Lumabas ako ng kwarto nila Mama at ang tatlo ay prenteng naka-sandal sa pader ay biglang nagsipag-ayusan ng tayo. Agad akong nilapitan ni Bailey.   "Miss Faith, anong nangyari? Nagka-usap na ba kayo? Bakit ang bilis mo naman ata?" Sunod sunod na tanong ni Bailey.   "What happened? Bakit ka naka-simangot?" Ngayon ay si Damon naman ang nagtanong.   I sighed.   Nilingon ko ang kwarto nila Mama pagkatapos ay hinawakan ang doorknob.   "I forgot to knock. Ang bastos ko naman kung basta-basta nalang ako papasok, right?" Pagpapalusot ko.   Hindi ko na hinintay pa ang isasagot nila at kumatok na ako pagkatapos ay pumasok sa loob.   Wearing my fierce look, hinarap ko sila Mama.   "Anak." bati ni Papa sa akin. He hugged me.   Tiningnan ko ang bag na dala nila noong pumunta kami dito na nasa lapag at naka-ready na.   "Aalis na kayo?" I asked, sinubukan kong tapangan ang boses ko tutal iyon naman ang alam nilang klase ng personalidad ko.   Matapang... Walang inuurungan.   Sumagot si Mama. "Oo, may pupuntahan pa kaming out of town business trip bukas. Mag-iingat ka dito."   Hindi ako kumibo. Hindi ko alam kung may gusto ba syang ipahiwatig sa sinabi niyang mag-iingat ako dito, kung mayroon man, hindi ko hahayaang mapahamak ang sarili ko.   "Anak, 'wag masyadong matigas ang ulo, ha? 'Wag mo masyadong bibigyan ng sakit ng ulo si Damon." paalala ni Papa.   Tumango lang ako at hindi sumagot.   "Ayusin mo, Faith. Wala ka na sa bahay, hindi na 'to katulad noon na sa bawat pagkakamali mo ay pagpapasensyahan ka. 'Wag mong paiiralin ang katigasan ng ulo mo," ani Mama habang inaayos ang shoulder bag nya.   Pinigilan ko ang sarili kong mapa-irap.   "Isa pa..." Ngayon ay tiningnan na ako ni Mama at nagpunta sya sa harap ko. "Wala akong tiwala sa pamilyang Yoo kaya naman kailangan mong makuha ang tiwala nila. If Damon wants a baby, give him. He's your husband after all."   Napanganga ako sa sinabi ni Mama. How can I make love to someone that I didn't love at all? Isa pa, baby? Asa naman na gusto ni Damon ng baby! Ang gusto nya ay mawala ako. Iyon, 'yon.   Gustong gusto kong sabihin 'yan kay Mama pero sinarili ko nalang. Atleast, she gives me an idea na kailangan kong makuha ang tiwala ng mga Yoo.   Now I realized, in order for me to live longer, kailangan nila akong pagkatiwalaan, lalo na si Damon. I won't let him harm me.   Kaninang hapon ay nagpunta na ng airport sila Mama. Hindi na ako sumama dahil hindi naman nila ako pinasama. I need to stay at Damon's side daw. Asa namang magtagal ko sa tabi ni Damon.   "Miss Faith, ready ka na?" Tanong ni Bailey pagka-pasok nya sa loob ng kwarto ko.   Oo, kwarto ko dahil hiwalay kami ni Damon ng kwarto. Mabuti nga at pumayag ang pamilya nya, eh. Actually, parang lahat ng requests ko ay pinagbigyan nila kaya naman masaya na medyo nakakakaba. Malay ko ba kung pati sila ay may plano din pala sa akin?   "Dapat ba akong ma-excite?" walang ganang tanong ko kay Bailey. "What if lasunin nya ako ngayong gabi? Imagine, we're here at Yoo's mansion tapos kaming dalawa lang ang kakain ni Damon. He's the one who's in charge on choosing the dishes, paano kung ngayong gabi nya gawin ang mga plano nya?" tarantang tanong ko kay Bailey but he just rolled his eyes.   Aba! Nasa sitwasyon na ako ng life and death, may gana pa syang tarayan ako? Ako ang amo nya, ah! Bakit parang wala na syang pake sa akin?   "Bailey—"   "Miss Faith, 'wag ka ngang mag overthink! Walang gagawing masama sayo 'yon. Nasa mansyon ka ng mga Yoo kaya hindi sila gagawa ng gulo dahil alam nilang sasabit sila."   Sandali kong tinitigan si Bailey. I know Bailey is trying his best to make me calm but I can't. Oo, nasa mansyon kami ng mga Yoo pero sa yaman ba naman nila, hindi ba nila malulusutan kung sakali man na may gagawin silang gulo?   "Alam mo naman na hindi nakaka-ganda ang ma-i-stress diba? Tigilan mo na yung kakaisip nyan at hinihintay ka na ni Young Master sa dining area."   Nagsimula ng kumalabog ang dibdib 'ko. Bago ako tumayo ay mariin muna akong napa-pikit at pilit na pinakalma ang sarili pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto ko.   We headed to the dining hall of Yoo at bumungad sa akin si Damon at nasa tabi niya, nakatayo si Trevi.   Nung nakita ako ni Trevi ay yumuko sya ng kaunti pagkatapos ay lumayo na kay Damon.   