KEIRA POV "KEIRA, WAIT!" Ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko nang marinig ko ang pagtawag ni Michael sa akin. Sa halip na huminto, mas lalo kong binilisan ang hakbang ko. "Keira, wait." Nagtuloy-tuloy pa rin ako. Paliko na ako ng pasilyo nang may pumigil sa kanang braso ko. Napatiim-bagang ako nang maramdaman ko na naman ang lintik na tila kuryente na 'yon sa tuwing magdadaiti ang mga balat namin. "Sa estado ng buhay nila sa probinsya, alam kong hindi niya tatanggihan ang offer ko. Siya na nga 'yong kusang pumayag, eh." Naghurumintado ang kalooban ko. Hindi ko talaga matanggap na nauto ako ng gurang na 'to. Akala ko, mabait na talaga. Nagkunwari lang pala para mapa-oo ako sa gusto niya. At ako namang si gaga, umasa. Nag-assume. Nanggigil ako sa inis. Hindi kay Michael ku

