KEIRA CERVANTES POV PANININDIGAN KITA. Habang masuyong hinahalikan ni Michael ang mga labi ko, paulit-ulit na nag-replay sa utak ko ang sinabi niya bago niya ako sinibasib ng halik. Paninindigan talaga? E, ba't parang iba yata ang nararamdaman kong tumitindig? Iba yata ang gustong manindigan ngayon. Nag-init ang mukha ko. Mas'yado akong nadi-distract sa pagkalalakí niyang nakadikit sa may balakang ko. Ewan ko ba dahil kahit distracted na ako ay nakuha ko pang palihim na damhin 'yon. Maghunos-dili ka, Keira! Napakalantod mo. Para kang hindi virgin kung imagine-in ang ano niya, ah. Piping pinagalitan ko ang aking sarili. Habang patuloy sa pananalakay sa labi ko si Michael ay bigla akong napamulagat. Umayos kasi siya sa pagkakapatong sa ibabaw ko at aksidenteng sumayad sa ibabaw ng

