KEIRA CERVANTES POV KINILABUTAN ako nang maramdaman ko ang mga labi ni Michael sa batok ko. Panaka-nakang dinadampian ng malilit na halik. Diyos ko! Mapapadasal ka na lang pala talaga kapag dumating na sa ganitong punto lalo pa't wala kang lakas para tumutol. O, may lakas naman talaga, pero gusto ko rin ang ginagawa niya. "M-Michael!" Napaiktad ako. Dinilaan niya kasi ang batok ko. At sa ginawa niya, literal na nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa buong katawan. Lahat. Bago pa man ako marahuyo at makalimot, lakas-loob akong tumingin sa kaniya. Sumalubong sa akin ang seryoso niyang mukha. "A-Anong ginagawa mo?" Nauutal na tanong ko. "Kissing you." Tila balewalang sagot niya sa paanas na tinig. Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Oo nga. Obvious namang hinahalikan mo ako, 'd

