KEIRA POV TSS! WALA 'YON. NAAWA LANG AKO. Naiinis na tinakpan ko ng unan ang mukha ko nang marinig na naman sa utak ko ang sinabi ni Michael na 'yon. Naiinis ako. Hindi kay Michael kundi sa sarili ko. Dahil hindi ko maintindihan kung bakit mas'yado akong apektado sa sinabi niya. "Ano ba, Kei? Bakit ka ba naiinis? Hindi ba dapat ay matuwa at magpasalamat ka do'n sa tao dahil inalagaan ka niya kahit alam mong galit siya sa 'yo?" Parang loka-lokang pinagalitan ko ang sarili ko. "Alam ko. Pero bakit gano'n siya ka-sweet kagabi? Bakit kailangan niya akong yakapin nang gano'n? Bakit tinawag niya akong baby? At bakit niya ako hinalikan sa noo?" Pagmamaktol ko. Naawa nga kasi, Kei, ha. Na.a.wa. "Gano'n ba talaga siya maawa? May kasamang paasa?" Baka hindi ka naman talaga pinaasa, nag