Naka-tayo ako habang kunot-noong nakatingin sa mga pagkain na naka-hain sa mesa, may pa-wine at candlelight pa! Kung normal na pagkakataon ay iisipin kong napaka-sweet ng nakikita ko ngayon kaya lang...   Inutusan ni Damon na lumabas sila Trevi at sumunod naman sila pero ako ay nanatiling naka-tayo habang ang mga mata ko ay nakatingin sa kaniya.   "Have a seat," sabi ni Damon at inilahad ang kamay niya, he's pointing a chair next to him.   Kahit nag-aalangan ay nagawa ko pa ding maupo.   Nagsalin si Damon ng wine sa wine glass at ang isa ay iniabot sa akin. Pagkatapos ay nilagyan nya ng tig-iisang pagkain ang pinggan ko. Bawat putahe ay sinigurado niyang nailagay sa plato ko.   Bigla tuloy akong kinabahan. Paano kung isa sa mga pagkain na 'yon ang may lason?   "Eat," utos nya matapos ilagay ang panghuling putahe sa pinggan ko.   Tiningnan ko ang pagkain na nasa harap ko pagkatapos ay inilipat ko ang tingin ko sa pinggan nya pagkatapos naman ay sakaniya. Palipat lipat ang tingin ko habang nag-aalangang kinuha ang chopsticks.   Bakit hindi nya pa nilalagyan ng pagkain ang plato niya? Ito ba yung sign? Hindi talaga sya kakain at hihintayin nya lang akong matumba dito?   Dahan dahan kong inilapit ang chopsticks sa pagkain habang naka-tingin kay Damon. His gaze are fixed on my food, as if he's waiting for the right time na makakain ko ang pagkaing nilagay nya.   Padabog kong ibinaba ang hawak kong chopsticks at kita ko ang pagtataka sa mukha nya. I tried my best to smile, baka hindi ako mamatay sa lason, malay ko ba kung bigla nalang niya akong sakalin kapag nalaman nyang alam ko kung ano ang binabalak nya?   "Ikaw ba, hindi ka ba kakain?" I asked trying to make my voice sound casual.   "No, you should eat first."   "Why? I want us to eat ng sabay. Wait." Katulad ng ginawa nya ay kumuha ako ng pagkain pero bago ko pa man mailagay sa pinggan nya ay napigilan na nya ako.   "I told you to eat first."   "And I also told you that gusto kong sabay tayong kumain."   Muli kong sinubukan na ilagay sa plato nya ang pagkain na nasa sandok pero pinigilan nya ako ulit. Pabagsak kong ibinalik ang sandok at binigyan sya ng masamang tingin.   "Bakit ba ayaw mong sabay tayong kumain?" Galit na singhal ko. Inalis ko ang tingin ko sakaniya at sarkastikong natawa.   "I knew it..." ibinalik ko ang tingin ko kay Damon and he's raising his eyebrow now. Tumayo ako.   "You're tryin' to poison me, right? Kaya ayaw mong kumain."   Tiningnan ko ang mga pagkain sa mesa. I took a deep sigh.   "Fine! I will eat this," sukong sabi ko at saka mabilis na kinain ang pagkaing nasa plato ko.   Kung ito na ang katapusan ko, fine! Mas okay nga ‘di ba?   Bawat putahe ay ipinapakita ko muna sakaniya bago ko isubo. Naka-kunot ang noo niya habang pinagmamasdan ako sa ginagawa ko. Naubos ko na ang panghuling putahe na nasa pinggan ko pero wala namang nangyari and his looks are still the same.   Nilunok ko ang pagkaing nginuya ko kani-kanina lang at nahagip ng mata ko ang wine.   Okay, I knew it!   "Wala sa mga pagkain. Well, I guess, it's here!"   Kita ko ang pag-iling nya ng ilang beses saka walang emosyon niya akong tinitigan. Itinaas ko ang wine glass at ininom ito, bottoms up.   Nalasahan ko pa ang pait at the same time ay tamis ng wine na hinanda nya. What the hell, this is my first time drinking alcoholic beverages! Ang masasabi ko lang ay tama ang desisyon ko noon na 'wag uminom ng alak.   Wine pa lang pero hindi na ako natutuwa sa nalasahan ko, paano pa kaya kung talagang purong alak na?   Ibinaba ko na ang wine glass pagkatapos ay nakaramdam ako ng kakaiba. Natigilan ako at unti-unti akong nakaramdam ng panlalamig at the same time ay pinagpapawisan naman ang nook o. Napa-hawak ako sa tyan ko, I felt my stomach ache. Hindi ko napigilang mapasigaw. Sa sobrang sakit ay napa-upo ako.   Ramdam ko ang pagdating nila Trevi at si Bailey ay dumiretso sa kinaroroonan ko.   "Miss Faith, okay ka lang?" Tanong ni Bailey habang hawak ako sa braso niya. Gustuhin ko mang sumagot ay hindi ko magawa. Unti-unti na rin lumalabo ang paningin ko.   Ngayon ko lang napansing naka-tayo na pala si Damon at nanghihina na talaga ako. Hindi ko na magawa pang kumilos.   "Call the doctor!" Rinig kong utos ni Damon and after that, tuluyan na akong nilamon ng dilim.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD