KEIRA CERVANTES POV "WALA KANG MAISAGOT dahil wala naman talagang magagalit, pare," ani ni Nicholas nang ilang sandali na ang lumipas ay walang naisagot ang kaibigan niya. Pilit kong binabasa ang emosyong nakapaloob sa mga mata ni Michael, pero hindi ko mapangalanan kung ano 'yon. Hanggang sa mabaling kay Nicholas ang atensyon ko. Hinawakan na rin kasi niya ang isa ko pang kamay kaya ngayon ay dalawang kamay ko na ang hawak niya. Sinubukan kong bawiin. "Nicholas, ang kamay--" "Liligawan kita, Keira," putol niya. "Magpapaalam ako sa parents mo." "Ha? Ah, kasi--" "Kung iniisip mong nagbibiro lang ako, no, I'm serious about courting you," seryosong sabi ni Nicholas. Nang hindi ako nakapagsalita, muling nagsalita si Nicholas. "Liligawan kita, Keira." "Hindi puwede." Sabay kami

