KEIRA CERVANTES POV "ANO PONG NANGYARI SA AKIN?" Nahihiya man, lakas-loob pa rin akong nagtanong sa kaibigang doktor na babae ni Dok Warren na tumingin sa akin ngayon. "Nagkaroon ng sugat sa loob ng private part mo. But don't worry, bibigyan kita ng mga gamot para hindi na lumala at umabot sa infection." Mabait na sagot niya. At habang nakikinig sa paliwanag niya, hindi ko maiwasang mamula sa sobrang hiya. Na parang gusto ko na lang magtalukbong ng kumot. Nakakahiya na nalaman niya na nagkaganito ako dahil sa pakikipag-s*x. Paliwanag ni Dra. Enriquez, during s****l intercourse ay may nadaling soft tissue kaya nagkasugat. Harmless naman daw 'yon at gagaling din basta siguraduhin ko lang daw na wala munang intercourse para hindi na lumala. "Nakakahiya po, Dok." Tanging nasabi ko ma

