KEIRA POV NAPAUNGOL AKO nang magbago ang paraan ng paghalik ni Michael. Mula sa banayad at nananantyang halik ay nagsimulang maging maharot at magaslaw. Hindi ako gumanti. Hindi ko kayang sabayan ang galaw ng labi niya. Para siyang nanghihigop. Hindi na ako makahinga nang maayos sa paghalik na ginagawa niya. Sinasabi ng utak ko na itulak ko siya, pero iba ang gusto ng katawan ko. Sa halip na manulak, nagparaya ako at mas humigpit ang yakap ko sa kaniya. "Kiss me back," anas na pakiusap ni Michael nang pakawalan sandali ang mga labi ko. Inilayo rin niya ng bahagya ang mukha. Nagtama ang mga mata namin. Nagkatitigan kami. Napalunok ako nang mabasa ang kakaibang kislap sa mga mata niya. At bago ko pa man mapangalanan ang kakaibang kislap na 'yon, wala na dahil sinakop na naman n

