MICHAEL POV "IT'S BEEN 4 DAYS, RIGHT?" Bahagya akong nagulat nang marinig ang boses ng kaibigan kong si Warren na bigla na lang sumulpot sa tabi ko. "Kanina ka pa rito?" tanong ko. "Long enough para mahuli kitang pinagmamasdan nang palihim ang pamangkin mo at ang girlfriend niya." "Pretend girlfriend." Pagtatama ko. "Whatever." Nagkibit-balikat siya at nang-aarok akong tiningnan. "What?" Angil ko. "Anong klaseng tingin 'yan?" "Nothing. I'm just wondering kung ano ang nararamdaman mo habang pinagmamasdan mo silang dalawa. Kung ano ang iniisip mo habang pinanunuod kung paano alagaan ni Keira ang pamangkin mo." Kinunutan ko siya ng noo. "Ano ba dapat ang maramdaman ko? Of course I'm happy dahil nakikita ko na unti-unti nang bumabalik sa dating sigla si Mico." "I know you're

