CHAPTER 22 MICHAEL POV "YOU HATE ME..." Para akong sinuntok ng ilang beses sa dibdib nang sunod-sunod na humikbi si Keira pagkasabi niyon. Umupo ako sa gilid ng kama dahil ayaw niyang bitawan ang kamay ko. "Wala akong kasalanan sa 'yo at kay Mico. H-Hindi ako maruming babae. H-Hindi ako p0kpo--" "I know," putol ko. "I know you're not, I'm sorry, Kei. I'm sorry." Lalo akong kinain ng konsensya ko nang sunod-sunod ang ginawa niyang paghikbi. Kasabay ang walang tigil na pagdaloy ng mga luha niya sa kaniyang magkabilang pisngi. Pinunasan ko 'yon gamit ang likod ng palad ko. "I'm sorry, Kei. I didn't mean to say it. I'm sorry, I thought it was you." Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Hindi ko alam kung narinig o naintindihan niya ang sinabi ko dahil wala akong nakuhang s

