KEIRA POV PAGBALIK NAMIN SA hospital, tulog pa rin si Mico. Akala ko pa naman ay gising na kaya siya madaling-madali na makauwi. "Ano'ng nangyari sa labi mo?" Usisa ni Mildred habang matamang nakatingin sa labi ko. "Bakit namamaga? Napa'no 'yan?" Napasinghap si Mildred nang walang pagdadalawang-isip na itinuro ko sa kaniya ang amo niya. "Anong ginawa ni Señorito sa 'yo? Sinaktan ka niya?" Pabulong niyang usisa, nasa boses ang pag-aalala. Sa gilid ng mga mata ko, nakita kong tumayo si Michael. "Sinaktan ka ni Señorito Michael, Keira?" Ulit ni Mildred, saka binalingan ang amo niyang nasa tabi na namin. "Sinaktan n'yo po si Keira, Señorito?" "No." Maikling sagot ni Michael at nagbabanta akong tinapunan ng tingin. "E, bakit sabi niya po ikaw ang may gawa kung bakit namamaga a

