KEIRA POV "NAINIP KA BA, KEI?" Tanong agad ni Nicholas sa akin pagbalik nila dito sa labas ng korte. Paggaling ka kasi namin sa airport ay dito na kami dumiretso dahil mali-late na raw sila kung ihahatid pa ako bago pumunta. Nang pumasok sila sa loob kanina ay iniwan nila ako rito at kalalabas lang nila. "Hindi naman po," sagot ko na ikinangiti ni Nicholas. "Good. Hindi ako makapag-concentrate sa hearing kanina, iniisip kasi kita." Literal na nag-init ang mukha ko sa tinuran niya. Alam kong nagbibiro lang siya, pero hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng hiya at kaunting pagkailang. Nahihiya ako dahil ang bait niya sa akin kahit ganito lang ako. "I'm serious, Kei. Iniisip kita habang nasa loob kanina." Ulit niya habang nasa mga labi ang simpatikong ngiti. Cute. Napangiti

